Ap

Cards (39)

  • Si Ferdinand Magellan ang unang manlalakbay na nakarating sa Pilipinas.
  • Kristiyanismo
    Relihiyon na dinala ng mga Espanyol sa Pilipinas
  • Mga bansang kanluranin na nagpaligsahan sa paggalugad sa ating daigdig noong unang yugto ng kolonyalismo at imperyalismo
    • France
    • Portugal
    • Spain
  • Sa pagpasok ng mga kanluranin sa ating bansa, isa ang pamumuhay sa maraming aspeto ng buhay nating mga Asyano ang nagbago
  • Polo y servicio

    Sapilitang pagtatrabaho ng mga lalaking may edad 16-60 ng mga Kastila
  • Opyo
    Halamang gamot na dinala ng mga Briton sa Tsina na kapag nasobrahan sa paggamit ay nakakasama sa kalusugan
  • United States ang bansang nagpanukala ng open door policy sa bansang Tsina
  • Dahil sa lokasyon nito na malapit sa India kaya naging interesado ang mga Briton sa Burma o Myanmar na ngayon
  • Kasunduang Kanagawa
    Kasundunduan na nilagdaan ng America at Japan, ng ang bansang Japan ay pinasok ng mga Amerikano
  • Indochina
    Pinagsamang India at China, ang mga bansang bumubuo rito ay Laos, Cambodia, at Vietnam
  • Mas marami ang nasakop ng mga bansang kanluranin sa Timog-Silangang Asya kabilang na ang ating bansa. Ang tributo ay isa sa naging mitsa upang ang ating mga ninuno ay ipaglaban ang ating kalayaan
  • Marami ang naging transpormasyon ng mga pamayanan at estado ng dumating ang mga Europeo sa Asya. Ito ay makikita sa ipinatayo nilang mga tulay, riles ng tren, at kalsada
  • Mayroong masamang epekto ang kolonyalismo sa mamamayan ng Silangan at Timog-Silangang Asya. Ngunit ang magandang kinalabasan nito ay umusbong o nagising ang damdaming makabayan ng mga Asyano
  • Bagamat may ilang masasamang epekto ang kolonyalismo sa Asya, mayroon din itong mahalagang papel na ginampanan. Mas nakatulong ang kolonyalismo sa edukasyon ng Timog-Silangang Asya dahil nakaagapay ang edukasyon sa pandaigdigang pamantayan
  • Mga paraan ng kolonisasyon

    • Komersyal na paraan
    • Militar na paraan
    • Lokal na kontroladong pagpapalawak
  • Kolonyalismo
    Dominasyon ng isang makapangyarihang nasyon-estado sa aspektong pampolitika, pangkabuhayan, at pangkultural sa pamumuhay ng mahina maliit na nasyon-estado upang maging pandaigdigang makapangyarihan
  • Colony
    Direktang kinokontrol at pinamamahalaan ng imperyalistang bansa ang kaniyang sakop
  • Itinuturing na dahilan ng paglaganap ng kolonyalismo at imperyalismo sa Asya
    • Pagpapalawak ng kapangyarihan
    • Pagkukunan ng hilaw na materyales
    • Panibagong ruta ng kalakalan
  • Si Sun Yat Sen ang tinaguriang "Ama ng Republikang Tsino"
  • Ang Rebelyong Taiping ay ang rebelyon kung saan layunin nitong mapabagsak ang dinastiyang Qing
  • Si Emperador Mutsuhito ay kilala sa pagyakap ng impluwensiyang kanluranin na kaniyang ginamit upang mapaunlad ang Japan
  • Walang pagkakaisa ang mga Tsino sa pakikipaglaban sa mga dayuhang Imperyalista kung kaya't bigo ang rebelyon ng mga Tsino laban sa mga dayuhan
  • Pluma at papel ang gin amit na instrumento ni Jose Rizal upang pukawin ang damdaming makabansa ng mga Pilipino
  • Magkakaiba ang kanilang mga ideolohiya kung kaya't magkatungggali ang dalawang Vietnam
  • Seda at tsaa ang popular na produkto ng Tsina na nagdulot ng interes sa Europa
  • Paghiling sa pagkakapantay-pantay ng mga Pilipino sa mga Kastila ang pangunahing layunin ng Kilusang Propaganda sa Pilipinas
  • Si Jose Rizal ang nanguna sa Kilusang Propaganda sa Pilipinas
  • Hinangad ng mga bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya na makalaya mula sa mga mananakop upang makabuo ng bagong sistemang panlipunan na magwawakas sa pananakop
  • Sa pagtaguyod ng makabansang samahan na naglalayong mapalaya ang kanilang bansa naipakita ng mga namuno sa Asya ang kanilang pagnanais na makalaya mula sa pananakop ng mga Kanluranin
  • Paghahangad ng kalayaan mula sa dayuhang pwersa ang pangunahing layunin ng Partido ng mga Nasyonalistikong Annamite sa Vietnam
  • Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang itinuturing na pinakamalawak, pinakamahal at pinakamadugong labanan sa kasaysayan ng sangkatauhan
  • Dahil isa ang ating bansa sa pinakamalaking base-militar ng mga Amerikano kaya tayo nilusob ng mga Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig
  • Noong Hulyo 4, 1946 kinilala ng Estados Unidos ang kalayaan ng PIlipinas
  • Awtoritaryanismo
    Uri ng pamahalaan na kung saan ang namumuno ay may lubos na kapangyarihan
  • Diktadurya
    Pamahalaang pinamumunuan ng isang diktador na hindi nalilimitahan ng anomang batas ang kanyang desisyon
  • Demokrasya
    Uri ng pamamahala na pantay-pantay ang karapatan ng mga tao, nasa kamay ng mga mamamayan ang kapangyarihan, at mayroong karapatan ang mga mamamayan na makilahok sa pulitika
  • Naapektuhan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang Silangan at Timog-Silangang Asya sa pag-angat ng malawakang kilusang nasyonalismo sa paraang lumakas ang nasyonalismo at dahil dito nakamit ang kalayaan
  • Pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig sa ilalim ng Kasunduang Pangkapayapaan ay pinuwersang pagbayarin ang Germany ng "reparations" o pagbabayad ng napakalaking halaga sa mga pinsalang idinulot nito pagkatapos ng digmaan
  • Ang naging mabuting epekto ng pagkakaroon ng pandaigdigang digmaan ay ang umigting ang damdaming nasyonalismo sa bawat bansang nasakop