Isang sistematiko, pormal, mahigpit at eksaktong prosesong ginagamit upang humanap ng mga lunas sa suliranin o makahanap at makapag-bigay kahulugan sa mga bagong kaalaman at kaugnayan
Layunin ng Pananaliksik
Paghahanap ng katotohanan
Paghahanap ng kapaliwanagan o katuwiran
Katangiang dapat taglayin ng isang pananaliksik
Kontrolado
Balid
Sistematiko
Kontrolado
ang mga baryabol o datos na pinag-aaralan ay hindi dapat manipulahin sapagkat magdudulot ito ng kawalang katiwakan at pagkainbalido ng resulta ng pananaliksik
Balid
balido ang pananaliksik kung ito ay nakabatay sa katotohanan ng katibayan o ebidensya sa pamamagitan ng kakayahang idepensa o ipaliwanag ang mga ito
Sistematiko
Magkakasunod na hakbang sa pangongolekta at pag-aanalisa ng impormasyon o datos sa iisang layunin.
Uri ng Pananaliksik
Maisasakatuparan
Basiko
Historikal
Eksperimental
Deskriptib
Pananaliksik na Deskriptib
Ninanasa ng ganitong pananaliksik na mabatid ang kasalukuyang nagaganap na pangyayari, makita ang kaugnayan ng mga paniniwala at kuro-kuro, proseso at epekto nito, paglulunsan ng kalakaran.
Pagsisiyasat
Ito ay pinakagamiting paraan upang ilarawan ang populasyon ng inimbestigahan o tingnan ang kasalukuyang kondisyon at relasyon ng mga pangyayari
Pag-aaral ng Nilalaman
Madalas ito gamitin sa mga gawaing pangkomunikasyon o pag-aaral na pampatinikan. Obhektibo, sistematikong paglalarawan ng mga manipestasyon ng komunikasyon.
Feasibility Study
Pag-aaral na naglalayong makita ang potensyal ng pagbubukas ng isang negosyo, pagtatayo ng isang establisyemento, pagbuo ng isang programa, pagtatayo ng isang organisasyon.
Pag-aaral sa Pagpapahalaga
Makita ang kinahantugan ng mga programang inilunsad ng isang institusyon.
Pag-aaral na Pang-etnograpiya
Madalumat ang kakaniyahan ng lupon ng tao hinggil sa kanilang pamumuhay, mga paniniwala, gawi at kultura.