review

Subdecks (1)

Cards (81)

  • Ang Pantaong Sining ay may kaugnayan sa kultura at sining tulad ng sayaw, musika, arkitektura, pagpipinta, pelikula, dula at panitikan
  • Humanidades
    • Pinag-aaralan ang tungkol sa tao at ang pagiging tao
    • Pinagtutuunan ng pansin ang ginagawa at sinasabi ng tao na naayon sa kanyang kagustuhan
    • Isang pag-aaral na pinagsamang likas na agham (life sciences) at agham panlipunan (social sciences)
  • Istandard na wika

    • Mga wikang gamit sa edukasyon, pamahalaan at midya
    • Tumutukoy sa mga wikang ginagamit sa pormal na pagsulat o kabilang sila sa pormal na antas ng wika
  • Sayaw
    • Isang katutubong paraan ng pagpapahayag ng damdamin, ng pag-ibig, ng lungkot, galit at ng iba't ibang masalimuot na damdaming kinapapalooban ng dula ng buhay
    • Ang lahat ng mga katutubong sayaw ay may makasaysayang simula
    • Ang angkop at likas na tugtugin at kasuotan at pangkalahatang kasiyahan sa mga panlipunan kapaki-pakinabang ay matatamo sa mga katutubong sayaw
  • Ang mga nakaukit sa pader ng mga yungib sa Ehipto na may 6,000 taong nakalipas ay nagtala ng kahalagahan ng sayaw sa iba't ibang pagdiriwang
  • Mga sayaw na naging Kristiyano (Unang pankat ng sayaw)

    • Pagtutulad sa mga Ibon
    • Panliligaw
    • Paglalaban
    • Paghahanapbuhay
    • Pang-aliw
    • Mga Impluwensiya ng mga Kastila
  • Sayaw na Di-Kristiyano (Ikalawang Pangkat ng Sayaw)

    • Kandingan at Sua-sua
    • Sagayan
    • Tahing Baila
    • Singkil
    • Kanyaw
  • Awiting Bayan

    • Mga awiting mula pa sa iba't ibang panig ng ating bansa
    • Kadalasang inaawit ng mga karaniwang tao tulad ng magsasaka mangingisda o magbuburda
    • Simpleng awitin na punung-puno damdamin at buhay
    • Nasa anyo rin ng tula na may sukat tugtog at indayog at maiikli lamang
    • Karaniwang inilalarawan nito ang mas pang-araw-araw na gawain ng ating mga ninuno
  • Mga uri ng Awiting Bayan

    • Oyayi o hele
    • Kundiman
    • Talindaw
    • Soliranin
    • Diona
    • Kumintang
    • Dalit
    • Kalusan
    • Sambotani
    • Pananapatan
    • Balitaw
    • Pangangaluluwa
    • Dung-aw
  • Panitikan
    • Nagmula sa unlaping pang- na nagigin pan- kung ang kasunod na salitang-ugat ay nag-uumpisa sa titik d, r, l, s, at t
    • Nangangahulugan sa Ingles na literature, sa Kastila ay literatura na ibinatay sa salitang Latin na litera na ang ibig sabihin ay letra o titik
  • Uri ng Panitikan
    • Tuluyan o Prosa
    • Patula o Panulaan
    • Tulang Patnigan
    • Tulang Pantanghalaan o Pandulaan
    • Balagtasan
    • Duplo
  • Agham Panlipunan

    • Pinag-aaralan ang mga aspeto ng tao at ng sangkatauhan sa mundo
    • Pinagtutuunan ng pansin ang ginagawa ng tao para sa pangkalahatan
    • Isang pangkat ng mga disiplinang pang-akademiko na pinag-aaralan ang mga aspekto ng tao sa mundo
  • Mga Disiplina ng Agham Panlipunan

    • Agham Pampulitika
    • Antropolohiya
    • Ekonomiks
    • Heograpiya
  • Agham Panlipunan

    Pinag-aaralan ang mga aspeto ng tao at ng sangkatauhan sa mundo
  • Pinagtutuunan ng pansin ang ginagawa ng tao para sa pangkalahatan
  • Agham Panlipunan

    Isang pangkat ng mga disiplinang pang-akademiko na pinag-aaralan ang mga aspekto ng tao sa mundo
  • Mga Disiplina ng Agham Panlipunan

    • Agham Pampulitika
    • Antropolohiya
    • Ekonomiks
    • Heograpiya
    • Sikolohiya
    • Sosyolohiya
    • Kasaysayan
  • Agham Pampulitika

    Agham panlipunan na nag-aaral sa mga proseso, konsepto at prinsipyong pampamahalaan, at ang mga phenomena sa politika
  • Antropolohiya
    Agham panlipunan na nag-aaral sa kalipunan at kabuuan ng mga uri ng pamumuhay o gawain ng mga tao
  • Ekonomiks
    Agham panlipunan na nag-aaral sa mga negosyo o ekonomiya ng isang bansa, pati na rin ang mga polisiya at hakbang na maaaring tahakin para mapaunlad ang isang bansa
  • Heograpiya
    Agham panlipunan na nag-aaral sa heograpikal na lokasyon ng mundo. Nakapaloob dito ang pag aaral sa lokasyon, klima, topograpiya, lawak, sukat, at likas na yaman ng isang lugar
  • Sikolohiya
    Agham panlipunan na nag-aaral sa isip, diwa, at kilos na mayroon ang isang tao
  • Sosyolohiya
    Isang maka-agham na pag-aaral ng tao sa interaksyon o pakikipag-ugnayan ng mga tao sa bawat isa, sa iba't ibang mga kultura, at ang ugnayan ng isang tao sa lipunang kanyang kinabibilangan
  • Si Serafin Macaraig ang tinaguriang Ama ng Sosyolohiya sa Pilipinas
  • Kasaysayan
    Ang isang disiplina ng agham panlipunan na naglalayon na maghayag ng mga pangyayari sa nakalipas. Ito ay tumutukoy sa pag-aaral ng kronolohikong pagtatala ng mga pangyayaring sa mga sinaunang tao
  • Ayon kay Mr. Salazar, sa kaniyang pagtuturo napapansin niya na mas nalilito at nahihirapan ang mga estudyante kung baybayin pa sa Filipino ang mga salitang nabanggit
  • Ang opinion ng ilang guro ay bakit pahihirapan pa ang mga mag-aaral kung mas maiintindihan at matatandaan naman ang mga termenolohiya sa orihinal na baybay ng mga ito
  • Sosyolohiya
    Makaagham na pag-aaral ng tao sa kaniyang relasyon o interaksyon sa kaniyang lipunan at sa iba pang indibidwal o grupong kanyang kinabibilangan
  • Matematika
    Isa sa pinakamahirap ngunit pinakakailangang asignatura na nagbibigay kasagutan sa mga tanong at problemang may kinalaman sa numero, sukat, kapasidad, istraktura at pagbabago
  • Alinsunod sa mga pananaliksik at mungkahi ng UNESCO 2023 at Summer Institute of Linguistics (SIL) (2007), praktikal na gamitin ang alinmang wika higit na gamay ng mga mag-aaral, kung saan sila higit na bihasa
  • Binanggit naman ni Aldaba 1996, na may ilang pananaliksik na naisagawa na masigasig na nagtataguyod sa Filipino bilang wika sa pagpapadali sa pag-aaral, lalo na sa agham at matematika, kailangan lang pag-ibayuhin
  • Mga Filipino na Termino sa Matematika

    • Addition - lakta o talulod
    • Angle - siha o talulo
    • Arithmetic - bilnuram
    • Factor - tumbas
    • Formula - samyo
    • Protactor - pahina
  • Siyensiya
    Ang salitang siyensiya o science (agham ang tawag dito ng mga Pilipino) ay galing sa salitang Latin na scientia, ibig sabihi'y karunungan
  • Layunin ng Siyensiya

    Maparami at mapalawak ang datos upang makapagbuo ng teorya
  • Likas na Siyensiya

    Ang larangang nagtutuon sa pag-aaral ng mga penomenang likas sa mundo—sistematikong identipikasyon, obserbasyon, deskripsiyon, klasipikasyon, eksperimentasyon, imbestigasyon, at teoretikal na paliwanag sa mga penomenong ito na may layuning mabatid at magkaroon ng kaalaman tungkol dito
  • Teknolohiya
    Pinagsamang salita ito ng Griyego na techne (sining, kakayahan, craft o paraan kung paano ginagawa ang bagay); at logos o salita, pahayag, o binigkas na pahayag
  • Umaasa ito sa mga teoryang pansiyensiya. Ito ang paglikha at paggamit ng iba't ibang pamamaraan o kaugnayan ng buhay, kapaligiran, kalikasan, at lipunan
  • Kabutihan ng Teknolohiya sa Edukasyon
    • Nakatutulong sa indibidwal na proseso ng pagkatuto sa bawat mag-aaral
    • Ginagamit sa interaksyon ng mga mag-aaral at dalubguro sa loob ng klase
    • Malaki rin ang nagagawa ng teknolohiya sa kakayahan ng mga mag-aaral na magsulat at magbaybay
    • Malaki rin ang papel na ginagampanan ng teknolohiya para sa mga pangkatang gawain at pagkatuto ng mag-aaral
    • Inihahanda ng teknolohiya sa klase ang mag-aaral sa totoong mundo ng trabaho na kailangan nilang harapin sa hinaharap
    • Ginagawang simple ng teknolohiya ang trabaho ng isang dalubguro
  • Negatibong Dulot ng Teknolohiya sa Edukasyon
    • Hindi lahat ng akademikong institusyon ay may kakayahang gumamit ng teknolohiya
    • Maaari itong makasagabal sa mga gawaing pagkatuto
    • Ang paggamit nito at nangangailangan ng ibayong pagsasanay
  • Diskurso
    Tawag sa paggamit ng wika bilang paraan ng pagpapahatid ng mensahe