Speaker: 'Panginoon, kami po ay nagpapasalamat sa Ibinigay ninyo pong katalinuhan upang maintindihan po namin ang aming mga pinag-aralan. Marami pong salamat sa proteksyon ninyo sa amin sa maghapon na aming pag-aaral na ito. Salamat po sa bawat isang kaklase at guro na narito po ngayon at kasama po naming mag-aral. Panginoon, sa amin pong pagtatapos ng talakayan, dalangin po namin na ingatan mo po ang bawat isa, ilayo mo po sa kapahamakan at kami ay panatilihing ligtas sa aming mga tahanan. Ito po ang aming dalangin at pagsamo sa pangalan ni Jesus na aming tagapaligtas. Sa ngalan ng Ama, Anak at Espiritu Santo.'