Kasaysayan (2)

Cards (39)

  • Sigaw sa Pugadlawin ( Sigaw sa Balintawak )
  • Hulyo 7, 1892 - Itinatag ang KKK (kataastaasan, kagalangganlangang katipunan ng mga anak ng bayan)
  • Mga naging pinuno ng KKK:
    1. Deodato Arellano
    2. Roman Basa
    3. Andres Bonifacio
  • Agosto 19, 1896 - Nabunyag ang Katipunan
  • Nagkaroon ng pagtatalo sa Diario de manila sa pagitan nina Apolonia dela cruz at Teodoro Patiño dahil sa dagdag na sahod
  • Sa galit ni Teodoro Patiño nagkwento sya sa kanyang kapatid na si Honoria Patiño patungkol sa sekretong samahan.
  • Umiyak si Honoria at napansin sya ng isang madre, kinausap si teodoro ng madre na sabihin ang kanyang nalalaman kay fr. Mariano Gil
  • Nagkaroon ng pagsisiyasat sa diario de manila at nakita ang mga kasulatan, resibo at ibang katunayan patungkol sa katipunero
  • Agosto 23, 1896 - Sigaw sa pugadlawin
    Dito na nag umpisa ang himagsikan
  • Pinulong ni Andres Bonifacio ang katipunero para punitin ang Sedula at sumigaw ng “mabuhay ang pilipinas
  • Sedula – Pag kakilanlan bilang isang mamamayan ng isang lugar
  • Agosto 30, 1896 - Pagsugod sa San Juan del Monte
  • Walong lugar na nag alsa
    Maynila
    Cavite
    Laguna
    Batangas
    Bulacan
    Tarlac
    Nueva Ecija
    Pampanga
  • Ang retraksyon ay pagbawi, pagtanggi sa naunag sinabi o sa kahit anong aksyon na nagpapahayag ng pagbabago ng saloobin ng taong nagbitiw o gumawa nito
  • Ayon kay Dr. Purino (2000), ang retraksiyon ni Rizal ay naging kontrobersyal at iba-iba ang palagay ng mga manunulat. Naging hati ang pananaw na ito lalo na sa magkatunggaling paniniwala ng dalawang panig
  • dalawang panig:
    Katolikong Rizalista na naniniwalang si Rizal ay gumawa ng isang Retraksiyon
    Masonistang Rizal na naninindigang hindi binawi ni Rizal ang kanyang mga isinulat ukol sa simbahang Katoliko at pamahalaang Kastila.
  • Mas lalong nadagdagan ang usaping retraksiyon sa paglitaw ng isang dokumento noong 1935 na di umano’y naglalaman ng totoong retraksiyon ni Rizal sapagkat ito’y nagdulot ng panibagong anggulo sa nasabing usapin.
  • Mahalaga para sa mga Kastila ang retraksiyon ni Jose Rizal sapagkat naniniwala silang sa pamamagitan nito ay mapapatigil nila ang ningas ng rebolusyon na sinindihan ni Rizal sa pamamagitan ng kanyang mga nobela.
  • Ayon kay Coates (1992), dalawa ang pakay ng mga Kastila para pilitin si Rizal na sumulat ng isang Retraksiyon,
  • Dalawang pakay ayon ky Coates:
    una ay para sa kanyang kapakanan, marahil ay gusto nilang ipagtanggol si Rizal at para maprotektahan din ang kanilang mga pansariling interest at masasabing sila ay nagtagumpay na hubugin si Rizal ayon sa kanilang paniniwala.
    Ang pangalawa ay upang di lalaganap ang impluwensiya ni Rizal sa mga darating pang panahon sa pamamagitan ng kanyang mga naisulat at nailathala.
  • Dahil si Rizal ay dating mag-aaral ng Ateneo sa ilalim ng pamumuno ng mga paring Heswita, sila ay kinasangkapan ng pamahalaang Kastila upang hikayatin si Rizal na magbalik-loob sa simbahang Katolika at kanyang itinakwil at bawiin ang mga salitang kumakalaban sa mga Kastila.
  • Si Arsobispo Nozaleda ang pumili sa mga Heswita para kumbinsihin si Rizal na gawin ang retraksiyon (Fernandez, et.al., 1980). Kanyang itinalaga si Fr. Vicente Balaguer upang hikayatin si Rizal na magbalik-loob na sa simbahan at bawiin ang kanyang mga kritisismo at mga masonistang ideya.
  • 10:00am
    umaga (1980) ng huling araw ni Rizal ay nagpunta si Fr. Balaguer at isa pang pari upang hikayatin si Rizal na gumawa ng isang retraksiyon. Si Fr. Balaguer ay isang paring Heswita na naging kaibigan ni Rizal sa Dapitan datapwat hindi niya ito dating propesor sa Ateneo.
  • 3 : 00pm
    Ayon sa aklat nina Estela G. Adanza at Libert A. Acibo (2002), nagbalik sa Fort Santiago si Fr. Balaguer, upang kumbinshihin muli si Rizal na sumulat ng isang retrakisyon para bawiin ang mga naisulat laban sa simbahang Katoliko. Hindi umano nagtagumpay si sya sa kanyang misyon at ito’y umalis na bigo sa kanyang pakay.
  • 10:00pm
    huling gabi ni Rizal ay pumunta muli sa selda si Padre Balaguer upang kumbinsihin sa huling pagkakataon si Rizal na lagdaan ang isang retraksiyon subalit ayon na rin kay Balaguer ito ay tinanggihan ni Rizal dahil masyado itong mahaba at di sang-ayon si Rizal sa mga nilalaman nito. Ang nasabing retraksiyon umano ay pinadala ni Arsobispo Bernardino Nozaleda, ang burador ng retraksiyon (Rivera et al., 1969) na kilalang isang praileng anti-Filipino.
  • Isang mas maiksing bersiyon na ayon sa aklat nina Gregorio at Sonia Zaide ay gawa ni Padre Pio Pi, superior ng mga Heswita ang mas nakursundahang lagdaan ni Rizal nang magpagawa muli ng panibagong kopya si Balaguer at ito ngayon ang pinagbabatayan ng mga Katolikong Rizalista na siyang nagpapatunay na si Rizal ay lumagda nga ng isang Retraksiyon. Subalit ayon naman sa mga Masonista ang nasabing lagda ni Rizal ay peke at gawa-gawa lamang ng mga Kastila.
  • Paring Diocesan - pinakamataas na pinuno ng simbahan
  • Maynila, Disyembre 29, 1896 - piikling bersyon ng retrakyong gawa ni Rizal
  • Ito ang bersiyon ni Fr. Pi, ang mas pinaikling bersiyon ng retraksiyon na hinanda ng Arsobispo at nilagdaan umano ni Rizal sa harap ng mga testigo.
  • Bukod sa retraksiyon ay mapagbabatayan din ng mga Katolikong Rizalista ang naipahayag sa mga aklat na alas-tres ng umaga noong Disyembre 30, 1896, si Rizal ay nagsimba, nangumpisal at tumanggap ng banal na komunyon upang pagtibayin ang kanilang pananaw na si Rizal nga ay nagbalik-loob sa Kristiyanong pamumuhay at sumulat ng isang retraksiyon.
  • Subalit matatandaang noong si Rizal ay nasa Dapitan (Fernandez et al., 1980) pa ay gumawa ito ng isang retraksiyon dahil ito ay kakailanganin para silang dalawa ni Josephine Bracken ay mapag-isang dibdib sa ilalim ng simbahang Katolika.
  • Mga Saksi sa pinaikling bersyong retraksyon ni Rizal
    Juan del Fresno, Puno ng mga Nakatalagang Bantay
    Eloy Moure, Adyutant ng Plasa
  • Ngunit ang nasabing retraksiyon ay hindi pinirmahan ni Rizal dahil kanyang napagtanto na hindi niya dapat ginawa ang nasabing pagbawi at ito’y magdudulot ng kapahamakan sa kanyang pagkatao. Ito ay kanyang pinadala sa Obispo ng Cebu subalit ito’y tinanggihan at hindi man lamang binigyang-pansin.
  • Dito sa bersiyong ito nakasalalay ang mga nilalaman ng retraksiyon na nakita noong 1935 na ayon sa mga Rizalistang eksperto ay nilagyan lamang ng pekeng pirma at petsa.
  • Ang Apat na Uri na Retraksiyon:
    • tinaguriang teksto ng mga pari
    • kopya na nasa pamamahala ng mga Heswita
    • maiksing bersiyo
    • natuklasan ni Fr. Manuel Garcia
  • tinaguriang teksto ng mga pari na nailathala sa La Voz Espanola at Diario de Manila sa araw mismo ng kamatayan ng Pangbansang Bayani.
  • Kopya na nasa pamamahala ng mga Heswita na kumalat sa mga pahayagan sa Espanya anim na linggo matapos ang pagbaril kay Rizal sa Bagumbayan. Ilang taon muna ang lumipas bago inamin ni Fr. Balaguer na siya ang may pakana ng nasabing retraksiyon at ito ay nilagdaan ni Rizal
  • Ang maiksing bersiyon na inilathala sa El Imparcial
  • natuklasan ni Fr. Manuel Garcia noong Mayo 13, 1935 at ito umano ang totoo at tunay na retraksiyon ni Rizal. Subalit nang ito ay suriin, ito’y magkahalingtulad sa bersiyon na lumabas sa Diario de Manila.