Ang pagiging aktibo sa pakikilahok sa mga gawaing pansibiko ay isang paraan upang magampanan nang mahusay ang iyong mga tungkulin bilang mamamayang Pilipino
Ang pagkamamamayan ng isang indibiduwal ay nakabatay sa pagtugon niya sa kanyang mga tungkulin sa lipunan at sa paggamit niya ng kanyang mga karapatan para sa kagalingang panlahat
Kahit na nakapag-asawa ng isang dayuhan ang isang Pilipino, siya ay ituturing pa rin na isang mamamayang Pilipino hanggat hindi niya itinatakwil ang kanyang pagka-Pilipino
Ang pagkakatatag ng mga pansibikong organisasyon katulad ng NAMFREL na ay palatandaan na ang mga mamamayan ay hindi na lang nagmamasid kundi gumagawa ng aksyon para magampanan nito ang kanyang tungkulin sa pagpapabuti at pagpapaunlad ng bansang kinabibilangan
Ugnayan ng isang indibiduwal sa isang estado. Pagiging miyembro ng isang indibiduwal sa isang estado at kabilang siya bilang isang citizen, siya ay gumagawa ng karapatan at tungkulin
Ang katutubonginanak na mamamayan ay ang mamamayan ng Pilipinas mula pa sa pagkasilang na wala nang kinakailangang gampanan ano mang hakbangin upang matamo o malubos ang kanilang pagkamamayang Pilipino
Mananatiling angkin ang pagkamamamayan ng mga mamamayan ng Pilipinas na mag-asawa ng mga dayuhan, matangi kung sa kanilang kagagawan o pagkukulang, sila ay ituturing sa ilalim ng batas na nagtakwil ito
Ang mga bansang demokratikong republikano tulad ng Pilipinas ay inaasahang mabigyan ng kaganapan ang pagsasabuhay ng mga prinsipyo at mga gawaing nagsusulong ng demokrasya
Nagagawa ng mga tao ang kanilang tungkulin sa bayan kung sila ay napabibilang o aktibong nakibabahagi sa mga usaping may kinalaman sa ekonomiya at politika
Ang sistema ng eleksiyon sa bansa ay kontrolado ng iilang makapangyarihang tao na kadalasang nanggaling sa iisang partido o pamilya at ang kanilang mga tagasuporta