ap

Subdecks (1)

Cards (88)

  • Hindi matatamo ng bansa ang kaunlaran kung ang mamamayan ay magkakanya kanya. Ang kaunlaran ng bansa ay matatamo lamang kung ang bawat mamamayan ay magsasama-sama at magtutulong tulong upang makamit nito ang kaunlaran.
  • Mahalaga na ang bawat mamamayan ay gawin ang kanyang gampanin sa bansa.
  • Pagtupad sa mga gampaning tinutukoy sa larawan

    Makatutulong sa pag-unlad ng bansa
  • Mga estratehiya na makatutulong sa pag-unlad ng bansa

    • Tamang pagbabayad ng buwis
    • Makialam at labanan ang mali
    • Bumuo o sumali sa Kooperatiba
    • Pagtangkilik sa mga produktong Pilipino
    • Tamang pagboto
    • Pagpapatupad at pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran sa komunidad
  • Ang pag-unlad ay hindi magaganap kung ang pamahalaan lamang ang kikilos. Maaaring manguna ang mga mamamayan sa pagbuo at pagpapatupad ng mga programang pangkaunlaran.
  • Mga halimbawa ng mga gawaing ginagampanan ng mamamayang Pilipino para sa kaunlaran ng bansa

    • Mapanuri
    • Maabilidad
    • Makabansa
    • Maalam
  • Bilang isang mag-aaral may tungkulin Ka rin na dapat gawin upang mapaunlad ang bansa.
  • Ang panata na nakatala sa panatang makabayan ng Pilipinas ay dapat matupad upang mapaunlad ang bansa.
  • Ang mga simpleng gawain o pamamaraan na ginagawa natin araw araw ay makatutulong sa pangarap natin kaunlaran kung ating isasagawa nang may puso.
  • Bilang isang mabuting Pilipino, makatutulong ako sa pag-unlad ng bansa.
  • Mga Patakaran at Programa sa Pagpapaunlad ng Sektor ng Agrikultura
  • Mga Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELCs)

    • Nabibigyang-halaga ang mga patakarang pang-ekonomiya nakatutulong sa sektor ng agrikultura
  • Mga Batas Tungkol sa Sektor ng Agrikultura

    • Mga Batas Tungkol sa Lupa
    • Mga Batas Tungkol sa Pangingisda
    • Mga Batas Tungkol sa Pagtrotroso
  • Land Registration Act ng 1902

    Sistemang Torrens sa panahaon ng pananakop ng mga Amerikano na kung saan ang mga titulo ng lupa ay ipinatalang lahat
  • Public Land Act ng 1902
    Pamamahagi ng mga lupaing pampublilko sa mga pamilya na nagbubungkal ng lupa, bawat pamilya ay maaaring magmay-ari ng hindi hihigit sa 16 na ektarya ng lupain
  • Batas Republika Bilang 1160

    Pagtatatag sa National Resettlement and Rehabilitation Administration (NARRA) na pangunahing nangangasiwa sa pamamahagi ng mga lupain para sa mga rebeldeng nagbalik loob sa pamahalaan, kasama rin ang mga pamilyang walang lupa
  • Batas Republika Blg. 1190 ng 1954
    Nagbibigay-proteksiyon laban sa pang-aabuso, pagsasamantala at pandaraya ng may-ari ng lupa sa mga manggagawa
  • Agricultural Land Reform Code

    Simula ng malawakang reporma sa lupa na nilagdaan ng dating Pangulong Diosdado Macapagal, ang mga nagbubungkal ng lupa ang itinuturing na tunay na may-ari nito, inalis ang sistemang kasama, at sinimulan ang pagbili ng pamahalaan sa mga lupang tinatamnan ng mga magsasaka
  • Atas ng Pangulo Blg. 2 ng 1972
    Itinadhana na isailalim sa reporma sa lupa ang buong Pilipinas noong panahon ni dating Pangulong Marcos
  • Malaki ang kontribusyon ng agrikultura, pangingisda at paggugubat sa pambansang ekonomiya. Katunayan noong taong 2012 sinasabing umabot sa 11% ng kabuuang kita ng ekonomiya ay nagmula sa sektor na ito (NSCB).
  • Atas ng Pangulo Blg. 27
    Magpapalaya sa mga magsasaka sa tanikala ng kahirapan at paglilipat sa kanila ng pagmamay-ari ng lupang sinasaka, sinakop nito ang lahat ng lupa na tinatamnan ng palay at mais
  • Bumababa ang kabuuang kontribusyong ng sektor ng agrikultura dahil sa mga suliraning kinakaharap nito.
  • Suliranin sa sektor ng agrikultura

    Mga balakid kung bakit hindi ito nakapagbibigay ng mataas na bahagdan sa ating ekonomiya
  • Pagsasaka
    1. Pagliit ng lupang pansakahan
    2. Paggamit ng teknolohiya
    3. Kakulangan ng mga pasilidad at imprastruktura sa kabukiran
    4. Kakulangan ng suporta mula sa iba pang sektor
    5. Pagbibigay-prayoridad sa sektor ng industriya
    6. Pagdagsa ng mga dayuhang kalakal
    7. Climate Change
  • Batas Republika Blg. 6657 ng 1988 (Comprehensive Agrarian Reform Law)

    Ipinasailalim ng batas na ito ang lahat ng publiko at pribadong lupang agrikultural sa Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP), ipinamamahagi ang lahat ng lupang agrikultural anoman ang tanim nito sa mga walang lupang magsasaka
  • Pagtatayo ng mga daungan

    Upang higit na mapadali ang pagdadala sa mga huling isda sa pamilihan o tahanan
  • Pangisdaan
    1. Mapanirang operasyon ng malalaking komersiyal na mangingisda
    2. Epekto ng polusyon sa pangisdaan
    3. Lumalaking populasyon sa bansa
  • Philippine Fisheries Code of 1998
    Itinadhana ng pamahalaan na naglilimita at naglalayon ng wastong paggamit sa yamang pangisdaan ng Pilipinas
  • Fishery research

    Pananaliksik at pagtingin sa potensiyal ng teknolohiya tulad ng aquaculture marine resources development, at post-harvest technology upang masiguro ang pagpaparami at pagpapayaman sa mga yamang-tubig
  • Community Livelihood Assistance Program (CLASP)

    Paglilipat teknolohiya o pagtuturo sa mga mamamayan ng wastong paglinang sa mga likas na yaman ng bansa
  • Ang patuloy na epekto ng Climate Change ay lubhang nakaaapekto sa bansa tulad ng pagdating ng bagyong Roly na may pambihirang lakas noong 2020. Milyon – milyong piso ang halaga ng mga nasirang kabuhayan at personal na mga gamit.
  • Kung hindi magbabago at mapipigilan ang mga mangingisdang ito, darating ang panahong mauubos ang mga isda na isa sa mga pangunahing pagkain ng mamamayan.
  • National Integrated Protected Areas System (NIPAS)

    Programa na ang pangunahing layunin ay maingatan at protektahan ang kagubatan upang mailigtas ang mga hayop at pananim dito
  • Ang mga dumi ng tao, mga kemikal na sangkap sa mga abono o pataba na gamit sa pagtatanim, at mga kemikal na mula sa mga pabrika ay pumapatay sa mga anyong-tubig ng bansa.
  • Sustainable Forest Management Strategy

    Paraan upang matakdaan ang permanente at sukat ng kagubatan, estratehiya ng pamahalaan upang maiwasan ang suliranin ng squatting, huwad at ilegal na pagpapatitulo ng lupa at pagpapalit ng gamit sa lupa
  • Ang patuloy na pagtaas sa bilang ng mga mamamayang Pilipino ay nagdudulot ng mataas na pressure sa yamang tubig ng bansa at sa lahat ng yamang-likas, sa kabuuan.
  • Sistemang patubig, daan at post harvest facility

    Inaasahang magiging epekto ng mga batas o programang pang-agrikutura
  • Pagbibigay ng lupang sakahan

    Inaasahang magiging epekto ng mga batas o programang pang-agrikutura
  • Pamimigay ng mga bangkang-de-motor sa mga mahihirap na mangingisda

    Inaasahang magiging epekto ng mga batas o programang pang-agrikutura
  • Mga batas o programa pang-agrikultura

    • Batas Republika Blg. 6657 ng 1988 o C.A.R. Law
    • Atas ng Pangulo Blg. 2 ng 1972 o Proclaiming the Entire Country as a Land Reform Area
    • Philippine Fisheries Code of 1988
    • Pagtatayo ng mga daungan
    • National Integrated Protected Areas System (NIPAS)
    • Sustainable Forest Management Strategy