SOSLIT

Cards (80)

  • Panulaan (Tula)

    • Pagbuo ng pangungusap sa pamamagitan ng salitang binibilang ng pantig sa taludtod na pinagtugma tugma
    • Ang bawat taludtod ay maaaring may sukat at tugmang pantig sa hulihan o sadyang malayang malaya na ang ibig sabihin ay di alintana ang sukat at tugma
  • Uri ng Tula o Akdang Patula

    • Tulang Pasalaysay
    • Tulang Padamdamin o Liriko
    • Tulang Padula
    • Tulang Patnigan
  • Tulang Pasalaysay
    Kwento ng mga pangyayari na nasusulat ng patula, may sukat at tugma
  • Uri ng Tulang Pasalaysay

    • Paksa
    • Pangyayari
    • Tauhan
  • Epiko
    • Biag ni Lam-ag
    • Indarapatra at Sulayman
  • Awit o Korido

    • Florante at Laura
    • Ibong Adarna
  • Tulang Padamdamin o Liriko

    Pumapaksa sa magiting na digmaan ng may akda o ibang tao
  • Uri ng Tulang Padamdamin o Liriko

    • Awiting bayan
    • Soneto
    • Elehiya
    • Dalit
    • Pastoral
    • Oda
  • Awiting Bayan

    Maikling tulang binibigkas na mahimig, nagsalin-salin sa bibig ng ating mga ninuno, karaniwang pinapaksa ang pamimighati, pangangamba, at pag-asa
  • Soneto
    Tulang may labing-apat (14) na taludtod hingil sa damdamin at kaisipan
  • Elehiya
    Tulang nagpapahayag ng paninimdim dahil sa pagyao ng isang minamahal
  • Dalit
    Isang tulang inaawit bilang papuri sa dakilang lumikha o sa mahal na birhen, nagtatagla ng pilosopiya sa buhay
  • Pastoral
    Tulang naglalarawan ng paraan ng pamumuhay sa kabukiran
  • Oda
    Tulang paghanga o papuri
  • Tulang Padula

    Tulang itinatanghal sa entablado
  • Tulang Patnigan

    Mga laro o paligsahang patula na noon ay isinasagawa sa bakuran ng mga mamamayan
  • Panulaan
    Kapag nakikita o tinatanghal sa entablado o inilalabas sa tanghalan, pumapailalim sa dalawang naunang anyo, ang mga dayalogo ay maaaring isulat sa alin mang anyo, ang bawat yugto ay binubuo ng mga tagpo na maaaring isahan, dalawahan, o tatlong yugto
  • Mga Paraan ng Pagtatanghal

    • Patula
    • Paawit
    • Pasayaw
  • Ang pagtatanghal ay ginagawa bilang patula, paawit, o pasayaw, hindi lamang sa tanghalan kundi sa liwasan ng kanilang bayan, sa bahay ng kanilang pinunong maha, o sa baku-bakuran ng kanilang kapitbahay o sa sari-sarili pataniman
  • Tagayan ni J.C. Balmaceda, 1939, isang dulang panlipunan, ang pinakaugat ng dula
  • Teorya
    Universal at nakabatay sa paniniwala ng tao batay sa kanyang kinalakihang kapaligiran, tunguhin lamang nito ay magbigay kaalaman upang hindi tayo mapag-iwanan sa larangan ng kaalaman, pormulasyon ng paglilinawing mga simulain ng mga tiyak na kaisipan upang makagawa ng malinaw at sistematikong paraan ng paglalarawan
  • Teksto
    Mahalagang kasangkapan sa pagsusuri at kritisismo, kung walang teksto, walang daigdig, kung walang pagsusuri, walang kaalaman, at mangyayari pa walang sibilisasyon, kaya dapat na ang pagkatuto sa pagsusuri ay dapat na matutunan ng bawat isa
  • Mga Dulog Pampanitikan

    • Moralistiko
    • Fermalistiko
    • Historikal at Sosyolohikal
    • Kultural
    • Eksistensyalismo
    • Instrukturalismo
    • Dekonstruksyon
    • Realismo
    • Arketipal
    • Imalismo
    • Humanismo
    • Marxismo
    • Feminismo
    • Klasismo
    • Queer
  • Moralistiko
    Ipinalalagay na ang akda ay may kapangyarihang maglahad hindi lamang ng literal na katotohanan at mga di mapapawing pagpapahalaga
  • Fermalistiko
    Tinitignan ang perpektibong ito ang kwento bilang binubuo ng mga pormal na element o sangkap
  • Pangunahing Sangkap ng Kwento

    • Tagpuan
    • Karakter
    • Tunggalian
    • Plot o Banghay
    • Resolusyon
  • 3 Dimensyonal ng Karakter

    • Bilohikal
    • Sosyolohikal
    • Sikolohikal
  • Uri ng Tunggalian

    • Tao laban sa kanyang Sarili
    • Tao laban sa kapaligiran
    • Tao laban sa tao
  • Historikal at Sosyolohikal

    Pinag-aaralan sa perspektibong ito ay ang akda bilang produkto o artifact ng isang partikular na kasaysayan at sosyolohikal na lipunan, maaaring ito ay likha ng dalawang paraan ng pagbasa, batay sa pag-lulugar ng panahon (aspektong HISTORIKAL at SOSYOLOHIKAL) sa perpektibong ito mahalagang may kaalaman sa sosyopolitikal, ekonomiya at kultural sa aspekto
  • Kultural
    Sinusuri sa iba't ibang kultural na salik ng ating pagkatao, kung historikal sa sosyolohikal na perspektibo ay sinisipat ang isang pagkataong nakalugar sa bayan, rehiyon at bansa, sa perspektibong kultural, kinikilatis ang iba't ibang salik na binubuo ng mga identidad, sa konsiderasyon ng bawat salik ay mas lalong nagbibigay ng laman, porma at lalim ang sinisipat na pagkatuto
  • Mga Salik sa Kultural na Perspektibo

    • Uri
    • Lahi at Etnisidad
    • Sekswalidad at Kasarian
  • Lahi at Etnisidad

    Tinutukoy ng lahi ang relasyon ng mga mamamayan ng mahirap at mayamang bansa o anumang pormasyong panlipunan, batay sa kulay ng kanilang balat, ang etnisidad naman ay pagtukoy sa iba't ibang etnikong pinagmulan ng bumubuo ng isang bansa
  • Sekswalidad at Kasarian

    Tumutukoy sa sekswalisasyon ng indibidwal: paano maging sekswal na nilalang ang tao, tinitingnan ang heterosekswalidad
  • Romantisismo
    Pinaniniwalaan na ang daigdig ay hindi isang walang kahulugang kasalimutan ng kaaway ng tao, may pagkakasundo at layunin sa kabuuan ang sandaigdigan na nilikha ay makapangyarihan at marunong sa lahat at itinataguyod ng katarungan at pag-ibig
  • Eksistensyalismo
    Paniniwalang hindi tunay ang buhay kung nakakulong sa sistema ng paniniwala, ang bawat tao ay may kalayaang pumili sa kanyang sarili dahil anumang maaaring mahihinatnan o maging resulta ang kanyang ginawang pagpili, ang tao ay may sariling buhay ang nagbibigay kahulugan sa kanya bilang tao
  • Dekonstruksyon
    Winawasak nito ang kabuuan ng sistema ng wika at binubuo lamang muli ito bilang kamalayan na may kalakip na teorya ng realidad
  • Realismo
    Ang teoretikal na batayan ito ang paniniwalang may taglay na kapangyarihan ang teksto at ang manunulat ng akda, nasusuriin ang masalimutan na realidad batay sa mga pagpapatunay sa mga makakatuhanang datos at gagamitin ang mga ito sa paglikha ng kanyang akda na sa tingin niya ay representasyon ng realidad
  • Mga Paksa ng Realismo
    • Kurapsyon
    • Katiwalian
    • Kahirapan
    • Diskriminasyon
  • Arketipal
    Katulad ng sikolohikal na pananaw, nakapokus ang atensyon sa paraan ng paglikha at ang epekto nito sa mambabasa
  • Imalismo
    Layunin nito na gumamit ng mga imahen mahigit na naghahayag sa mga damdamin, kaisipan, ideya, at saloobin