Si Bing ay labis na nag-aalala sa kaniyang matalik na kaibigang si Clarissa. Wala silang lihim na itinatago sa isa't isa. Matapos ang tatlong araw na pagliban sa klase, nakita ni Bing si Clarissa na umiiyak. Niyaya ni Bing si Clarissa sa kantina ng paraalan upang mag-usap. Hinayaan lang ni Bing na magsalita si Clarissa. Sabi ni Clarissa, hindi niya nagugustuhan ngayon ang hitsura at hindi niya nauunawaan ang kaniyang ina ngayon. Naiisip ni Clarissa na maglayas. Nararamdaman ni Bing na may mas mabigat pang dahilan kung bakit ganoon si Clarissa. Inamin ni Clarissa na hindi siya masaya sa kanilang bahay. Dagdag pa niya, sa mga nagdaang buwan ay pingsasabihan siya ng nobyo ng kaniyang ina ng malalaswang salita at marami na ring beses na hinihipuan siya nito. Natatakot siyang sa mga susunod ay mas malala pa ang gawin nito sa kaniya.