mga gawain na nakatutulong sa pagpapaunlad ng mamamayan at bansa
Pangunahing Layunin ng Gawaing Pansibiko
makamit ang pangkalahatang kabutihan ng mga mamamayan
Ginagawa ang Gawaing Pansibiko nang...
may pagkukusa at katapatan na walang hinihintay na kapalit
Katangiang Taglay ng Mamamayang nakikilahok sa Gawaing Pansibiko
makabayan, makatao, produktibo, matibay ang loob, may tiwala sa sarili, matulungin, at makasandaigdigan
Civil Society
isang sektor ng lipunan na hiwalay sa pamahalaan na nakikiisa upang makatulong sa pagkamit ng mga adhikain at layunin tungo sa kabutihang panlahat
Mga Kasapi ng Civil Society
mga mamamayan na hindi umaasa sa pamahalaan
Tatlong Isyu na Pinagtutuunan ng Pansin ng Civil Society
katiwalian o kurapsyon, pagbabawas ng kahirapan, at pangangalaga sa kapaligiran
Grassroots Organization (People’s Organization)
bigyang-proteksyon ang interes ng mga kasapi nito
Non-Governmental Organization
suportahan ang mga programa ng mga People’s Organization
Mga Paglahok sa Gawaing Pansibiko ng Civil Society
Clean and Green Campaign
Feeding Program
Relief Goods Repacking at Distribution
Reforestation Program
pagboboluntaryo sa mga Day-Care Center at Health Center
Maliban sa pakikilahok sa Civil Society
ang pagtulong sa pagpaparating sa kinauukulan o pamahalaan ng mga kinakailangang gawin o mga isyu na dapat tugunan
pagkilos upang maiangat ang kalagayan ng kapwa Pilipino
Ang pangangalaga ng ating kapaligiran at paglinang ng ating mga pinagkukunang yaman
Paano ipaparating sa pamahalaan ang mga isyu na dapat tugunan
direktang idulog ito sa pamahalaan sa pamamagitan ng sulat na naglalaman ng nais iparating o paglapit sa mga organisasyon na naglalayong tulungan ang mga nangangailangan
Ano pinapakita ng pagkilos upang maingat ang kalagayan ng kapwa Pilipino?
pagdadamayan at pagtutulungan sa panahon ng krisis
Artikulo II, Seksiyon 1 ng Saligang Batas
”Ang Pilipinas ay isang estadong republikano at demokratiko. Ang ganap na kapangyarihan ay angkin ng sambayanan at nagmumula sa kanila ang lahat ng mga awtoridad na pampamahalaan”.
Paraan ng Pakikilahok sa Gawaing Politikal
Pakikilahok sa eleksyon sa pamamagitan ng pagboto.
Masidhing mga aksyon para igiit ang pagkakaroon ng isang mabuting pamahalaan.
Pagtulong sa pagtigil ng katiwalian at maling gawain sa pamahalaan.
Pagsunod sa batas
Epekto ng Politikal na Pakikilahok
1.Sa pamamagitan ng pagboto, mamamayan mismo ang nakakapagtakda ng kinabukasan ng ating bayan.
2. Nakakapaglunsad ng mga samahan ng mga mamamayang nakikilahok sa mga kilos protesta, lipunang pagkilos na tinatawag na civil society.
3. Nakapipili ang mamamayan ng mga opisyal ng pamahalaan na sa tingin nila ay makapaglilingkod nang maayos at marangal sa bayan.
4. Malayang naipapahayag ang saloobin
Paraan ng Pakikilahok sa Gawaing Pansibiko ng Kabuhayan
1.Kailangan maging produktibo upang makatulong sa pag-unlad at pagsulong ng ating bansa.
2. Maging isang aktibong mamamayan
nagtatrabaho ng maayos at sa tamang paraan
pinagbubuti ang anumang gawain sa abot ng kanyang makakaya at may pagkukusa
3. Natatapos nang maayos ang mga gawain sa tamang oras sa kapaki-pakinabang na gawain.
4. Paglinang ng sariling katalinuhan at kakayahan.
5. Pagmamahal sa bansa at kapwa Pilipino
Epekto ng Pakikilahok sa Pansibikong Gawain sa Kabuhayan
Madaling maisasagawa ang mga gawain at proyekto kung lahat ng mga mamamayan ay nakikilahok sa mga gawaing pansibiko at nagtutulungan.
2. Ang pagtutulungan ay nakakapagbuklod sa atin. Nagiging daan ito upang tayo ay magkaisa. Sa ganitong paraan, mas madaling makamit ang mithiing umunlad ang pamumuhay sa bansa.
Epekto ng Pakikilahok ng Mamamayan
a.Nabibigyan ng agarang lunas ang mga isyu sa lipunan.
b. Pangmatagalang epekto ng mga gawain at proyekto
Pamahalaan
isang institusyon na tumutugon sa mga pangangailangan ng mga mamamayan
gubernare
salitang Latin na pinagmulan ng “pamahalaan” na may kahulugan na to steer, to pilot, to rule, to direct o to guide
Pangunahing Gampanin ng Pamahalaan
pagbibigay ng edukasyon para sa lahat
pagkakaroon ng programang pangkalusugan
paggawa ng paraan sa kaayusan, katahimikan at ligtas na pamumuhay para sa lahat
pagtakda ng mga batas
ipinatutupad para sa kabutihang panlahat
Artikulo II, Seksiyon 1 ng 1987 Konstitusyon
“Ang Pilipinas ay isang demokratiko at republikanong estado. Nasa mga mamamayan ang kapangyarihan nito at nagmumula sa kanila ang buong pamunuan ng pamahalaan.”
ang mga mamamayan ay may karapatang pumili o bumoto ng malaya sa nais niyang kandidato na sa kanyang palagay ay kwalipikado sa posisyon
SANGAY EHEKUTIBO (TAGAPAGPAGANAP)
binubuo ng Pangulo at Pangalawang Pangulo na inihalal ng nakararami
magsisilbi sa loob ng 6 na taon
katuwang ang Kalihim ng mga Kagawaran o Cabinet Secretaries
bumubuo sa malaking bahagi ng burukrasya ng bansa
siyang nagpapatupad ng batas
SANGAY NG LEHISLATURA (TAGAPAGBATAS)
pangunahing layunin ay gumawa, mag-amyenda, at magsawalang-bisa ng mga batas
kapangyarihang gamit ng Kongreso ng Pilipinas
Senado/Senate (Upper House o Mataas na Kapulungan)
binubuo ng 24 senador at maaaring manungkulan ng 6 na taon
Kapulungan ng mga Kinatawan/House of Representatives (Lower House o Mababang Kapulungan)
binubuo ng higit 250 na Kinatawan o Congressman, na galing sa lungsod, bayan,lalawigan at distrito
SANGAY NG HUDIKATURA (PANGHUKUMAN)
may kapangyarihang lutasin ang mga sigalot sa pagpapatupad ng mga karapatang nakasaad sa batas
hinahatulan kung nagkaroon o hindi ng matinding pang-aabuso sa pagpapasya, na katumbas ng kakulangan o kalabisan ng kapangyarihan, sa panig ng pamahalaan
binubuo ito ng Korte Suprema at mga nakabababang hukuman.
nagpapaliwanag sa pagpapatupad ng batas
tungkulin na mabigyan ng proteksyon ang mga mamamayan laban sa pang-aapi at kawalan ng katarungan.
Pamamahala o Governance
isang paraan o proseso ng pamumuno, pagpaplano, pagpapasya at pagpapatupad ng mga desisyong pampolitika, pang-ekonomiya at pang-administribo
isang istraktura ng awtoridad, responsibilidad at pananagutan sa isang samahan
Dalawang Proseso ng Pamamahala
Paggawa ng desisyon at Pagpapatupad ng desisyon
Aktor (kasangkot)
isang sektor, grupo o institusyon na lumahok sa proseso ng paggawa at pagpapatupad ng desisyon
Istraktura
mekanismo o sistema na gumagabay sa proseso ng paggawa at pagpapatupad ng desisyon
Mamamayan o citizen
isang tao na kabilang sa isang bansa.
isinasaad sa Saligang Batas 1987 Artikulo IV, Sek. I
Pamamahala
tumutukoy sa gobyerno o pamahalaan na mayroong pinakamahalagang papel o may kapangyarihang gampanin sa lipunan
1980 – pinalawak pa ito ng mga eksperto, hindi lamang partisipasyon ng pamahalaan ang tumutukoy sa pamamahala
Gobyerno
isang instrumento lamang para sa hangarin ng pamamahala.
TATLONG SEKTOR NA KASAMA NG PAMAMAHALA
Sektor ng publiko (institusyon ng estado)
Pribadong sektor (mga sambahayan at kumpanya)
Lipunang sibil (mga hindi samahang pang-gobyerno)
Participatory Governance
tumutukoy sa aktibong pakikilahok ng mamamayan
Sa Participatory Governance...
nabibigyan ng pagkakataon ang bawat isa na maging konektado