539 B.C.E. – Sinakop ni Haring Cyrus ng Persia at kanyang mga tauhan ang lungsod ng Babylon. Nakatala ito sa isang baked-clay cylinder na tanyag sa tawag na “Cyrus Cylinder.” Tinagurian ito bilang “world’s first charter of human rights.”
1215 – sapilitang lumagda si John I, Hari ng England, sa Magna Carta, isang dokumentong naglalahad ng ilang karapatan ng mga taga- England.
Karapatan ng mga balo (widow) na magmay-ari at makapili na hindi na muling mag-asawa.
Makatwirang proseso (due process) sa pagdinig ng kaso at pagkapantay-pantay sa mata ng batas.
1628 - sa England, ipinasa ang Petition of Rights na naglalaman ng mga Karapatan tulad nang hindi pagpataw ng buwis nang walang pahintulot ng Parliament. Ito ay sa pangunguna ni Edward Coke.
1776 – Ang Deklarasyon ng Kalayaan ng Amerika (1776). Isinulat ito ni Thomas Jefferson.
Nakapaloob dito ang kalayaan ng 13 kolonya mula sa British Empire.
Pagbibigay karapatan sa indibidwal at karapatan sa rebolusyon.
1787 – Inaprubahan ng United States Congress ang Saligang Batas ng kanilang bansa. Sa dokumentong ito, nakapaloob ang Bill of Rights na ipinatupad noong December 15, 1791.
1864 – Ang pagpupulong ng labing-anim na Europeong bansa at ilang estado ng Amerika sa Geneva, Switzerland.
1948 – itinatag ng United Nations ang Human Rights Commission sa pangunguna ni Eleanor Roosevelt, asawa ng yumaong Pangulong Franlin Roosevelt ng Amerika.
Karapatang Pantao : mga karapatan na tinatamasa ng tao sa sandaling siya ay isilang. Ang pagkamit ng tao ng mga pangangailangan niya tulad ng pagkain, damit, bahay, edukasyon at iba pang pangangailangan ay nangangahulugan na nakakamit niya ang kanyang karapatan (Martinez, 2020)
Universal Declaration of Human Rights (UDHR) – isa sa mga mahahalagang dokumentong naglalahad ng mga karapatang pantao ng bawat indibidwal na may kaugnayan sa bawat aspeto ng buhay ng tao. Kabilang sa mga ito ang karapatang sibil, politikal, ekonomiko, sosyal, at kultural.
Mga nakapaloob sa UDHR:
Article1: nakalahad na lahat ng tao ay isinilang na malaya at pantay-pantay.
Article3–23: nakalahad ang karapatang pantao bilang isang mamamayan sa aspekto ng politiko at sibil.
Article22–27: nakasaad na ang karapatang pantao na may karapatan sa aspekto ng edukasyon, sining, pansibiko, at pangkultura.
Article28–30: isinasaad na ang bawat tao ay mayroong karapatan na itaguyod ang karapatan ng ibang tao.
Kalipunan ng mga Karapatan o Bill of Rights ng Konstitusyon – listahan ng mga pinagsama-samang karapatan ng bawat tao mula sa dating konstitusyon at karagdagang karapatan ng mga indibidwal na nakapaloob sa Seksyon 8, 11, 12, 13, 18 (1), at 19.
Mga uri ng Karapatang Pantao:
Natural – Mga karapatang taglay ng bawat tao kahit hindi ipagkaloob ng Estado.
Statutory - Karapatang kaloob ng binuong batas at maaaring alisin sa pamamagitan ng panibagong batas.
Constitutional Rights – Mga karapatang ipinaloob at pinangalanan ng Estado.
Mga uri ng Constitutional Rights:
Karapatang Sibil
Karapatang Politikal
Karapatang Sosyo-ekonomiks
Karapatan ng akusado
Karapatang Sibil – mga karapatan na titiyak sa mga pribadong indibidwal na maging kasiya-siya ang kanilang pamumuhay sa paraang nais nang hindi lumalabag sa batas at pagsususulong ng kabuhayan at disenteng pamumuhay.
Karapatang Politikal – kapangyarihan ng mamamayan na makilahok, tuwiran man o hindi, sa pagtatag at pangangasiwa ng pamahalaan tulad ng pagboto sa mga opisyal, pagsali sa referendum at plebisito.
Karapatang Sosyo-ekonomiks – mga karapatan na sisiguro sa katiwasayan ng buhay at pang-ekonomikong kalagayan ng mga indibiduwal gayon din ang lumahok sa buhay kultural ng pamayanan.
Karapatan ng akusado – mga karapatan na magbibigay proteksyon sa indibidwal na inakusahan sa anumang uri ng krimen.