Kalagayan o katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang pamayanan o estado
Naturalisasyon
Isang legal na paraan kung saan ang isang dayuhan na nais maging mamamayan ng isang bansa ay sasailalim sa isang proseso sa korte
Jus sanguinis
Ang pagkamamamayan ay nakabatay sa dugo ng magulang o ang isa sa kanila
Jus Soli
Ang pagkakamamamayan ay nakabatay sa lugar ng kapanganakan
Mga Dahilan ng Pagkawala ng Pagkamamamayang Filipino
Sumailalim sa proseso ng naturalisasyon sa ibang bansa
Panunumpa ng katapatan sa Saligang Batas ng ibang bansa
Tumakas sa hukbong sandatahan ng ating bansa kapag may digmaan
Nawala na ang bisa ng naturalisasyon
UDHR (Universal Declaration of Human Rights)
"International Magna Carta for All Mankind" ang dokumentong ito, dahil pinagsama-sama ang lahat ng karapatang pantao ng indibiduwal at naging batayan ng mga demokratikong bansa sa pagbuo ng kani-kanilang saligang batas
Sinisiguro ng UDHR na walang magaganap na paglabag sa karapatang pantao
Eleanor Roosevelt nanguna sa paglikha at pagpapatibay ng UDHR
Katipunan ng mga Karapatan o Bill of Rights
Tumutukoy sa mga karapatan ng mga mamamayang Pilipino na makikita sa Artikulo ng 1987 Saligang Batas ng Pilipinas
Uri ng Karapatan
Likas na Karapatan (Natural Rights)
Karapatang Pangkabuhayan o Pang-ekonomiya (Karapatang Sosyo-Ekonomik)
Karapatang Pulitikal (Political Rights)
Karapatan ng Nasasakdal
Likas na Karapatan (Natural Rights)
Karapatang taglay ng bawat tao kahit hindi ipinagkaloob ng Estado
Karapatang Pangkabuhayan o Pang-ekonomiya (Karapatang Sosyo-Ekonomik)
Karapatan ang sisiguro sa katiwasayan ng buhay at pang ekonomikong kalagayan ng mga indibiduwal
Karapatang Pulitikal (Political Rights)
Kapangyarihan ng mamamayan na makilahok, tuwiran man o hindi, sa pagtatag at pangangasiwa ng pamahalaan
Karapatanng Nasasakdal
Mga karapatan na magbibigay-proteksyon sa indibidwal na inakusahan sa anumang krimen
Pakikilahok
Mga aksyon ng mga indibidwal na tulad mo o ng mga samahan sa iyong komunidad, na sama-samang nagtratrabaho upang subukan at tuluyang malutas ang mga problema sa komunidad
Gawaing politikal
Isang proseso na kung saan ang isang indibidwal ay nagkakaroon ng mga kaalaman tungkol sa sistemang politikal, pagpapahalaga, at paniniwala
Antas ng pakikilahok
Kaalaman
Pagsangguni
Pagwawasto
Political Efficacy
Aksiyong ginagawa sa pamamagitan ng Internet bilang pagsuporta sa kagalingang pampolitika o panlipunan na nangangailangan lamang ng kaunting panahon o pakikilahok
Citizen journalism
Karaniwang tawag sa pag-upload ng mamamayan ng mga larawan o video ukol sa mahahalagang pangyayari at mga politikal na kaalaman sa social media
Ang hindi natin pagtupad sa mga gawaing pansibiko ay maaaring makahadlang sa pag-unlad
Ang Pilipinas ay isang estadong republikano at demokratiko. Ang ganap na kapangyarihan ay angkin ng sambayanan at nagmumula sa kanila ang lahat ng mga awtoridad na pampamahalaan
Pagboto
Obligasyon at karapatang pulitikal na ginagarantiyahan ng ating saligang batas
Sa pamamagitan ng pagboto ating mailuluklok ang mga opisyal na sa tingin natin ay ipaglalaban ang karapatang pantao at kabutihang panlahat
Mga Diskwalipikadong Bumoto
Mga taong nasentensiyahan na makulong nang hindi bababa sa isang taon
Mga taong nasentensyahan ng hukuman sa mga kasong rebelyon, sedisyon, paglabag sa anti-subversion at firearms law, at anumang krimeng laban sa seguridad ng bansa
Mga taong idineklara ng mga eksperto bilang baliw
Civil Society
Binubuo ng mga mamamayang nakikilahok sa mga kilos protesta, lipunang pagkilos, at mga Non-Governmental Organizations/People's Organizations
Non-Governmental Organizations
Isang sektor ng lipunan na hiwalay sa estado at Sa Pilipinas, tinatayang noong dekada 1960 nagsimulang mabuo ang mga ito
Grassroots organizations o people's organizations (POs)
Dito nahahanay ang mga sectoral groupng kababaihan, kabataan, magsasaka, mangingisda, at mga cause-oriented group
FUNDANGOs (Funding - Agency NGOs)
Nagbibigay ng tulong pinansyal sa mga peoples' organization para tumulong sa mga nangangailangan
Participatory Governance
Nagdudulot ng pagbuo ng social capital o ang pagbuo ng tiwala sa pagitan ng pamahalaan, civil society at mga mamamayan, na isang mahalagang elemento sa isang demokrasiya at mabuting pamamahala
Ang isang mabuting mamamaya ay may disiplina sa sarili at sumusunod sa mga batas
Ang isang aktibong mamamayan ay mulat sa mga isyu at aktibo sa mga programa para sa kabutihang panlahat
Good Governance
Tumutukoy sa aktibong pakikipag-ugnayan ng mamamayan sa pamahalaan upang bumuo ng mga karampatang solusyon sa mga hamon ng lipunan
Democracy Index binubuo ng Economist Intelligence Unit at pinag-aaralan nito ang kalagayan ng demokrasiya sa 167 bansa sa buong mundo