Talaan ng mga pag-uusapan sa isang pormal na pulong
Kalihim
Mahalagang kasangkot sa paggawa ng adyenda
Pangulo/CEO/direktor/pinuno ng samahan
Kalimitang nagpapatawag naman ng pulong
Memorandum
Isang impormal na liham o ulat o isang palibot-sulat
Memorandum ay isang anyong pasulat na maikling note na sinulat para ipaalam o ipaalala ang isang bagay; isang tala gaya ng pangyayari upang magamit sa hinaharap, isang impormal na komunikasyon gaya ng pang-opisina, at isang maikling pasulat na pahayag ng pagkakasunduan ng isang kontrata o transaksiyon
Memorandum ay isang kasulatang nagbibigay kabatiran tungkol sa gagawing pulong o paalala tungkol sa isang mahalagang impormasyon, gawain, tungkulin, o utos
Mga bahagi ng Memorandum
Letterhead
Parasa/kay/kina
Mula Kay
Petsa
Paksa
Mensahe
Letterhead
Makikita sa bahaging ito ang logo at pangalan ng kompanya, institusyon, o organisasyon gayundin ang lugar kung saan matatagpuan ito at minsan maging ang bilang ng numero ng telepono
Parasa/kay/kina
Ang bahaging ito ay naglalaman ng pangalan ng tao o mga tao, o grupong pinag-uukulan ng memo
Mula Kay
Ang bahaging ito naman ay naglalaman ng pangalan ng gumawa o nagpadala ng memo
Petsa
Iwasan ang paggamit ng numero gaya ng 07/13/18 o 10/31/2020. Sa halip, isulat ang buong pangalan ng buwan o ang dinaglat na salita nito tulad halimbawa ng Nobyembre o Nob. kasama ang araw at taon upang maiwasan ang pagkalito
Paksa
Ang bahaging ito ay mahalagang maisulat nang payak, malinaw, at tuwiran upang agad na maunawaan ang nais ipabatid nito
Mga bahagi ng Mensahe
Sitwasyon
Problema
Solusyon
Paggalang o Pasasalamat
Lagda
Memorandum para sa kahilingan
Ito ay isang uri ng pagsulat na humihingi ng pabor o hiling na gustong ipaabot sa taong namamahala ng isang bagay
Memorandum para sa kabatiran
Ito ay isang uri ng pagsulat na may layuning magbigay ng impormasyon sa isang grupo ng tao o sa pangkalahatan
Memorandum para sa pagtugon
Ito ay isang uri ng pagsulat na nagbibigay tugon o pagresponde sa alok ng isang partido o panig
Katitikan ng Pulong
Ito ay kalimitang isinasagawa nang pormal, obhetibo, at komprehensibo o nagtataglay ng lahat ng mahahalagang detalyeng tinalakay sa pulong
Mga bahagi ng Katitikan ng Pulong
Heading
Mga kalahok o dumalo
Pagbasa at pagpapatibay ng nagdaang katitikan ng pulong
Action items o usaping napagkasunduan
Pabalita o patalastas
Lakbay-sanaysay
Isang uri ng lathalain na ang pangunahing layunin ay maitala ang mga naging karanasan sa paglalakbay
Mga dahilan ng pagsulat ng Lakbay-sanaysay
Itaguyod ang isang lugar at kumita sa pagsulat
Makalikha ng patnubay para sa mga posibleng manlalakbay
Itala ang pansariling kasaysayan sa paglalakbay
Maidokumento ang kasaysayan, kultura, at heograpiya ng lugar sa malikhaing pamamaraan
Photographic Essay o Photo Essay
Isang set o serye ng mga larawan na naglalayong magbigay kuwento o pukawin ang damdamin ng mga mambabasa
Mga uri ng Photographic Essay
Pakay (Thematic)
Naratibo (Narrative)
Replektibong sanaysay
Isang anyo ng sulating pasalaysay na hindi lamang nakatuon sa husay ng paggamit ng estilo sa pagsulat bagkus ay sa pagsusuri ng salaysay na inilatag ng manunulat para sa mambabasa
Posisyong Papel
Isang sulatin na nagpapahayag ng tiyak na paninindigan ng isang indibidual o grupo tungkol sa isang makabuluhan at napapanahong isyu
Counterargument
Isang argumento na sumasalungat sa iyong tesis o bahagi ng iyong tesis
Mga Katunayan o facts
Mga ideyang tinatanggap na totoo dahil ang mga katibayan nito ay nakabatay sa nakita, narinig, naamoy, nalasahan at nadama
Kredibilidad
Ang sariling pagtitiwala sa komunidad ng mga may kinalaman sa nasabing usapin
Lipunan
Tumutulong para maging malay ang mga tao sa magkakaibang pananaw tungkol sa isang usaping panlipunan dahil madalas itong ibahagi sa publiko tulad na lamang ng paglathala nito sa pahayagan
Posisyong papel
Madalas nagtatapos sa isang panawagan ng pagkilos
Posisyong papel
Nakakapag-ambag sa paglutas ng mga suliranin ng lipunan kapag nahikayat ang lipunan sa akmang pagkilos na ninanais mula sa kanila
Mga Opinyon
Pananaw ng mga tao na ipinapalagay na totoo
Pagpili ng Paksa Batay sa Interes
Upang mapadali ang pagpapatibay ng iyong paninindigan o posisyon
Nagagawang malawak ang pananaliksik ng mga datos, opinyon, estadistika, at iba pang mga anyo ng mga katibayan kapag nasa iyong interes ang paksa dahil nagiging mas bukas ang isipan sa mga bagong ideya
Magsagawa ng Paunang Pananaliksik
Upang matukoy kung ang katibayan ay magagamit upang suportahan ang iyong paninindigan
Maaaring gumamit ng mga datos mula sa Internet, ngunit tiyaking magmumula ito sa mga mapagkakatiwalaang web site, tulad ng mga educational site (.edu) ng mga institusyong akademiko at pampananaliksik at mga site ng gobyerno (.gov)
Mahalaga ring magtungo sa silid-aklatan at gumamit ng mga nailathala nang mga pag-aaral patungkol sa iyong paksa
Hamunin ang Iyong Sariling Paksa
Kailangang alamin at unawain ang kabaligtarang pananaw bukod pa sa nalalaman mo tungkol sa iyong paksa upang mapagtibay ang iyong kaalaman at paninindigan sa iyong isusulat na posisyong papel
Magpatuloy Upang Mangolekta ng Sumusuportang Katibayan
Matapos matukoy na ang iyong posisyon ay makatitindig na at ang kasalungat na posisyon (sa inyong opinyon) ay mas mahina kaysa sa iyong sariling posisyon, ikaw ay handa na sa iyong pananaliksik
Maaari ring magsama ng opinyon ng isang dalubhasa o eksperto o personal na karanasan ng isang mapagkakatiwalaang tao
Lumikha ng Balangkas (Outline)
Ipakilala ang iyong paksa gamit ang maikling paglalahad ng pangkaligirang impormasyon
Gumawa ng pahayag na tesis na iginigiit ang iyong posisyon
Itala ang mga posibleng kasalungat na pananaw ng iyong posisyon
Ipakita rin ang mga sumusuportang punto ng mga kasalungat na pananaw ng iyong posisyon
Pangatwiranang pinakamahusay at nakatatayo pa rin ang iyong posisyon sa kabila ng mga inilahad na mga kontra-argumento
Ibuod ang iyong argumento at muling igiit ang iyong posisyon
Sa posisyong papel, hinahasa ang ating kakayahan sa tamang paninindigan
Kung gayon, nararapat na ang bawat binibitawang katuwiran ay may basehan
SUDAPRASERT (2014) - ayon sa kaniya, ang adyenda ang nagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa pulong.
PROF. MAROVILLASUDAPARSERT ayon sa kaniya, ang memorandum o memo ay isang kasulatang nagbibigay kabatiran tungkol sa gagawing pulong o paalala tungkol sa isang mahalagang impormasyon, gawain, tungkulin, o utos.