Naratibo

Cards (14)

  • Tekstong Naratibo
    Pasalaysay o pagkukuwento ng mga pangyayari sa isang tao o mga tauhan, nangyari sa isang lugar at panahon o isang tagpuan na may maayos na pagkakasunod-sunod mula sa simula hanggang katapusan
  • Layunin ng Tekstong Naratibo

    • Makapagsalaysay ng mga pangyayaring nakapanlilibang o nakapagbibigay-aliw o saya
    • Nakapagtuturo ng kabutihang asal o mahalagang aral
  • Mga katangian ng Tekstong Naratibo
    • May iba't-ibang pananaw (Point of View)
    • May Paraan ng Pagpapahayag ng Diyalogo, Saloobin, o Damdamin
  • Pananaw (Point of View)

    • Unang Panauhan
    • Ikalawang Panauhan
    • Ikatlong Panauhan
  • Direkta o Tuwirang Pagpapahayag

    Ang tauhan ay direktang nagsasabi ng kanyang saloobin o damdamin at ginagamitan ng panipi ("")
  • Di-tuwirang Pagpapahayag

    Ang tagapagsalaysay ang naglalahad sa sinasabi, iniisip, o nararamdaman ng tauhan
  • Mga Tauhan sa Tekstong Naratibo

    • Pangunahing Tauhan
    • Katunggaling Tauhan
    • Kasamang Tauhan
    • Ang May-akda
  • Tauhang Bilog (Round Character)

    • Katangian na katulad din ng isang totoong tao
    • Nagbabago ang katauhan sa loob ng akda
  • Tauhang Lapad (Flat Character)

    Tauhang hindi nagbabago ang pagkatao mula simula hanggang katapusan
  • Mga Elemento ng Tekstong Naratibo

    • Tauhan
    • Tagpuan at Panahon
    • Banghay (Plot)
  • Balangkas ng Isang Naratibo

    • Panimula (Orientation/Introduction)
    • Suliranin (Problem)
    • Pataas na Aksiyon (Rising Action)
    • Kasukdulan (Climax)
    • Pababang Aksiyon (Falling Action)
    • Wakas (Ending)
  • Anachrony
    Pasalaysay na hindi nakaayos sa tamang pagkakasunod-sunod
  • Uri ng Anachrony

    • Analepsis (Flashback)
    • Prolepsis (Flashforward)
    • Ellipsis
  • Paksa o Tema
    Ideya kung saan umiikot ang pangyayari