Dokumentasyon Estilong A.P.A
1. Kung nabanggit na ang pangalan ng awtor sa mismong teksto, taon na lamang ng publikasyon ang isulat sa loob ng parentesis
2. Kung hindi nabanggit ang awtor sa mismong teksto, banggitin ito sa hulihan ng pangungusap kasama ang taon ng publikasyon
3. Kung dalawa ang awtor, banggitin ang apelyido ng dalawa at ang taon ng publikasyon
4. Kung tatlo o higit pa ang awtor at hindi nabaggit ang pangunahing awtor sa mismong teksto, banggitin na lamang ang unang awtor sa loob ng parentesis at sundan ng et.al bago ang taon ng publikasyon
5. Kung may babanggiting dalawa o higit pang awtor na pareho ang apilyedo, banggitin ang inisyal ng mga awtor bago ang kanikaniyang apilyedo at sundan ng taon ng publikasyon
6. Kung pamagat lamang ang abeylabol na impormasyon, banggitin ang pinaikling bersyon ng pamagat at sundan ng taon ng publikasyon
7. Kung may babanggiting dalawa o higit pang akda ng iisang awtor, banggitin na lamang ang mga akda at paiiklin hanggat maari
8. Kung ang datos mula sa isang awtor ay nakuha mula sa akda ng ibang awtor, dapat banggitin ang dalawa
9. Kung ang datos o impormasyon ay hango sa internet, banggitin na lamang ang link kung walang awtor. Kung batid ang awtor, banggitin din ang awtor