Pabalik na si Basilio ng bayan nang may nabanaag na liwanag sa gubat at may narinig na mga yabag
Pumunta ang anino sa kanyang kinaroroonan
Nagtago ito at nakitang nandoon si Simoun na mag-aalahas
Paghuhukay inalis nito ang kanyang salamin at nag-umpisa sa paghuhukay
Habang pinapanood ni Basilio si Simoun ay may nagbalik na ala-ala sa kanya labingtatlongtaon na ang nakalipas
Siya ang tumulong sa paglilibing sa kaniyang ina na si Sisa at kay Elias
Nagulintang si Basilio sa kanyang natuklasan ngunit ito ay lumapit upang tumulong nang makita niyang pagod at patigil-tigil na si Simoun sa paghuhukay
Nagpakikila si Basilio at sinabing tinulungan siya nito na ilibing ang bangkay ng kanyang ina at ni Elias kaya't siya naman ang nagbigay ng tulong kay Simoun
Binalak ni Simoun na patayin si Basilio upang manatili ang kanyang lihim ngunit alam niyang parehas lang sila ni Basilio na nais makapaghiganti
Ipinagtapat ni Simoun kay Basilio ang kaniyang ginawa sa loob ng paaralan ng wikang Kastila
Hiningi niyang gawing lalawiganngEspanya ang Pilipinas at bigyan ng pantaynapantaynakarapatan ang mga Pilipino at Kastila
Ayon kay Simoun ang mga hiling na ito ay ang pagpawi sa kanilang pagkamamamayan at pagkapanalo ng mga naniniil
Dagdag pa niya, ang pagdadagdagngisapangwika ay hahantong sa di pagkakaunawaan
Taliwas naman ang paniniwala ni Basilio
Hindisinang-ayunan ni Simoun ang sinabing ito ni Basilio
Ani Simoun ang wikangKastila ay kailanma'y hindi magiging wikangpangkalahatan dahil bawat bayan ay may sariling wika na kaugnay sa damdamin at kaugalian nito
Sa huli ay hinikayat ni Simoun si Basilio na makisali sa kanyang planong paghihimagsiklabansapamahalaanngKastila
Ngunit hindi pinaunlakan ni Basilio ang panghihikayat ni Simoun dahil naniniwala ito na walangkatapusanangkarunungan
Anggaling ng tao ang siyang magiging paraan upang maging malaya ang lahat ng tao