PAKIKILAHOK SA MGA GAWAING POLITIKAL

Cards (17)

  • PAKIKILAHOK SA MGA GAWAING POLITIKAL
    Mga gawain ng isang grupo, indibidwal, o entidad na may kinalaman sa mga karapatang politikal nito
  • David Foster Wallace: '"In reality, there is no such thing as not voting: you either vote by voting, or you vote by staying home and tacitly doubling the value of some diehard's vote."'
  • Batay sa 1987 Saligang Batas ng Pilipinas, ang ating banasa ay isang Estadong Demokratiko at Republikano kung saan ang ganap na kapangyarihan ay nasa kamay ng mga mamamayan na pinagmumulan ng lahat na kapangyarihan o awtoridad na pampamahalaan
  • Ang mataas na antas ng pakikipag-ugnayan ng mamamayan sa politika ay pinaniniwalaang palatandaan ng isang malusog na demokrasya
  • Ang hindi sapat na pakikilahok sa politika ay maaaring humantong sa pagkakaroon ng isang pamahalaang sumusuporta lamang sa interes ng mga lumalahok , bagay na hindi dapat mangyari sa sistemang demokratiko
  • Demokratikong Paglahok (Democratic Participation)
    Binibigyang diin ang kahalagahan ng kaalaman at kakayahang politikal ng mga mamamayan para sa epektibong pagpapatupad ng kanilang mga tungkulin kaakibat ng mga tungkuling ginagampanan ng pamahalaan
  • Demokratikong Elitismo (Democratic Elitism)
    Ang tagapagtaguyod ng teoryang ito ay may mataas na pagpapahalaga sa tungkuling ginagampanan ng pamahalaan. Sinasang-ayunan ng teoryang ito ang paglimita sa pakikilahok ng mga mamamayan sa mga gawaing politikal
  • Pagpiling Rasyonal (Rational Choice)
    Ang paglahok sa mga gawaing politikal ay nakasalalay o nakabatay sa rasyonal na pag-iisip ng bawat indibidwal
  • Tuwirang Pakikilahok sa Politika
    Tumutukoy sa paraan ng pakikilahok kung saan ang mga kagustuhan ng mamamayan ay ipinahahayag sa pamamagitan ng pagpupulong-bayan; ang mga hinaing o kahilingan ay direktang nakararating sa mga kinauukulan
  • Di-tuwirang Pakikilahok sa Politika
    Tumutukoy sa paraan ng pakikilahok kung saan ang mga kagustuhan o kahilingan ng mamamayan ay ipinahahayag sa pamamagitan ng kanilang mga piniling kinatawan o representante
  • Tradisyonal o Konserbatibong Pakikilahok
    Kabilang dito ang pagboto sa halalan, pagtatrabaho sa mga ahensya ng pamahalaan o pampublikong tanggapan, paggawa ng sulat at pakikipag-ugnayan sa mga kinatawan ng pamahalaan, at pagiging bahagi ng tinatawag na cause-oriented groups na aktibo sa pagbibigay ng tulong sa panahon ng pangangampanya
  • Alternatibong Pakikilahok
    Ilan sa mga aktibong nakikilahok sa ganitong uri ng partisipasyon ay mga kabataan, estudyante at mga tao o grupo na direktang naapektuhan ng mga isyung pampolitika
  • Ilegal na Pakikilahok
    Ilan sa mga halimbawa nito ay ang pagpaslang sa mga kalaban sa politika, pagsasagawa ng terorismo, pagsabotahe sa kampanya ng kalabang partido, pagbili ng boto, pag-impluwensya sa mga botante, at iba pang mga hindi katanggap tanggap na paraan
  • Responsibilidad
    Tinitingnan ang partisipasyong politikal bilang isang uri ng pananagutan
  • Ideyalismo
    Nakikilahok dahil matindi ang paniniwala sa mga ipinaglalabang adhikain o kandidato
  • Kasiyahan
    Nagdudulot ang partisipasyong politikal ng kakaibang kasiyahan dahil sa mga bagong kaibigan o kakilala
  • Pakinabang na Nakukuha
    Ang partisipasyong politikal ang nakikitang dahilan para makuha ang mga benepisyo o pribilehiyo para sa sarili, pamilya, sinusuportahang grupo, o bansa