Sapilitang pinagtanim ng mga cash crop ang mga katutubo, kaya marami ang nakaranas ng gutom, hirap, at pang-aabuso mula sa mga dayuhan
Nagsimulang magdulot ng polusyon ang mga makabagong sistema ng transportasyon at mga pabrika sa kolonya
Maraming katutubo ang namatay dahil sa marahas na pamumuno ng ibang imperyalistang bansa. Ang libo-libo ring katutubo ang pinatay dahil sila ay nag-alsa para sa kanilang kalayaan
Nagdulot ng hindi pagkakaunawaan ang pagkakaroon ng mga tao ng magkakaibang relihiyon
Halos napalitan o nag-iba ang mga tradisyon at kultura sa ilang kolonyang bansa. Halos nawala na ang kanilang taal na kultura
Naabuso at labis na nagamit ang mga likas na yaman ng mga kolonyang bansa
Ang pananakop at pananatili ng mga Kanluranin sa rehiyon, pati na rin ang dala nilang makabagong teknolohiya, kaalaman, at kagamitan, ay nagbunga ng kaisipang mas magaling ang mga Kanluranin kaysa sa mga taga-Asya. Bunga nito, lumaganap ang colonial mentality