PAGBASA AT PAGSULAT 4TH QUARTER

Cards (58)

  • Pagbasa at Pagsuri
    Malalimang pagtalakay sa isang tiyak at naiibang paksa
  • Sulating Pananaliksik
    Malalimang pagtalakay sa isang tiyak at naiibang paksa
  • Hakbang sa Pananaliksik
    1. Pagpili ng Paksa
    2. Hanguan upang makabuo ng paksa
    3. Alamin ang Layunin ng Susulatin
    4. Magtala ng mga paksang pagpipilian
    5. Pagsusuri ng pananaliksik sa Filipino
  • Hanguan upang makabuo ng paksa
    • Internet at Social Media
    • Telebisyon
    • Mga babasahin
    • Mga pangyayari sa paligid
    • Sarili
  • Pagsusuri ng pananaliksik sa Filipino
    • Layunin
    • Gamit ng pananaliksik
    • Metodo
    • Etika
  • Pagkilala sa pinagmulan ng pananaliksik
  • Boluntaryong partipasyon ng mga kalahok
  • Pagiging kumpidensyal at pagkukubli sa pagkakakilanlan ng mga kalahok
  • Pagbabalik at paggamit sa resulta ng pananaliksik
  • Pagbibigay-Kahulugan sa mga Konseptong Kaugnay ng Pananaliksik
    Isang eksposisyon na tumatalakay o naglalahad ng depinisyon o kahulugan sa isang salita
  • Ayon kina Grant at Osaloon (2014) sa jornal ni Adom (2018), ang balangkas ay nagsisilbing 'blueprint' o gabay sa pananaliksik
  • Ito ay mahalagang bahagi ng pananaliksik upang matiyak ang landas na tinutungo habang ginagawa ang papel at maiwasan ang paglihis sa paksang napili
  • Balangkas Teoretikal
    Nakabatay sa mga umiiral na teorya sa iba't ibang larang na may kaugnayan o repleksiyon sa layunin o haypotesis ng pananaliksik
  • Akintoye (2015) sa parehong jornal na mahalaga ang teoretikal na balangkas upang matulungan ang mananaliksik sa paghahanap sa angkop na dulog, analitikal na kaparaanan, at mga hakbangin ukol sa katanungan o layunin ng saliksik na ginagawa
  • Mga punto na maaaring gamitin sa paghahanap ng teoretikal na balangkas
    • Pagtukoy sa pangunahing layunin ng paksa
    • Alamin ang mga pangunahing baryabol ng ginagawang saliksik
    • Pagbabasa at pagbabalik-aral sa mga kaugnay na literatura ng iyong paksa
    • Pagtatala ng kabuoan at baryabol na maaaring makaapekto sa paksa
    • Pagsipat sa iba pang mga baryabol na kaugnay ng paksa
    • Pagrerebisa ng saliksik habang idinadagdag ang salitang teorya
    • Pag-iisa-isa sa mga teoryang nasaliksik at kaugnayan nitó sa iyong papel
    • Pagtingin sa iba pang teorya na humahamon sa perspektibo ng napiling teorya
    • Pagsasaisip ng mga limitasyon ng napiling teorya
  • Isang halimbawa ng teorya
    • Attachment Theory ni John Bowlby (1971) na ginamit sa pananaliksik na pinamagatang Mga Batas ukol sa Child Abuse ni Abadejos
  • Balangkas Konseptuwal
    Naglalaman ng konsepto ng mananaliksik hinggil sa pag-aaral na isinasagawa
  • Ito ang pangunahing tema at panuntunan ng pagsisiyasat
  • Ang nasabing balangkas ay ipinakikita sa isang paradigma ng pananaliksik na kailangan maipaliwanag nang maayos
  • Isinaad naman nina Grant at Osanloo (2014) na ito ay naglalahad ng estruktura na nagpapakita kung paano binibigyang-kahulugan ng mananaliksik ang pilosopikal, epistemolohikal, metodolohikal, at analitikal ang kaniyang ginagawang pananaliksik (Adom, 2018)
  • Ito rin ay pinagsama-samang magkakaugnay na konsepto upang maipaliwanag o masagot ang haypotesis ng ginagawang saliksik (Imenda, 2014)
  • Sapagkat ito ay magkakaugnay na konsepto, ito ay dapat na nakaayos sa lohikal na estruktura sa tulong ng larawan o biswal na nagpapakita ng pagkakaugnay ng mga idea (Grant at Osanloo, 2014)
  • Halimbawa, ang iyong paksa ay ukol sa "Mga Paraan sa Pag-iingat sa Kalikasan,"
    • Iba't ibang konsepto na nabuo ng mga mananaliksikupang masukat ang kanilang baryabol ukol sa "paraan sa pag-iingat"
  • Datos Empirikal
    Mga impormasyong nakalap mula sa kombinasyon ng dalawa o higit pang metodo ng pananaliksik (obserbasyon, pakikipanayam, at/o ekperimentasyon, atbp.)
  • Tatlong uri ng datos empirikal
    • Tekstuwal
    • Tabular
    • Grapikal
  • Tekstuwal
    • Ayon sa UNESCO (2020) 87% o 1.5 bilyon na mag-aaral ang naapektuhan nang dahil sa 2019 N Corona Virus sa buong mundo at 28 milyon naman ang naapektuhan sa Pilipinas
  • Tabular
    • Talahanayan
  • Grapikal
    • Line graph
    • Pie graph
    • Bar graph
  • Balangkas
    Kalansay ng mga ideya na pinagbabatayan ng aktuwal na proyektong gagawin
  • Nagsisilbing gabay upang masagot ng mananaliksik ang dalawang mahalagang tanong
  • Mga tanong na masasagot ng balangkas
    • Ano-ano ang mga bagay na alam ko na o nasasaliksik ko na at maaari ko nang i-organisa patungkol sa aking paksa?
    • Ano- ano ang mga batas o impormasyon ang wala pa o kulang pa at kailangan ko pang saliksikin?
  • Bakit mahalaga ang pagsusulat ng balangkas?
    • Higit na mabibigyang-diwa ang paksa
    • Nakapagpapadali sa proseso ng pagsulat
    • Nakatutukoy ng mahihinang argumento
    • Nakakatulong maiwasan ang writer's block
  • Uri ng Balangkas
    • Paksa o Papaksang balangkas (Topic Outline)
    • Papangungusap na Balangkas (Sentence Outline)
    • Patalatang Balangkas
  • Bahagi ng Balangkas ng Pananaliksik
    • Rasyunal
    • Pangkalahatang Layunin
    • Suliranin ng Pag-aaral
    • Hypothesis
  • Bibliyograpiya
    Talaan o listahan ng mga sangguniang ginamit sa pananaliksik
  • Hakbang sa Paggawa ng Pansamantalang Bibliyograpiya

    1. Maghanda ng mga index card
    2. Isulat sa mga index card ang mahahalagang impormasyon ng iyong sanggunian
    3. Isaayos ang mga index card ng paalpabeto ayon sa may
  • Paksa
    Ang pag-aaral na gagawin
  • Pangkalahatang Layunin
    Paglalatag ng nais tunguhin ng mismong pag-aaral na nakaugnay sa rasyunal
  • Suliranin ng Pag-aaral
    Mga isyu, haka-haka, at mga pangyayari tungkol sa Pagbasa at Pagsuri paksa na dapat bigyang kasagutan
  • Hypothesis
    Palagay ukol sa isyu, nasa unang bahagi ng pananaliksik