Araling Panlipunan 10

Cards (53)

  • Tinatayang panahon ng kabihasnang Griyego nang umusbong ang konsepto ng citizen.
  • Polis - ito ay isang lipunan na binubuo ng mga taong may iisang pagkakakilanlan at mithiin.
  • Pagkamamamayan - nangangahulugan ng pagiging kasapi o miyembro ng isang bansa, ayon sa itinakda ng batas.
  • Ayon kay Murray Clark Havens (1981), ang citizenship ay ugnayan ng isang indibiduwal at ng estado. Ito ay tumutukoy sa pagiging miyembro ng isang indibiduwal sa isang estado kung saan bilang isang citizen, siya ay ginawaran ng mga karapatan at tungkulin..
  • Saligang Batas ng 1987 - Ito ang pinakamataas na batas ng isang bansa at nakasulat dito ang mahahalagang batas na dapat sundin ng bawat mamamayan.
  • Jus Sanguinis - Ito ay naaayon sa dugo o pagkamamamayan ng mga magulang o isa man sa kanila. Ito ang prinsipyo na sinusunod sa Pilipinas.
  • Jus Soli (Loci) - Ito ay naaayon sa lugar ng kanyang kapanganakan anuman ang pagkamamamayan ng mga magulang.
  • Naturalisasyon – ay paraan ng pagtanggap ng bansa sa isang dayuhan at pagkakaloob sa kanya ng karapatang tinatanggap ng mga mamamayan.
  • Expatriation - kusang pagtalikod sa pagkamamamayan.
  • Repatriation – ang tawag sa kusang pagbabalik ng isang tao sa kanyang pinanggalingang bansa pagkatapos na mabawi ang kanilang pagkamamamayan.
  • Aksyon ng Kongreso – pagtugon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ukol sa aplikasyon para maging isang mamamayang Pilipino.
  • Pagpapatawad ng gobyerno sa isang tumakas sa Sandatahang Lakas ng bansa – ang paraang ito ay kadalasang para sa mga sundalo na nagsilbi sa pamahalaan ngunit tumakas habang sila’y nasa tungkulin lalo na sa panahon ng digmaan kaya nabawi ang pagkamamamayang Pilipino mula sa kanila.
  • May responsibilidad at obligasyon ang bawat tao sa komunidad. Ito ay maaaring tawagin na gawaing pansibiko o civic engagement
  • National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) – tagabantay sa panahon ng halalan na naorganisa noong 1983.
  • Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) – nabuo noong 1991 sa pamumuno ng mga pari sa pangunguna ni Archbishop Jaime Cardinal Sin bilang tugon sa tawag ng pagtulong ng simbahan sa panahon ng eleksyon.
  • Makabansa - tungkulin ng bawat isa sa atin na sikaping isulong ang pagtutulungan, pagbubuklod-buklod, at pagkakaisa.
  • Makatao - bawat tao ay may karapatan na dapat igalang at protektahan. Bilang mamamayan, may kalayaan tayong gamitin ang bawat karapatan ngunit dapat nating tandaan na ang bawat karapatan ay may kalakip na pananagutan at tungkulin na igalang din ang mga karapatan ng iba.
  • Produktibo - ang aktibong mamamayan ay nagtatrabaho o gumagawa sa malinis na paraan. Ginagampanan nito ang kanyang tungkulin nang mahusay, may buong katapatan, at pagkukusa.
  • May lakas ng loob at tiwala sa sarili - ang katangian na pagiging matatag, at may tibay ng loob ay ipinamalas ng ating mga bayani sa paglaban sa mga mananakop na Kastila, Amerikano, at Hapones upang lumaya ang bansa mula sa kamay ng mga mapanlupig na dayuhan.
  • Makatuwiran - isinasaalang-alang ang kapakanan ng nakararami kaysa sa pansariling interes. Ang makabayan mamamayan ay kumikilos nang naaayon sa isinasaad ng batas at pinahahalagahan kung ano ang tama.
  • Matulungin sa Kapwa - likas na sa mga Pilipino ang pagtulong sa kapwa. Tayo ay likas na mapagkawang-gawa lalong lalo na sa mga kapus-palad at dumaranas ng hirap sa buhay.
  • Makasandaigdigan - ito ay mamamayan ng kanyang bayan at gayundin sa buong mundo. Palagi nitong isinasaalang - alang ang kapakanan ng kanyang bansa at ng mundo sa pangkalahatan.
  • Karapatang Pantao - Ito ay karapatan at kalayaan na nararapat matanggap ng mga tao.
  • Cyrus Cylinder - pinalaya niya ang mga alipin at ipinahayag na maaari silang pumili ng sariling relihiyon.
  • (1215) Magna Carta - Ilan sa mga ito ay hindi maaaring dakpin, ipakulong, at bawiin ang anumang ari-arian ng sinuman nang walang pagpapasiya ng hukuman. Sa dokumentong ito, nilimitahan ang kapangyarihan ng hari ng bansa.
  • Petition of Right - naglalaman ng mga karapatan tulad nang hindi pagpataw ng buwis nang walang pahintulot ng Parliament, pagbawal sa pagkulong nang walang sapat na dahilan, at hindi pagdeklara ng batas militar sa panahon ng kapayapaan
  • Bill of Rights - Ito ang nagbigay-proteksiyon sa mga karapatang pantaong lahat ng mamamayan at maging ang iba pang taong nanirahan sa bansa.
  • Declaration of the Rights of Man and of the Citizen - naglalaman ng mga karapatan ng mamamayan.
  • The First Geneva Convention - may layuning isaalang-alang ang pag- alaga sa mga nasugatan at may sakit na sundalo nang walang anumang diskriminasyon.
  • Universal Declaration of Human Rights (UDHR) - isa sa mga mahahalagang dokumentong naglalahad ng mga karapatang pantao ng bawat indibidwal na may kaugnayan sa bawat aspeto ng buhay ng tao.
  • Artikulo 1 - nakalahad na lahat ng tao ay isinilang na malaya at pantay-pantay.
  • Artikulo 321 ay nakalahad ang karapatang pantao bilang isang mamamayan sa aspekto ng politiko at sibil.
  • Artikulo 2227 ay nakasaad na ang karapatang pantao na may karapatan sa aspekto ng edukasyon, sining, pansibiko, at pangkultura.
  • Artikulo 2830 ay isinasaad na ang bawat tao ay mayroong karapatan na itaguyod ang karapatan ng ibang tao.
  • Bills of Right ng Konstitusyon - listahan ng mga pinagsama-samang karapatan ng bawat tao mula sa dating konstitusyon at karagdagang karapatan ng mga indibidwal na nakapaloob sa Seksyon 8, 11, 12, 13, 18 (1), at 19.
  • Natural Rights - mga karapatang taglay ng bawat tao kahit hindi ipagkaloob ng Estado.
  • Constitutional Rights - mga Karapatang ipinaloob at pinangalagaan ng Estado
  • Statutory Rights - karapatang kaloob ng binuong batas at maaaring alisin sa pamamagitan ng panibagong batas.
  • Karapatang Sibil – mga karapatan na titiyak sa mga pribadong indibidwal na maging kasiya-siya ang kanilang pamumuhay sa paraang nais nang hindi lumalabag sa batas at pagsususulong ng kabuhayan at disenteng pamumuhay.
  • Karapatang Politikal – kapangyarihan ng mamamayan na makilahok, tuwiran man o hindi, sa pagtatag at pangangasiwa ng pamahalaan tulad ng pagboto sa mga opisyal, pagsali sa referendum at plebisito.