AP 4

Cards (18)

  • Karaniwan sa matatagumpay na pandaigdigang samahang nagtataguyod ng mga karapatang pantao ay nagmula sa mga NGO o nongovernmental organization kung saan pinangungunahan ng mga karaniwang mamamayan at hindi ng mga opisyal ng pamahalaan ang mga samahang ito
  • Amnesty International
    Isang pandaigdigang kilusan na may kasapi at tagasuportang umaabot sa mahigit pitong milyong katao. Ang motto nito ay "It is better to light a candle than to curse the darkness."
  • Amnesty International

    • Pangunahing adhikain nito ang magsagawa ng pagsasaliksik at kampanya laban sa pang-aabuso ng mga karapatang pantao sa buong daigdig
    • Mabigyan ng katarungan ang mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao
  • Aktibo ang Amnesty International sa Pilipinas
  • Jack Healey

    Isang kilalang human rights activist na itinatag ang Amnesty International
  • Naging tagapagtaguyod ang Amnesty International ng mga karapatang pantao sa buong daigdig at nagsilbing-boses ng mga walang boses at tagapagtaguyod ng karapatang pantao sa buong daigdig
  • Nakikipag-ugnayan din ang Amnesty International sa mga pinuno ng pandaigdigang sining tulad sa musika, teatro, pelikula, at maging ng printed material upang maipalaganap ang kahalagahan ng karapatang pantao
  • Human Rights Action Center (HRAC)

    • Pangunahing layunin ng pandaigdigang samahang ito na itaguyod at pangalagaan ang karapatan ng mga taong walang gaanong boses sa lipunan at pamahalaan
    • Pinalalakas din nito ang mga aktibong kalahok ng samahan na itala at ilantad ang mga pang-aabuso sa karapatang pantao at makapagtaguyod ng mga repormang patungkol sa karapatang pantao at makapagbigay ng serbisyong-legal
  • Asian Human Rights Commission (AHRC)

    Itinatag noong 1984 ng mga tanyag na grupong aktibo sa pakikipaglaban para sa karapatang pantao sa Asya. Layunin ng samahang ito ang magkaroon ng higit na kamalayan tungkol sa karapatang pantao at pagsasakatuparan nito sa buong Asya
  • African Commission on Human and People's Rights

    Isang quasi-judicial body na pinasinayaan noong 1987 sa Ethiopia. Layon nitong proteksiyonan at itaguyod ang karapatan ng mga tao at magbigay ng interpretasyon sa African Charter on Human and People's Rights
  • Commission on Human Rights (CHR)

    Ang may pangunahing tungkulin na pangalagaan ang mga karapatang pantao ng mga mamamayan. Kinikilala ang CHR bilang "National Human Rights Institution (NHRI)" ng Pilipinas
  • Commission on Human Rights (CHR)

    • Nagkakaloob ng mga pangunahing programa at serbisyo upang maprotektahan ang karapatang pantao ng bawat Pilipino
    • Dokumentasyon at pangangasiwa ng mga reklamo tungkol sa paglabag sa karapatang pantao, pagbigay ng tulong at serbisyong legal sa mga biktima, pagsubaybay sa kalagayan ng mga piitan at rehabilitation center kung may kaso ng paglabag sa karapatang pantao, at pagsasagawa ng mga forensic at medico-legal service
  • Commission on Human Rights (CHR)
    • Binibigyang-tuon din ang iba't ibang programa, estratehiya, at advocacy campaign upang higit na makapagbigay ng impormasyon at aktibong makalahok ang mga mamamayan sa pangangalaga ng mga karapatang pantao sa bansa
  • Philippine Alliance of Human Rights Advocates (PAHRA)

    Itinatag noong 1986 at nilahukan ng mahigit sa 100 organisasyon mula sa iba't ibang bahagi ng bansa. Nilalayon ng PAHRA na itaguyod, pangalagaan, at isakatuparan ang tunay na pag-iral ng mga karapatang pantao sa bansa
  • Philippine Human Rights Information Center (PhilRights)

    Isang organisasyon na nakarehistro sa SEC simula pa noong 1994. Konektado ito sa United Nations Department of Public Information (UNDPI) at sa UN Economic and Social Council. Hangad ng PhilRights na magkaroon ng bansang may kultura ng pagkaka pantay-pantay ng tao
  • Karapatan: Alliance for the Advancement of People's Rights

    Itinatag noong 1995. Itinataguyod at pinangangalagaan nito ang mga karapatang pantao sa Pilipinas. Ilan sa mga programa ng alyansa ang magkaroon ng mataas na antas ng kamalayan ang mga mamamayan sa kanilang mga karapatan, maging aktibo sa pagsuporta sa mga gawaing magtataguyod sa karapatang pantao
  • Free Legal Assistance Group (FLAG)

    Isang pambansang grupo ng mga human rights lawyer na nagtataguyod at nangangalaga ng mga karapatang pantao. Itinatag ito noong 1974 nina Jose W. Diokno, Lorenzo Tanada Sr. at Joker Arroyo. Ilan sa mga adbokasiya ng FLAG ay ang paglaban sa pag-usig sa mga indibidwal sa kadahilanang politikal, pang-aabuso ng militar at kapulisan, at parusang kamatayan
  • Task Force Detainees of the Philippines (TFDP)

    Itinatag noong 1974. Sinimulan ito na may adhikaing matulungan ang mga political prisoner. Nagkakaloob din ang samahan ng suportang legal, pinansiyal, at moral sa mga political prisoner at kanilang pamilya