1215 Magna Carta - Sapilitang lumagda si Haring John I ng England sa Magna Carta, isang dokumentong naglalahad ng mga karapatan ng mga taga-England. Ilan sa mga ito ay hindi maaaring dakpin, ipakulong at bawiin ang anumang ari-arian ng sinuman nang walang pagpapasiya sa hukuman. Sa dokumentong ito, nilimitahan ang kapangyarihan ng hari ng bansa.