PAKIKILAHOK SA MGA GAWAING PANSIBIKO

Cards (26)

  • Pakikilahok sa mga gawaing pansibiko
    Tumutukoy sa pagkilos na nakatuon sa pagpapabuti ng pamumuhay ng ibang tao lalo na ang mahihirap na miyembro ng lipunan
  • Mga gawaing pansibiko
    1. Isahan o maramihang pagkilos
    2. Mga prosesong ginagawa upang matukoy at mabigyang-pansin ang mga isyu at pangangailangan ng lipunan
  • Nonprofit organizations
    Mga nabuong samahan o organisasyon na may natatanging layunin sa lipunan, maaaring naglilingkod sa publiko, nagsasagawa ng kawanggawa at pinatatakbo upang protektahan ang lehitimong interes
  • Mga halimbawa ng nonprofit organizations
    • Volunteer services organizations
    • Relihiyosong samahan
    • Unyon
    • Charitable organizations
  • Sibiko
    Kaugnay ng salitang ito ang kagalingan (well-being) at kapakanan (welfare) ng tao sa lipunan
  • Kagalingang pansibiko
    Tumutukoy sa mga gawaing panlipunan na nakatutulong upang tugunan ang pangangailangan ng tao ukol sa edukasyon, kabuhayan, kalikasan, kapayapaan, pampublikong serbisyo at kalusugan
  • Kamalayang pansibiko
    Tumutukoy sa kaisipan na ang bawat isa ay may pananagutan sa kanyang kapwa
  • Kapakanang pampubliko (Civic or Public Welfare)
    Tumutukoy sa pinakamataas na kabutihang maaaring makamit o pwedeng maranasan ng mga mamamayan. Saklaw nito ang mga tulong na pampubliko o kawanggawa na natatanggap ng isang tao o grupo ng tao sa lipunan
  • Civil society
    Kumakatawan sa mga organisasyon o institusyong nagsusulong ng kapakanan (welfare) at kagalinan (well-being) ng publikong sektor (public sector), kinapapalooban ng mga non-governmental organizations tulad ng unyon, nonprofit organizations, simbahan at iba pang ahensya
  • Pagboboluntaryo (Volunteerism)
    Tumutukoy sa kusa at malayang pagkilos o pagganap para maisulong ang kapakanang pampubliko, para sa ibang mga tao, ito ay isang gawaing pansibiko
  • Kawanggawa (Charity)
    Kusang loob na pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan
  • Damayan (Assistance of Peers in Periods of Crisis)
    Pagtugon, pakikibahagi o pagtulong sa kapawa sa panahon ng pangangailangan o kagipitan
  • Pagtutulungan (Mutual Self-help)

    Pagkakaisa ng mga mamamayan para makamit ang magandang mithiin
  • Kapuwa
    Kabahagi, kapitbahay, kapuwa-tao, kapuwa-mamamayan
  • Pakikipagkapuwa-tao (Shared Inner Self/Neighbor/Fellow Man)

    Makabuluhan o magandang pakikipag-ugnayan sa kapuwa-tao
  • PILANTROPO (Philanthropist)
    isang mayamang-tao na bukas-loob na tumutulong sa pamamagitan ng tulong pinansyal para sa mga nangangailangan.
  • Alex Lacson, founder ng Kabayanihan: 'Ang bawat Pilipino ay maituturing na Kabayani-Kapatid na Bayani ng ating bansa'
  • Civic engagement
    Working to make difference in the civic life of our communities and developing the combination of knowledge, skills, values and motivation to make that difference. It means promoting the quality of life in a community through both political and non-political processes -Thomas Ehrlich
  • Civil society organizations
    Mga nabuong samahan o organisasyon na pinapatakbo sa pamayanan sa paraang naiiba sa pamahalaan at negosyo ngunit may positibong papel sa mga gawaing panlipunan at pangkultura
  • Mga gawaing pansibiko
    • Pag-oorganisa o Pakikilahok sa mga Organisasyon o Organisadong Ahensya
    • Pakikilahok sa mga Organisasyong Pangkabataan
    • Pagboboluntaryo
    • Malikhaing pagganap o paggamit ng natatanging kakayahan
  • Ang aktibong pakikilahok sa mga gawaing pansibiko ay nakatutulong sa pagpapabuti ng lipunan, politika at ekonomiya
  • Ang mga NGO, mga grupong panrelihiyon at mga samahang pangkabataan na nagsasagawa ng iba't ibang proyekto para sa mga payamanan ay nakatutulong para pag-isahin ang mga mamamayan para sa makabuluhang pagkilos
  • Charity work
    Ang paghahatid o pagbibigay ng tulong sa mga taong higit na nangangailangan hindi lamang sa oras ng kagipitan kundi sa lahat ng pagkakataon
  • Mga kilalang pilantropo

    • Mark Zuckerberg
    • Melinda Gates
    • Manny Pacquiao
    • Angel Locsin
    • Diosdado "Dado" P. Banatao
  • Art. II, Sec. 23: The State shall encourage non-governmental, community-based, or sector organizations that promote the welfare of the nation.”
    Art. XII, Sec. 15: “The State shall respect the role of independent people’s organizations to enable the people to purse and protect, within the democratic framework, their legitimate and collective interests and aspirations through peaceful and lawful means.”
  • Art. XIII, Sec. 16: “ The right of the people and their organizations to effective and reasonable participation at all levels of social, political and economic decision-making shall not be abridged.”