AP - PAKIKILAHOK SA MGA GAWAING POLITIKAL

Cards (14)

  • 1987 PHILIPPINE CONSTITUTION Art. II, Section 1 - The Philippines is a democratic and republican State. Sovereignty resides in the people and government authority emanates from them.
  • Batay sa 1987 Saligang Batas ng Pilipinas, ang ating banasa ay isang Estadong Demokratiko at Republikano kung saan ang ganap na kapangyarihan ay nasa kamay ng mga mamamayan na pinagmumulan ng lahat na kapangyarihan o awtoridad na pampamahalaan.
  • Demokratikong Paglahok (Democratic Participation)- binibigyang diin ang kahalagahan ng kaalaman at kakayahang politikal ng mga mamamayan para sa epektibong pagpapatupad ng kanilang mga tungkulin kaakibat ng mga tungkuling ginagampanan ng pamahalaan.
  • Demokratikong Elitismo (Democratic Elitism)- Ang tagapagtaguyod ng teoryang ito ay may mataas na pagpapahalaga sa tungkuling ginagampanan ng pamahalaan. Sinasang-ayunan ng teoryang ito ang paglimita sa pakikilahok ng mga mamamayan sa mga gawaing politikal.
  • Pagpiling Rasyonal(Rational Choice)- Ang paglahok sa mga gawaing politikal ay nakasalalay o nakabatay sa rasyonal na pag-iisip ng bawat indibidwal.
  • TUWIRANG PAKIKILAHOK SA POLITIKA - Tumutukoy sa paraan ng pakikilahok kung saan ang mga kagustuhan ng  mamamayan ay ipinahahayag sa pamamagitan ng pagpupulong-bayan; ang mga hinaing o kahilingan ay direktang nakararating sa mga kinauukulan.
  • DI-TUWIRANG PAKIKILAHOK SA POLITIKA - Tumutukoy sa paraan ng pakikilahok kung saan ang mga kagustuhan o kahilingan ng  mamamayan ay ipinahahayag sa pamamagitan ng kanilang mga piniling kinatawan o representante.
  • Tradisyonal o Konserbatibong Pakikilahok – kabilang dito ang pagboto sa halalan, pagtatrabaho sa mga ahensya ng pamahalaan o pampublikong tanggapan, paggawa ng sulat at pakikipag-ugnayan sa mga kinatawan ng pamahalaan, at pagiging bahagi ng tinatawag na cause-oriented groups na aktibo sa pagbibigay ng tulong sa panahon ng pangangampanya.
  • Alternatibong Pakikilahok – ilan sa mga aktibong nakikilahok sa ganitong uri ng partisipasyon ay mga kabataan, estudyante at mga tao o grupo na direktang naapektuhan ng mga isyung pampolitika.
  • Ilegal na Pakikilahok – ilan sa mga halimbawa nito ay ang pagpaslang sa mga kalaban sa politika, pagsasagawa ng terorismo, pagsabotahe sa kampanya ng kalabang partido, pagbili ng boto, pag-impluwensya sa mga botante, at iba pang mga hindi katanggap tanggap na paraan..
  • RESPONSIBILIDAD – tinitingnan ang partisipasyong politikal bilang isang uri ng pananagutan
  • IDEYALISMO – nakikilahok dahil matindi ang paniniwala sa mga ipinaglalabang adhikain o kandidato
  • KASIYAHAN – nagdudulot ang partisipasyong politikal ng kakaibang kasiyahandahil sa mga bagong kaibigan o kakilala
  • PAKINABANG NA NAKUKUHA – ang partisipasyong politikal ang nakikitang dahilan para makuha ang mga benepisyo o pribilehiyo para sa sarili, pamilya, sinusuportahang grupo, o bansa.