244-246

Cards (36)

  • Isang kapitang Italyano na nagngangalang Christopher Columbus ang abalang-abala sa paghahanap ng ebidensiya na may isang ruta patungong India na maaaring marating pamamagitan ng paglalakbay pakanluran.
  • Dala-dala ang mga mapa, naglakbay si Columbus patungong Spain at Portugal upang kumbinshin ang hari ng Portugal na gastusan ang kaniyang paglalakbay.
  • Nang hindi nabinigyan ng suporta ni Haring John Il ng Portugal si Christopher Columbus, huming siya ng tulong kay Reyna Isabella I ng Spain.
  • Hindi nakakuha ng suporta si Colombus, ngunit pagdating ng 1492, pumayag na ring magbigay ng tulong ang Spain--sa pamumuno ni Ferdinand--para sa nasabing ekspedison ni Columbus.
  • Nagkaroon ng apat na paglalakbay si Columbus sa tinaguriang New World gamit ang tatlo niyang barko: ang Nina, Pinta, at Santa Maria.
  • Nagtagumpay si Columbus nang maabot niya ang mga lugar na ngayon ay kilala bilang Dominica, Antigua, Venezuela, at Panama.
  • Ang eksplorador na si Amerigo Vespucci, isang Ifalyano na nabuhay sa panahon ni Columbus, ay nagsagawa rin ng ekspedison sa South America noong 1499 hanggang 1502.
  • Kay Amerigo Vespucci ipinangalan ang America at sa kaniya ring paglalakbay napatunayan na ang New World ni Columbus ay isang bagong kontinente at hindi bahagi ng Asia.
  • Naging mahigpit na magkalaban ang Spain at Portugal. Hindi nagtagal, nagkaroon sila ng alitan dahil sa kanilang mga inangking lupain.
  • Tatlong dikreto o decree noon ang nagbigay ng monopolyo sa Portugal sa eksplorasyon at kalakalan sa Africa.
  • Noong 1493, hiniling ng/Spain sa Papa na bigyan sila ng karapatan na tumuklas ng mga lupain sa ibayo ng Atlantic Ocean.
  • Kasunduang Tordesillas - kung saan ang imaginary line ay inilipat nang 700 na milya pakanlurans
  • Nagpadala ng maraming paglalakbay ang Spain sa Central America at sinubukan nitong magtatag ng permanenteng panirahanan doon.
  • Naging matagumpay si Vasco de Balboa na magtayo ng permanenteng tirahan sa may silangang baybayin ng Isthmus ng Panama noong 1510.
  • Pagkaraan ng tatlong, taon, matagumpay na tinahak ni Balboa ang South Pacific Sea na ngayon ay tinatawag na Pacific Ocean.
  • Ang pagkatuklas ni Balboa sa Pacific Ocean ay nagbigay ng panibagong sigla sa mga Espanyol na muling hanapin ang ruta patungong Silangan na pinangarap ni Columbus.
  • Samantala, ibinigay kay Ferdinand Magellan, isang Portuges na naglingkod sa Spain, ang paggamit ng kanlurang ruta at pagtawid sa Pacific Ocean. Tinawag niya itong "Pasipiko" na nangangahulugang "mapayapa." Narating ng paglalayag ni Magellan ang Pilipinas.
  • Tinawid naman ni Balboa ang Isthmus ng Panama upang marating ang imperyo na mayaman sa ginto, ngunit siya ay inaresto ni Francisco Pizarro.
  • Francisco Pizarro - ang ahente ng bagong gôbernador sa mga kolonya ng Spain sa America.
  • Sa pagkawala nig Balboa, natuklasan at nasakop ni Pizarro ang mayamang kaharian ng Inca sa Peru at inangkin ang halos lahat ng lupain sa South America para sa Spain.
  • Dumating din ang puwersa hi Hernando Cortes sa baybayin ng Mexico noong 1519 at nagtungo sila sa imperyo ng Aztec.
  • Moctezuma - ang pinuno ng mga Aztec.
  • Nilabanan at itinaboy ng mga Aztec ang mga Espanyol: Namatay si Moctezuma sa nasabing labanan.
  • Ang malaking halaga ng ginto at pilak na nakuha ni Pizarro mula sa Gitna at South America ay nagganyak sa maraming manlalakbay na maghanap ng mga yaman.
  • Sa unang bahagi ng 1500, ginalugad ni Juan Ponce de Leon ang Bahamas sa paghahanap ng Fountain of Youth, isang bukal na pinaniniwalaang nagpapanumbalik sa kabataan ng sinumang maligo rito.
  • Fountain of Youth - isang bukal na pinaniniwalaang nagpapanumbalik sa kabataan ng sinumang maligo rito.
  • Ang ekspedisyon ni de Leon ay naging batayan sa pag-angkin ng Spain sa timog-silangang bahagi ng North America.
  • Isa pang eksplorador, sil Hernando de Soto, ang nagpatuloy sa paggagalugad sa timog-silangang hangganan ng North America.
  • Sa pagitan ng 1539 at 1542, pinangunahan ni de Soto ang halos 600 tao mula sa mga éstado na tinatawag ngayong Florida at Oklahoma.
  • Hindi nakatagpo si de Leon ng Kayamanan ngunit siyal anglunang Europe na nakarating sa Ilog Mississippi.
  • Ang timog-kanlurang rehiyon ng North America ay ginalugad din ng isang Espanyol sa katauhan ni Francisco de Coronado.
  • Noong 1540, ipinadala si Coronado para sa isang misyon ng mga pinunong kolonyal ng Mexico.
  • Naglakbay pahilaga si Coronado at nagalugad ang rehiyon na tinatawag ngayon na, United States.
  • Natuklasan ni Coronado ang Grand Canyon at namangha sa mga gumagalang kalabaw (buffalo) sa kapatagan ngirehiyon.
  • Sa pagyaman ng Portugal at Spain dulot ng kolonisasyon, nahikayat/ ang iba pang bansa sa Europe na maghanap din ng masasakop na lupain.
  • Naniniwala ang mga Europe na may rutang pandagat sa North America na mag-uugnay rito sa Europe.