Ang Pilipinas, ayon kay Norio Usui ng Asian Development Bank (ADB), ay may malusog na sektor ng paglilingkod na sandigan ng ating ekonomiya
Kailangan ng bansa na magkaroon ng ganoon ding kalakas na sektor ng industriya upang makapagbukas ng mas maraming pagkakataon na makahanap ng trabaho ang mga mamamamayan
Ang sektor ng industriya ay isang mahalagang bahagi upang matamo ang kaunlaran
Sektor ng industriya

Pangunahing layunin nito ay maiproseso ang mga hilaw na materyal o sangkap na materyal upang makabuo ng mga produktong ginagamit ng tao
Karaniwang nagmumula sa agrikultura ang mga hilaw na materyal upang mabuo ang mga produktong maaaring ipagbili sa mga mamimili o gamitin bilang bahagi ng isang produkto tulad ng tornilyo sa kotse
Nakapagbibigay ang sektor na ito ng trabaho sa maraming Pilipino
Ito ay isang pagpapatunay na ang sektor ng industriya ay isang mahalagang bahagi upang matamo ang kaunlaran