AP - UN at ideolohiya

Cards (22)

  • Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay kinasangkutan ng mga bansa tulad ng Austria, England, France, Russia, Belgium, Germany at Italy na nagsimula noong taong 1914
  • Mga bansa na kabilang sa alyansang Triple Alliance
    • Germany
    • Austria-Hungary
    • Italy
  • Mga bansa na kabilang sa Big Four

    • US
    • Great Britain
    • Italy
    • France
  • Ang pagkakapaslang kay Arch Duke Franz Ferdinand na susunod na hari ng Austria-Hungary ay isa sa mga naging daan ng pagsisimula ng Unang Digmaang Pandaigdig
  • Ang binalangkas na deklarasyon na siyang saligan ng mga bansa sa nilagdaang Deklarasyon ng mga Bansang Nagkakaisa ay ang Atlantic Charter
  • Si Benito Mussolini ang pinunong pacista ng Italy na nakulong at kalaunang nakatakas at napatay kasama ang kanyang asawang si Clara Petacci
  • Hindi pa natapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, naisip na ni Pang. Roosevelt ng US na muling magtatag ng isang samahang nagkakaisa na papalit sa Liga ng mga Bansa
  • Apat na buwan bago sumalakay ang mga Hapones sa Pearl Harbor, sina Pangulong Roosevelt at Prime Minister Winston Churchill ng England ay bumalangkas nang deklarasyon, ang Atlantic Charter, na siyang naging saligan ng 26 na bansa sa nilagdaang Deklarasyon ng mga Bansang Nagkakaisa (United Nations)
  • Noong ika 24- Oktubre, 1945 ay itinatag ang mga Bansang Nagkakaisa (United Nations)
  • Muling nagpulong ang mga kinatawan ng mga bansa sa London noong 1946 at nahalal na unang Sektretaryo-Heneral si Trygve Lie ng Sweden
  • Sa kasalukuyan ang UN ay may bansang kasaping 193 na bansa at ang kasalukuyang Sekretaryo-Heneral naman ay si Antonio Guterres ng bansang Portugal
  • Ang Pilipinas ay naging kasapi ng UN noong Oktubre 24, 1945 na isa sa orihinal na miyembro ng UN
  • Mga pangunahing sangay ng Bansang Nagkakaisa

    • Pangkalahatang Asembleya
    • Sangguniang Pangkatiwasayan
    • Kalihim
    • Pandaigdigang Hukuman ng Katarungan
    • Sangguniang Pangkabuhayan at Panlipunan
  • Ideolohiya
    Isang sistema o kalipunan ng mga ideya o kaisipan na naglalayong magpaliwanag tungkol sa daigdig at sa mga pagbabago nito
  • Mga kategorya ng Ideolohiya
    • Ideolohiyang Pangkabuhayan
    • Idelohiyang Pampolitika
    • Idelohiyang Panlipunan
  • Kapitalismo
    Isang sistemang pangkabuhayan kung saan ang produksiyon, distribusyon, at kalakalan ay kontrolado ng mga pribadong mangangalakal hanggang sa maging maliit na lamang na papel ng pamahalaan sa mga patakarang pangkabuhayan
  • Demokrasya
    Ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa kamay ng mga tao. May 2 uri; Tuwiran demokrasya at Di-Tuwiran demokrasya
  • Awtoritaryanismo
    Isang uri ng pamahalaan kung saan ang namumuno ay may lubos na kapangyarihan
  • Totalitaryanismo
    Karaniwang pinamumunuan ng isang diktador o grupo ng taong makapangyarihan
  • Sosyalismo
    Isang doktrina na nakabatay sa patakarang pang-ekonomiya
  • Ang United States at Soviet Union ay naging makapangyarihang bansa matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Hindi naging mabuti ang ugnayan ng mga bansang ito na kapwa tinatawag na superpowers. Nauwi ito sa Cold War na bunga ng matinding kompetensiya ng mga bansa noong 1940 hanggang 1990
  • Ang United States ang nagtaguyod ng demokrasya at kapitalismo samantalang ang Soviet Union ay kumakatawan sa sosyalismo at komunismo