Lesson 4. Finals PAGBASA

Cards (22)

  • Iba't Ibang Maaaring Mapagkunan ng Paksa
    • Internet at Social Media
    • Telebisyon
    • Diyaryo at Magasin
    • Mga Pangyayari sa iyong paligid
    • Sa Sarili
  • Akademikong pagsulat

    Isinasagawa sa isang akademikong institusyon kung saan kinakailangan ang mataas na antas ng kasanayan sa pagsulat. Layunin ng akademikong pagsulat ang magbigay ng makabuluhang impormasyon sa halip na manlibang lamang
  • Maprosesong pananaliksik

    • Isa sa mga halimbawa ng akademikong pagsulat
    • Nakadepende sa kritikal na pagbasa ng isang indibidwal
    • Husay ng manunulat: mangalap ng mahahalagang datos, mahusay magsuri, mag-organisa ng mga idea, orihinalidad na gawa, lohikal mag-isip, may inobasyon, kakayahang gumawa ng sintesis
  • Komponent ng Etika sa Pananaliksik
    • Pagprotekta sa kaligtasan ng mga respondent
    • Pag-iingat sa mga personal na datos
    • Pag-iwas sa desepsiyon o hindi pagsasabi ng totoo
    • Pagsasaalang-alang sa kapakanan ng mga bata bilang respondent ng saliksik
  • Plagiarism
    Tahasang paggamit o pangongopya ng mga salita at idea nang walang kaukulang pagbanggit o pagkilala sa pinagmulan nito
  • Iba pang anyo ng plagiarism
    • Pag-angkin sa gawa, produkto, o idea ng iba
    • Hindi paglalagay ng maayos na panipi sa mga siniping pahayag
    • Pagbibigay ng maling impormasyon sa pinagmulan ng siniping pahayag
    • Pagpapalit ng mga salita sa katulad na wika o kaya pagsasalin ng teksto ngunit pangongopya sa idea nang walang sapat na pagkilala
    • Ang pangongoya ng napakaraming idea at pananalita sa isang pinagkunan na halos bumuo na sa iyong produkto, tukuyin man o hindi ang pinagmulan nito
  • Redundant publication

    Ang pagpasá ng isang mananaliksik ng iisang pag-aaral sa dalawang magkaibang referred journal para sa publikasyon
  • Self-plagiarism

    Ang bahagi ng isang pananaliksik ay inuulit sa isa pang pananaliksik na walang sapat na pagbanggit
  • Mga uri ng pananaliksik
    • Pananaliksik na Eksperimental
    • Korelasyonal na Pananaliksik
    • Pananaliksik na Hambing-Sanhi
    • Sarbey na Pananaliksik
    • Etnograpikong Pananaliksik
    • Historikal na Pananaliksik
    • Kilos-saliksik (Action Research)
    • Deskriptibong Pananaliksik
  • Pananaliksik na Eksperimental
    Pinakamabisang uri kung nais tukuyin ang inaasahang resulta. Binibigyang-pansin ang mga posibleng dahilan na maaaring tumugon sa suliranin
  • Korelasyonal na Pananaliksik

    Matukoy ang kaugnayan ng 2 baryabol nang makita ang implikasyon nito at epekto sa isa't isa. Makatutulong para magkaroon ng prediksiyon sa kalalabasan ng pananaliksik
  • Pananaliksik na Hambing-Sanhi
    Pag-alam sa dahilan o pagkakaiba ng dalawang bagay o tao
  • Sarbey na Pananaliksik

    Pagpapayaman at pagpaparami ng datos
  • Etnograpikong Pananaliksik

    Kultural na pananaliksik
  • Historikal na Pananaliksik

    Pagtuon sa nagdaang pangyayari. Magpabatid ng katotohanan ng nakalipas na pangyayari
  • Kilos-saliksik (Action Research)

    Benepisyal. May suliranin kailangang tugunan. Nagbibigay ng solusyon
  • Deskriptibong Pananaliksik

    Paglalarawan ng isang penomenong nagaganap kaugnay sa paksa. Pinakagamiting uri ng pananaliksik
  • Etika
    Ito ay ang pagsunod sa istandard na pinaniniwalaan ng lipunan na wasto at naaayon sa pamantayan ng nakararami.
  • Iba pang anyo ng plagiarism
    • Pagsusumite ng isang papel sa magkaibang kurso
    • Redundant publication
    • Self -plagiarism
    • Pagpaparami ng listahan ng sanggunian kahit hindi naman talaga ito nagamit sa pananaliksik
  • Layunin ng pananaliksik
    • Mabigyan ng kasiyahan ang kuryosidad ng tao
    • Mabigyan ng mga kasagutan ang mga tiyak na katanungan
    • Malutas ang isang partikular na isyu o kontrobersiya
    • Makatuklas ng mga bagong kaalaman
    • Maging solusyon ito sa suliranin
  • Metodo o Pamamaraan

    Ito ang ikalawang kabanata o tsapter sa mga sulating pananliksik
  • Kawalan ng Etika sa Panaliksik
    • Pagpapasagot sa sarbey nang hindi ipinapaalam sa respondent kung tungkol saan ang saliksik.
    • Pagtatanong sa mga mag-aaral kaugnay sa kanilang seksuwal na gawain.
    • Paglalathala ng mga datos na tumutukoy sa personal na resulta ng panayam o sarbey ng grupo ng mga impormante.