FILIPINO SEMIS

Cards (31)

  • Paksa ng Pananaliksik
    Nagsisilbing sentral na idey ana nais matutuhan o magalugad
  • Constructs
    Malawak na konsepto o paksa ng pag-aaral na maaaring abstrak
  • Variable
    Isang katangian, kondisyon, o gawi na maaaring takdaan ng iba't ibang halaga
  • Constant

    Isang halaga o kategorya na maaaring itakda sa isang variable
  • Hypothesis
    Isang prediksyon hingil sa maaaring kalabasan ng pag-aaral
  • Teorya

    Isang organisadong sistema ng mga inaasahan at mga prinsipyo na nasisikap ipaliwanag ang mga tiyak na penomeno
  • Populasyon
    Pangkat ng mga indibidwal o ng mga paksa ng pag-aaral
  • Sample
    Bahagi ng populasyon
  • Sampling
    Proseso ng pagkuha ng sample
  • Sampling Unit
    Isang yunit ng populasyon na pinili ng mananaliksik
  • Sampling Frame

    Listahan ng lahat ng mga sampling unit mula sa populasyon
  • Constantino at Zafra (2010)
    Ang pananaliksik ay isang masusing pagsisiyasat at pagsusuri sa mga idea, konsepto, bagay, tao, isyu at iba pang ibig bigyang-linaw, patunayan, o pasubalian
  • Galero-Tejero (2011)
    Ang pananaliksik ay may tatlong mahahalagang layunin
    • Makahanap ng isang teorya
    • Malaman o mabatid ang katotohanan sa teoryang ito
    • Makakuha ng kasagutan sa mga maka-aghan na problema
  • Creswell (2012)
    Mahalaga ang pananaliksik sapagkat ito'y nakadaragdag sa kasalukuyang kaalamang umiiral
  • Mga Layunin sa Pananaliksik
    Maggalugad- Pagnanais na makapulot ng kaalaman o matuto mula sa isang penomeno o pangyayari
  • Mga Layunin sa Pagsasaliksik
    Maglarawan - Pagnanais sa sistematiko at obhetibong mailarawan ang pangyayari
  • Mga Layunin sa Pagsasaliksik
    Magpaliwanag - Magpakita ng dahil kung paano at bakit nagaganap ang isang pangyayari o penomeno
  • Mga Layunin sa Pagsasaliksik
    Gumawa ng Ebalwasyon - Pagnanais na malaman ang pagiging epektibo ng isnag produkto, programa, proseso, o polisiyang kasalukuyang umiiral
  • Mga Layunin sa Pananaliksik
    Sumubok ng Hypothesis - Pagnanais na malaman ang relasyon ng mga pinag-aralang variable
  • Mga Layunin sa Pananaliksik
    Gumawa ng Prediction - Pagnanais na malaman kung ano ang maaaring sumunod na maganap sa isang pangyayari o penomeno
  • Mga Layunin sa Pananaliksik
    Makaimpluwensiya - Pagnanais na gamitin ang isinasagawang pananaliksik upang makamit o maganap ang isang ninanasang pangyayari
  • Pananaliksik na Payak

    Layuning makadagdag ng impormasyon tungkol sa isang kaalamang umiiral sa kasalukuyan
  • Pananaliksik na Maiaangkop

    Pagbibigay ng kasagutan at/o solusyon sa mga praktikal na katanungan at/o suliraning kasalukuyang kinahaharap ng LIPUNAN
  • Action Research
    Nangangailangan ng agarang aksyon.
    Layuning maresolba ng suliranin o mangalap ng impormasyon upang makapagbigay ng kaalaman sa mga LOKAL na pagsasanay
  • Pananaliksik ba Naglalarawan
    Sistematiko, tiyak, obhetibo at buong katotohanang paglalarawan
  • Pananaliksik na Naggagalugad
    Layunin ng pananaliksik na maggalugad o mag-imbestiga ng kaalaman na wala pa o kakaunti pa lamang
  • Pananaliksik na Nagpapaliwanag
    Layunin ng pananaliksik na magbigay paliwanag sa mga sanhi at bunga, sa mga relasyon, o kung bakit ang mga bagay-bagay ay ganon na lamang
  • Pananaliksik na Nagsusuri
    Proseso ng paggamit ng mga siyentipikong pamamaraan upang makalikom ng mga mapagkakatiwalaan at wastong ebidensiya
  • Pananaliksik na Gumagamit ng Datos ng Kalidad
    Layuning maintindihan ang mga karanasan ng mga tao at upang maipahayag ang kanilang mga perspektiba
  • Pananaliksik na Gumagamit ng Datos ng Kailanan
    Pananaliksik na primaryang umaasa sa koleksyon ng mga datos na kailanan at nakapokus sa pagsusuri ng mga hypothesis at teorya
  • Pananaliksik na Gumagamit ng Halo-halong Datos
    Ang isinasagawang pag-aaral ay pinagsasama ng mixed methods research ang mga elemnto ng qualitative at quantitative