AP 2

Cards (95)

  • KARAPATANG PANTAO
    Mga karapatan at kalayaan ng tao na may kaugnayan sa bawat aspekto ng buhay
  • Noong 539 B.C.E., si Haring Cyrus ng Persia at kaniyang mga tauhan ang nakalupig sa lungsod ng Babylon. Pinalalaya niya ang mga alipin at ipinahayag na maaari silang pumili ng sariling relihiyon. Idineklara rin niya ang pagkakapantay-pantay ng lahat ng lahi.
  • Nakatala ang mga ito sa isang baked-clay cylinder na tanyag sa tawag na "Cyrus Cylinder". Tinagurian ito bilang "world's first charter of human rights".
  • Nakikita rin ang kaisipan tungkol sa karapatang pantao sa iba pang sinaunang kabihasnan tulad ng India, Greece, at Rome.
  • Ang mga itinatag na relihiyon at pananampalataya sa Asya tulad ng Judaism, Hinduism, Kristiyanismo, Buddhism, Taoism, Islam at iba pa ay nakapaglahad ng mga kodigo tungkol sa moralidad, kaisipan tungkol sa dignidad ng tao at tungkulin nito sa kaniyang kapwa.
  • Si John I, Hari ng England, ay lumagda sa Magna Carta, isang dokumentong naglalahad ng ilang karapatan ng mga taga-England.
    1215
  • Ilan sa mga ito ay hindi maaaring dakpin, ipakulong, at bawiin ang anumang ari-arian ng sinuman nang walang pagpapasiya ng hukuman. Sa dokumentong ito, nilimitahan ang kapangyarihan ng hari ng bansa.
  • Ipinasa ang Petition of Right sa England na naglalaman ng mga karapatan tulad ng hindi pagpataw ng buwis nang walang pahintulot ng Parliament, pagbawal sa pagkulong nang walang sapat na dahilan, at hindi pagdeklara ng batas militar sa panahon ng kapayapaan.
    1628
  • Inaprubahan ng United States Congress ang Saligang-batas ng kanilang bansa. Sa dokumentong ito, nakapaloob ang Bill of Rights na ipinatupad noong Disyembre 15, 1791. Ito ang nagbigay-proteksyon sa mga karapatang pantao ng lahat ng mamamayan at maging ang iba pang tao na naninirahan sa bansa.
    1787
  • Nagtagumpay ang French Revolution na wakasan ang ganap na kapangyarihan ni Haring Louis XVI. Sumunod ang paglagda ng Declaration of the Rights of Man and of the Citizen na naglalaman ng mga karapatan ng mamamayan.
    1789
  • Isinalagawa ang pagpupulong ng labing-anim na Europeo at ilang estado ng United States sa Geneva, Switzerland. Kinilala ito bilang The First Geneva Convention na may layuning isaalang-alang ang pag-aalaga sa mga nasugatan at may sakit na sundalo nang walang anumang diskriminasyon.
    1864
  • Itinatag ng United Nations ang Human Rights Commission sa pangunguna ni Eleanor Roosevelt, asawa ng yumaong Pangulong Franklin Roosevelt ng United States. Sa pamamagitan ng naturang komisyon, nilagdaan at ipinatupad ang dokumentong tinatawag na Universal Declaration of Human Rights.
    1948
  • Universal Declaration of Human Rights (UDHR)

    Isang mahalagang dokumentong naglalahad ng mga karapatang pantao ng bawat indibidwal na may kaugnayan sa bawat aspekto ng buhay ng tao, kabilang ang karapatang sibil, politikal, ekonomiko, sosyal, at kultural.
  • Malugod na tinanggap ng UN General Assembly ang UDHR noong Disyembre 10, 1948 at binansagan ito bilang "International Magna Carta for all Mankind".
  • Umabot nang halos dalawang taon bago nakumpleto ang mga artikulong nakapaloob sa UDHR.
  • Mga nilalaman ng UDHR

    • Preamble at Artikulo 1 - likas na karapatan ng lahat ng tao tulad ng pagkakapantay-pantay at pagiging malaya
    • Artikulo 3 hanggang 21 - mga karapatang sibil at politikal
    • Artikulo 22 hanggang 27 - mga karapatang ekonomiko, sosyal, at kultural
    • Artikulo 28 hanggang 30 - tungkulin ng tao na itaguyod ang mga karapatan ng ibang tao
  • Ang UDHR ay isa sa mahalagang dokumentong naglalahad ng mga karapatang pantao ng bawat indibidwal na may kaugnayan sa bawat aspekto ng buhay ng tao.
  • initiwala, di-

    nakapamamahala sa sarili o nasa ilalim ng ano mang katakdaan ng soberanya
  • Ang bawat tao'y may karapatan sa buhay, kalayaan at kapanatagan ng sarili
  • Walang sino mang aalipinin o bubusabusin; ipagbabawal ang ano mang anyo ng pang-aalipin at ang pangangalakal ng alipin
  • Walang sino mang pahihirapan o lalapatan ng malupit,di-makatao o nakalalait na pakikitungo sa parusa
  • Ang bawat tao'y may karapatang kilalanin saan mang dako bilang isang tao sa harap ng batas
  • Ang lahat ay pantay-pantay sa harap ng batas at may karapatan sa walang pagtatangi ng pangangalaga ng batas
  • Ang bawat tao'y may karapatan sa mabisang lunas ng karampatang mga hukumang pambansa tungkol sa mga gawang lumalabag sa pangunahing mga karapatan na ipinagkaloob sa kanya ng saligang batas o ng batas
  • Walang sino mang ipaiilalim sa di-makatwirang pagdakip, pagpigil o pagpapatapon
  • Ang bawat tao'y may karapatan sa ganap na pagkakapantay-pantay, sa isang makatarungan at hayag na paglilitis ng isang hukumang malaya at walang kinikilingan, sa pagpapasiya ng kanyang mga karapatan at panangutan at sa ano mang paratang na kriminal laban sa kanya
  • Ang bawat taong pinararatangan ng pagkakasalang pinarurusahan ay may karapatang ituring na walang-sala hanggang di-napatutunayang nagkasala alinsunod sa batas sa isang hayag na paglilitis na ipinagkaroon niya ng lahat ng garantiyang kailangan sa kanyang pagtatanggol
  • Walang taong ituturing na nagkasala ng pagkakasalang pinarurusahan dahil sa ano mang gawa o pagkukulang na hindi isang pagkakasalang pinarurusahan, sa ilalim ng batas pambansa o pandaigdig, noong panahong ginawa iyon
  • Walang taong isasailalim sa di-makatwirang panghihimasok sa kanyang pananhimik, pamilya, tahanan o pakikipagsulatang ni sa tuligsa sa kanyang karangalan at mabuting pangalan
  • Ang bawat tao'y may karapatan sa kalayaan ng pagkilos at paninirahan sa loob ng mga hanggahan ng bawat estado
  • Ang bawat tao'y may karapatang humanap at magtamasa sa ibang bansa ng pagpapakupkop laban sa pag-uusig
  • Ang bawat tao'y may karapatan sa isang pagkamamamayan
  • Ang mga lalaki't babaeng may sapat na gulang ay may karapatang mag-asawa at magpamilya nang walang ano mang pagtatakda dahil sa lahi, bansang kinabibilangan o relihiyon
  • Ang pag-aasawa'y papasukan lamang sa pamamagitan ng malaya at lubos na pagsang-ayon ng mga nagbabalak magkapangasawahan
  • Ang pamilya ay likas at pangunahing pangkat sa sangay ng lipunan at karapat-dapat sa pangangalaga ng lipunan at ng Estado
  • Ang bawat tao'y may karapatang mag-angkin ng ari-arian nang mag-isa gayon din na kasama ng iba
  • Ang bawat tao'y may karapatan sa kalayaan ng pag-iisip, budhi at relihiyon
  • Ang bawat tao'y may karapatan sa kalayaan ng pagkukuro at pagpapahayag
  • Ang bawat tao'y may karapatan sa kalayaan sa mapayapang pagpupulong at pagsasamahan
  • Ang bawat tao'y may karapatang makilahok sa pamahalaan ng kanyang bansa, sa tuwiran o sa pamamagitan ng mga kinatawang malayang pinili