Cards (31)

  • Pangulong Fidel V. Ramos ang ikalabindalawang pangulo ng Republika ng Pilipinas
  • Sa panahon ng kaniyang panunungkulan, siya ay nagpatupad ng mga repormang pulitikal, pangkabuhayan at panlipunan
  • Pilipinas 2000 ang kaniyang programa na naglalayong maging isang industriyalisadong bansa ang Pilipinas sa buong Asya sa taong 2000
  • Ninais rin niyang maging Tiger Economy in Asia ang Pilipinas
  • Sa pamamagitan ng pagtatatag ng Presidential Anti-Crime Commission, naging matatag ang pampolitika at pambansang pagkakaisa ng bansa
  • Itinatag ang Special Zone for Peace and Development in Southern Philippines at Southern Philippines Council for Peace and Development na naglalayong isulong ang usaping pangkapayapaan at kaunlaran sa Mindanao sa pamumuno ni Nur Misuari
  • Social Reform Agenda ay may layuning maitaas ang antas ng pamumuhay ng mga mamamayan at mabigyan ang mga tao ng maayos na serbisyong panlipunan
  • Inilunsad ang Moral Recovery Program (MRP) na may adhikaing maibalik ang pundasyong moral at etikal ng bansa sa pamumuno ni Senadora Leticia Ramos Shahani
  • Philippines 2000 ay isang medium-term development program na naglalayong makamit ang kaunlarang pang-ekonomiya ng bansa upang mapabilang ito sa Newly Industialized Countries (NIC)
  • Paglikha ng mga Special Economic Zones sa bansa
  • Pagpapaunlad sa mga lalawigang bumubuo sa CALABARZON upang mapabilang ito sa Special Economic Zones
  • Pakikiisa sa General Agreement on Tariffs and Trade (GATT) na nagtanggal ng kota, taripa at buwis sa pag-aangkat at pagluluwas ng mga produkto sa ibang bansa
  • Inilunsad ang Ecological Waste Management Program sa pangunguna ng mga Local Government Units (LGUs) sa mga mamamayan
  • Itinatag ang Clean and Green Program na naglalayong ituro sa mga lokal na komunidad at Local Government Units ang kahalagahan ng pagkakaroon at pagpapanatili ng malinis at luntiang kapaligiran
  • Isinaayos ang Smokey Mountain na isang malawak na tambakan ng basura sa pamamagitan ng Clean Air Campaign, paglilinis ng Ilog Pasig at pagbabawal sa pagpasok ng nuclear waste
  • Ipinatupad rin ang Color-coding para sa malalaking pabrika at industriya
  • Si Pang. Joseph Ejercito Estrada ang ikalabintatlong pangulo ng Republika ng Pilipinas na tinawag "The Centennial President" sapagkat ika-100 taon noon ng kalayaan ng bansa
  • Ang programang kaniyang ipinatupad ay Angat Pinoy 2004 na naglalayong matugunan ang suliranin ng kahirapan at maitaguyod ang pagkakapantay-pantay sa lipunan
  • Sa bisa ng Atas ng Pangulo Blg. 8, nilikha ang Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF) na naglalayong mabawasan ang mga kaso ng kidnapping at car theft sa buong bansa
  • Tinanggal ang Countrywide Development Fund o mas kilala sa tawag na "pork barrel" at ginamit ang pondo bilang pantustos sa mga pangangailangan ng mga mamamayan
  • Asset Privatization Trust o ang pagsasapribado ng ilan sa mga kompanyang pagmamay-ari ng pamahalaan tulad na lamang ng PETRON
  • Isinulong ang Trade Liberalization na nagbibigay-kalayaan sa larangan ng kalakalan sa pamamagitan ng pag-aalis ng malaking buwis na ipinapataw sa pamahalaan sa mga kalakal na ipinapasok sa ating bansa
  • Pagtataas ng pondo ng edukasyon ng 20 bahagdan
  • Isinulong din ang pagbibigay ng libreng edukasyon, pagsasagawa ng Adopt-a-School Program, pagbibigay ng iskolarship sa mga mag-aaral na may kakayahan sa agham at matematika at pagbibigay ng kompyuter sa mga pampublikong paaralan
  • Pagsasagawa ng Enhanced Retail Access for the Poor (ERAP). Ito ay pagkakaroon ng rolling store na magtitinda ng murang bigas at iba pang pangunahing pangangailangan ng mga tao
  • Pangmasa at mababang halagang pabahay, Proteksiyon at kagalingan ng mga manggagawa, Pagtataas ng pondo para sa kalusugan ng mga tao, Pagpapagawa ng mga daan sa mga baryo upang mapadali ang pagluluwas ng mga ani sa mga lungsod, Pagsasagawa ng mga karagdagang pampublikong pasilidad, kagamitan at mga serbisyo
  • Pagpapatupad ng bagong probisiyon ng Comprehensive Agrarian Reform Program Fund
    Pang. Ma. Corazon C. Aquino
  • Pag-aalis ng Countrywide Development
    Pang. Joseph Ejercito Estrada
  • Pagpapatupad ng polisiya ng color-coding para sa malalaking pabrika at industriya
    Pang. Fidel V. Ramos
  • Pagpapatupad ng Social Reform Agenda
    Pang. Fidel V. Ramos
  • Pagbalangkas ng Saligang Batas ng 1987
    Pang. Corazon C. Aquino