PANITIKAN

Cards (63)

  • Maikling kwento
    Isang salaysay ng isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may isang kakintalan o impresyon
  • Maikling kwento
    • Kuwento ni Mabuti ni Genoveva Edroza-Matute
    • Bahay na Bato ni B.L. Rosales
    • Yumayapos ang Takipsilim ni Genoveva Edroza-Matute
    • Suyuan sa Tubigan ni Macario Pineda
    • Ang Pag-uwi ni Genoveva Edroza-Matute
    • Dugo at Utak ni Cornelio Reyes
  • Kuwento ni Mabuti
    • Binibigyang-diin ang katauhan o personalidad ng pangunahing tauhan
  • Bahay na Bato
    • Binibigyang-diin ang pagkakawing-kawing ng mga pangyayari
  • Yumayapos ang Takipsilim
    • Binibigyang-diin ang tagpuan at atmospera ng akda
  • Suyuan sa Tubigan
    • Binibigyang-diin ang paligid, kaayusang panlabas at kakanyahang pampook ng isang lugar o komunidad
  • Ang Pag-uwi
    • Binibigyang-diin ang kaisipan o ang makabuluhang diwang taglay
  • Dugo at Utak
    • Binibigyang-diin ang paraan ng pag-iisip ng pangunahing tauhan
  • Dula
    Uri ng panitikan na isinusulat upang itanghal sa entablado o tanghalan
  • Uri ng dula
    • Komedya
    • Trahedya
    • Melodrama
  • Komedya
    Paksa ay katawa-tawa
  • Trahedya
    Paksa ay tumatalakay sa kalungkutan ng pangunahing tauhan at karaniwang nagtatapos sa kanyang kamatayan
  • Melodrama
    Paksa ay tumatalakay sa kalungkutan at paghihirap ng mga tauhan ngunit nagwawakas sa kanilang tagumpay
  • Alamat
    Mga salaysaying nauukol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay, karaniwang hubad sa katotohanan
  • Pabula
    Mga salaysaying kinasasangkutan ng mga hayop, halaman at maging ng mga bagay na walang buhay na kumikilos at nagsasalita na wari ba'y tunay na mga tao, hubad din sa katotohanan ngunit may layuning pukawin ang isipan ng mga bata sa mga aral na makahuhubog sa kanilang kilos at pag-uugali
  • Parabula
    Mga kwentong hinango sa Banal na Kasulatan, may layunin din itong mag-iwan ng aral na kapaki-pakinabang sa buhay
  • Anekdota at maiikling salaysay

    May layuning umaliw o magbigay-aral sa mga mambabasa
  • Sanaysay
    Pagpapahayag ng kuru-kuro o opinyon ng isang may-akda hinggil sa isang suliranin o paksa
  • Uri ng sanaysay
    • Formal
    • Informal
  • Formal na sanaysay
    Paksa ay hindi karaniwan at nangangailangan ng matiyagang pag-aaral o pananaliksik
  • Informal na sanaysay
    Paksa ay karaniwan lamang at hindi na nangangailangan ng pag-aaral o pananaliksik, hugot sa sariling karanasan lamang ng isang may-akda o pagpapahayag lamang ng kanyang pansariling observasyon o pananaw
  • Talambuhay
    Kasaysayan ng buhay ng isang tao
  • Uri ng talambuhay
    • Pansarili
    • Paiba
  • Balita
    Paglalahad ng mga pang araw-araw na pangyayari sa lipunan, pamahalaan, sa mga lalawigan, sa ibayong dagat, maging sa industriya, kalakalan, agham, edukasyon, palakasan at pinilakang-tabing
  • Talumpati
    Isang pagpapahayag na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig, nauuri batay sa iba't ibang layunin
  • Layunin ng talumpati
    • Humikayat
    • Magbigay-informasyon
    • Magpaliwanag
    • Mangatwiran
    • Maglahad ng opinyon o paniniwala
    • Lumibang
  • Akdang patula
    May apat na uri: tulang pasalaysay, tulang pandamdamin o liriko, tulang padula o dramatiko at tulang patnigan
  • Tulang pasalaysay
    Kwento ng mga pangyayari at nasusulat nang patula, may sukat at tugma, nauuri ayon sa paksa, pangyayari at tauhan
  • Uri ng tulang pasalaysay
    • Epiko
    • Awit
    • Kurido
  • Epiko
    Tulang nagsasalaysay hinggil sa kabayanihan, katapangan at pakikipagsapalaran ng isang pangunahing tauhan sa gitna ng mga pangyayaring hindi kapani-paniwala
  • Awit at kurido
    Mga patulang salaysay na paawit kung basahin, pawang sa ibang bansa ang tagpuan ng mga pangyayari
  • Awit
    May taludtod na lalabindalawahing pantig
  • Kurido
    May wawaluhing pantig ang bawat taludtod
  • Tulang pandamdamin o liriko
    Mga tulang tumatalakay sa marubdob na damdamin na maaaring ng may-akda o di kaya'y ng ibang tao
  • Uri ng tulang pandamdamin o liriko
    • Awiting-bayan
    • Soneto
    • Elehiya
    • Dalit
    • Pastoral
    • Oda
  • Awiting-bayan
    Maiikling tulang binibigkas nang may himig, karaniwang nagpapasalin-salin sa iba't ibang henerasyon sa pamamagitan ng bibig ng tao
  • Soneto
    Tulang may labing-apat na taludtod hinggil sa damdamin at kaisipan at karaniwang naghahatid ng aral sa mambabasa
  • Elehiya
    Tulang nagpapahayag ng panimdim dahil sa pagyao ng isang minamahal
  • Dalit
    Tulang inaawit bilang pagpuri sa Diyos o sa Mahal na Birhen, nagtataglay ito ng kaunting pilosopiya sa buhay
  • Pastoral
    Mga tulang naglalarawan ng paraan ng pamumuhay sa kabukiran