Kabanata 6: Si Basilio

Cards (13)

  • Hatinggabi nang palihim na tumungo si Basilio sa kagubatan na pagmamay-ari ni Ibarra na nabili naman ni Kapitan Tiago
  • Tumigil si Basilio sa bunton ng mga batong malapit sa kinalalagyan ng punong balite, kung saan nakalibing ang kanyang ina
  • Sa tuwinang umuuwi si Basilio sa bayan na iyon ay una niyang dinadalaw ang yumaong ina ng palihim
  • Sa pamamagitan ng perang ibinigay ni Elias ay lumisan si Basilio sa bayan na iyon at nagtungo sa Maynila
  • Walang sinuman ang tumanggap dito dahil sa ito ay may erism sakit, marumi, at gula-gulanit na kasuotan
  • Dito ay pumasok siya bilang alila nang hindi binabayaran
  • Pinahintulutan ni Kapitan Tiago na mag-aral si Basilio sa San Juan de Letran
  • Mula ng pumasok si Maria Clara sa kumbento ay kinamuhian na ni Kapitan Tiago ang mga pari
  • Pinalipat ito sa Ateneo Municipal at mas lalo pang nagpakadalubhasa sa pag-aaral
  • Ngayon ay nasa huling taon na siya sa Medisina
  • Dalawang buwan pa at magiging isang ganap na doktor na si Basilio
  • Pagkatapos ay muling babalik sa bayan at papakasalan si Huli
  • Muli nitong naalala ang pagkamatay ng ina at ng lalaking sugatan na si Elias labingtatlong taon na ang nakaraan.