pananaliksik

Cards (38)

  • Pananaliksik
    Isang sistematikong pag-iimbestiga at pag-aaral upang makapagpaliwanag at makapaglatag ng katotohanan gamit ang iba't ibang batis ng kaalaman
  • Iligal na Pangongopya
    Kung ang isang mag-aaral ay kumukuha ng kredito sa gawa o salita ng ibang tao
  • Unang hakbang sa pagbuo ng pananaliksik
    Pagpili ng paksa
  • Mga dapat isaalang-alang sa pagpili ng paksa
    • Interes at kakayahan
    • Pagkakaroon ng mga material na magagamit na sanggunian
    • Kabuluhan ng paksa
    • Limitasyon ng panahon
    • Kakayahang pinansiyal
  • Balangkas
    Nagsisilbing larawan ng mga pangunahing at mahahalagang detalye tungkol sa paksa
  • Paggawa ng tentatibong balangkas
    1. Upang maiayos ang mga ideyang nakuha mula sa mga sanggunian
    2. Maaaring baguhin, palitan, o dagdagan habang nagsusulat
  • Uri ng balangkas
    • Balangkas na papaksa
    • Balangkas na pangungusap
    • Balangkas na talata
  • Dalawang pangunahing anyo ng balangkas
    • Balangkas na gumagamit ng titik at bilang
    • Balangkas na decimal
  • Tentatibong bibliograpiya
    Listahan ng mga paghahanguan ng impormasyon na gagamitin sa pananaliksik
  • Dahilan kung bakit kailangang maghanda ng tentatibong bibliograpiya
    • Itala ang lahat ng publikasyong maaaring gamitin sa pangangalap ng mga datos
    • Itala ang mahahalagang impormasyon tungkol sa publikasyon para sa paghahan ng pinal na bibliograpiya
  • American Psychological Association (APA)

    Pinakaginagamit na paraan ng dokumentasyon sa larangan ng agham panlipunan
  • Modern Language Association (MLA)

    Ginagamit sa mga papel-pananaliksik sa larangan ng humanidadis, literatura, at kultural na pag-aaral
  • Dalawang uri ng pagbanggit ng mga sanggunian
    • In-text citation
    • Parenthetical Citation
  • Konseptong papel
    Proposal bilang paghahanda nang pinaplanong pananaliksik
  • Pahinang nagpapakita ng paksa
    Ang pamagat ng konseptong papel ay kailangang ganap na naglalarawan ng pinakabuod ng manuskrito
  • Kahalagahan ng gagawing pananaliksik (Rationale)

    Inatalakay ang dahilan, ugat, kasaysayan ng ideya. Ito ang pinaka-problematisasyon ng paksa. Tinutukoy kung bakit mahalaga at makabuluhan ang paksa
  • Layunin
    Dito tinatalakay ang gusto mong mangyari kaugnay ng papel. Tinatalakay ang pinakalaman ng paksa. Pangkalahatan at Tiyak
  • Metodolohiya
    Dito tinatalakay kung paano at saan kukunin ang datos ang teoryang pagbabatayan, paano o anong lapit ang gagamitin sa analisis ng datos
  • Inaasahang bunga

    Dito ipinapahayag ang magiging resulta ng pananaliksik, ilang pahina ba, isinaslibro ba, may apendiks ba, atibp
  • Mga sanggunian
    Ilista ang mga sangguniang ginamit sa pagkuha ng paunang mga impormasyon
  • Pangangalap ng datos
    Isinasagawa matapos mabuo ang konseptong papel, sumailalim sa depensa, at rebisyon ayon sa kinalabasan ng depensa
  • Nakapag-iisa (Independent Variable)

    Elementong kinokontrol upang makita kung paano ito makaaapekto sa iba pang elemento ng saliksik. Kaya ito rin ang elementong tinutukoy bilang sanhi o dahilan
  • Di-Nakapag-iisa (Dependent Variable)

    Elementong tumatanggap ng pagbabago bilang bunga ng pagkontrol sa elementong nakapag-iisa. Tinutukoy itong bunga
  • Card catalog
    Talaan ng lahat ng sangguniang matatagpuan sa isang silid-aklatan
  • Uri ng card catalog
    • Katalogo ng mga Awtor
    • Katalogo ng mga Pamagat
    • Katalogo ng mga Paksa
  • Katalogo ng mga awtor
    Nakalista nang paalpabeto ang pangalan ng lahat ng may-akda ng iba-ibang sanggunian
  • Kard ng awtor
    Mga kard na naglalaman ng impormasyon tungkol sa aklat o sanggunian na ginawa ng may-akda
  • Katalogo ng mga paksa
    Nakalista nang paalpabeto ang lahat ng paksang pinagtutungkulan ng lahat ng sangguniang nasa silid-aklatan
  • Kard na paksa
    Mga kard na naglalaman ng impormasyon tungkol sa aklat o sanggunian na tumatalakay sa paksang iyon
  • OPAC o Online Public Acces Catalog
    Pinakamodernong paraan ng paghahanap ng mga sanggunia sa silid-aklatan
  • Paraan ng pangangalap ng datos
    • Internet
    • Panayam
  • Uri ng panayam
    • Impormal na panayam
    • Panayam na may gabay
    • Bukas o malayang panayam
    • Panayam batay sa mga inihandang tanong at sagot na pagpipilian
  • Bentaha ng obserbasyon

    • May direktang ugnayan sa sitwasyon at sa mismong paksa ng obserbasyon
    • Tiyak at direkta ang impormasyong makakalap at agad itong naitatala
    • Maybisa at higit na malalim ang pag-unawa sa paksa ng obserbasyon at kalagayan nito
  • Desbentaha ng obserbasyon
    • Maaaring kumiling sa panig ng mananaliksik, maaari ding hindi natural ang magiging gawi ng inoobserbahan dahil alam niyang siya ang paksa ng pag-aaral
    • Nangangailangan ng sapat na oras upang maisagawa o matagal gawin
    • Dahil lantad, maaaring may epekto ito sa pagiging balido ng mga datos
  • Uri ng obserbasyon
    • Natural na Obserbasyon
    • Personal at Obhektibong Obserbasyon
    • Direktang Partisipasyon at Walang Partisipasyon
    • May Estruktura at Walang Estruktura
  • Sarbey
    Paraan upang makuha, masuri, at mabigyang-kahulugan ang pananaw ng mga taong pinag-aralan o inoobserbahan
  • Uri ng talatanungan
    • Malayang Tugon
    • May Pagpipiliang Tugon
  • Uri ng talatanungang may pagpipilian
    • Dichotomous na Katanungan
    • Multiple Choice
    • Pagraranggo
    • Sang-ayon o Di-Sang-ayon