AP

Subdecks (3)

Cards (195)

  • Pagkamamamayan
    Ang kalagayan o katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang pamayanan o estado
  • Pagkamamamayan
    Ugnayan ng isang indibiduwal at ng estado. Ito ay tumutukoy sa pagiging miyembro ng isang indibiduwal sa isang estado kung saan bilang isang citizen, siya ay ginawaran ng mga karapatan at tungkulin
  • Prinsipyo ng Pagkamamamayan

    • Jus soli o Jus loci - Ang pagkamamayan ay nakabatay sa lugar kung saan siya ipinanganak
    • Jus sanguinis - Ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabatay sa pagkamamamayan ng isa sa kaniyang mga magulang
  • Ligal na Pananaw ng Pagkamamamayan

    Ayon sa ligal na pananaw, ang bawat mamamayan ay may karapatang tinatamasa at kaaikibat nito ay ang mga tungkulin niya na dapat gampanan sa kanyang estado
  • Ang sumusunod ay mamamayan ng Pilipinas: (1) yaong mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng saligang-batas na ito; (2) yaong ang mga ama o mga ina ay mamamayan ng Pilipinas; (3) yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga ina ay Pilipino, na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa karampatang gulang; at (4) yaong mga naging mamamayan ayon sa batas
  • Ang katutubong inianak na mamamayan ay yaong mamamayan ng Pilipinas mula pa sa pagsilang na wala nang kinakailangang gampanang ano mang hakbangin upang matamo o malubos ang kanilang pagkamamamayang Pilipino
  • Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring mawala o muling matamo sa paraang itinatadhana ng batas
  • Mananatiling angkin ang kanilang pagkamamamayan ng mamamayan ng Pilipinas na mag-asawa ng mga dayuhan, matangi kung sa kanilang kagagawan o pagkukulang, sila ay ituturing, sa ilalim ng batas, na nagtakwil nito
  • Ang dalawahang katapatan ng mamamayan ay salungat sa kapakanang pambansa at dapat lapatan ng kaukulang batas
  • Mga Dahilan sa Pagkawala ng Pagkamamamayan

    • Naturalisasyon sa ibang bansa
    • Pagtatwa sa sariling pagkamamamayan
    • Panunumpa ng katapatan sa Konstitusyon o Batas ng ibang bansa
    • Pagsiserbisyo sa Hukbong Sandatahan ng ibang bansa
    • Pagkansela ng Sertipiko ng Pagkamamamayan
    • Paglisan sa Hukbong Sandatahan ng Pilipinas sa panahon ng digmaan
    • Pagpapakasal sa dayuhan
  • Mga Paraan ng Pagpapanumbalik ng Pagkamamamayan

    • Naturalisasyon
    • Repatration
    • Sa pamamagitan ng Kongreso
  • Kapag siya ay sumailalim sa proseso ng naturalisasyon sa ibang bansa, panunumpa ng katapatan sa Saligang Batas ng ibang bansa, pagtakas sa hukbong sandatahan ng ating bansa sa panahon ng digmaan, at pagkawala ng bisa ng Naturalisasyon, mawawala ang pagkamamamayan ng isang indibidwal
  • Lumalawak na Pananaw ng Pagkamamamayan

    Igigiit ng isang mamamayan ang kaniyang mga Karapatan para sa ikabubuti ng bayan. Kaniyang gagamitin ang pamamaraang ipinahihintulot ng batas upang iparating sa mga kinauukulan ang kaniyang mga hinaing at saloobin
  • 12 gawain na pwedeng gawin ang mga Pilipino para makatulong sa pagpapabuti ng ating bansa

    • Sumunod sa batas-trapiko
    • Laging humingi ng opisyal na resibo sa anumang binibili. Huwag bumili ng mga bagay nasmuggle. Bilhin ang mga lokal na produkto. Bilhin ang gawang-Pilipino
    • Positibong magpahayag ng tungkol sa atin gayundin sa sariling bansa
    • Igalang ang nagpapatupad ng batas-trapiko, pulis at iba pang lingkodbayan
    • Itapon nang wasto ang basura. Ihiwalay. Iresiklo. Pangalagaan
    • Suportahan ang inyong simbahan
    • Tapusin nang may katapatan ang tungkulin sa panahon ng eleksiyon
    • Maglingkod nang maayos sa pinapasukan
    • Magbayad ng buwis
    • Tulungan ang isang iskolar o isang batang mahirap
    • Maging mabuting magulang. Turuan ng pagmamahal sa bayan ang mga anak