TAUHAN

Cards (30)

  • Don Crisostomo Magsalin Ibarra - Binatang nag-aaral sa Europa. Kababata at kasintahan ni Maria Clara.
  • Maria Clara delos Santos - Kasintahan ni Ibarra na kumakatawan sa isang uri ng Pilipinang lumaki sa kumbento at nagkaroon ng edukasyong nakasalig sa doktrina ng relihiyon.
  • Elias - Isang piloto/bangkero at magsasakang tumulong kay Crisostomo Ibarra para makilala ang kaniyang bayan ay gayundin ang mga suliranin nito.
  • Pilosopong Tasyo - Siya ay isang iskolar na nagsisilbing tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego. Taglay niya ang katangian ni Rizal na mapagpuna sa mga pangyayari sa paligid. May mga kaisipan siyang una kaysa sa kanyang panahon kaya't hindi siya maunawaan ng marami.
  • Padre Damaso - Isang kurang Pransiskano na dating kura ng San Diego at siya ring nagpahukay at nagpalipat sa bangkay ni Don Rafael Ibarra sa libingan ng mga Intsik. Halimbawa siya ng isang taong madaling mauto at marupok ang kalooban sa mga papuring hindi sadyang nagmumula sa puso ng nagpaparangal.
  • Don Santiago "Kapitan Tiago" delos Santos - Isang mayamang mangangalakal na taga-Binondo na asawa ni Pia Alba at ama ni Maria Clara.
  • Don Rafael Ibarra - Ama ni Crisostomo Ibarra na namatay sa bilangguan. Siya ay labis na kinainggitan ni Padre Damaso dahilan sa yamang kanyang tinataglay. Ito ang dahilan kung bakit siya ay pinaratangang erehe ng pamahalaan.
  • Sisa - Ang mapagmahal na ina nina Basilio at Crispin na may asawang pabaya at malupit. Isang inang walang nalalaman kundi ang umibig at umiyak na lamang.
  • Padre Bernardo Salvi - Kurang pumalit kay Padre Damaso sa San Diego.
  • Padre Hernando Sibyla - Isang paring Dominikano na lihim na sumusubaybay sa bawat kilos ni Crisostomo Ibarra.
  • Basilio - Nakatatandang anak ni Sisa na isang sakristan at tagatugtog ng kampana sa kumbento
  • Crispin - Bunsong kapatid ni Basilio na isa ring sakristan at kasama ring tumutugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego
  • Alperes - Siya ang puno ng mga guwardiya sibil at siya ring mahigpit na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego.
  • Donya Consolacion - Siya ay isang dating labanderang malaswa kung magsalita na naging asawa ng alperes.
  • Donya Victorina de Espadaña - Isang babaeng punong-puno ng kolorete sa mukha dahil sa kanyang pagpapanggap bilang isang mestisang Espanyol.
  • Don Tiburcio de Espadaña - Siya ay pilay at bungal na Kastilang nakarating sa Pilipinas dahil sa kanyang paghahanap ng magandang kapalaran. Naging asawa siya ni Donya Victorina.
  • Alfonso Linares - Binatang napili ni Padre Damaso na maging asawa ni Maria Clara. Siya ay malayong pamangkin ni Don Tiburcio.
  • Tiya Isabel - Siya ang hipag ni Kapitan Tiago na nag-alaga kay Maria Clara simula nang siya ay sanggol pa lamang.
  • Donya Pia Alba delos Santos - Siya ang ina ni Maria Clara na sa loob ng anim na taon ng kanilang pagsasama ng kanyang kabiyak na si Kapitan Tiago ay hindi nagkaanak.
  • Kapitan-Heneral - Ang pinakamakapangyarihang opisyal at kinatawan ng Hari ng Espanya sa Pilipinas.
  • Tenyente Guevarra - Isa sa matatapat na kaibigan ni Don Rafael Ibarra. Siya rin ang tenyente ng guardia civil na nagkuwento kay Crisostomo Ibarra ng totoong sinapit ng kanyang ama.
  • Kapitan Basilio - sa mga naging kapitan ng bayan ng San Diego na naging kalaban ni Don Rafael sa isang usapin sa lupa. Siya rin ang ama ni Sinang.
  • Don Filipo Lino - Siya ay isang tenyente mayor na kaibigan ni Pilosopo Tasyo at asawa ni Donya Teodora Vina.
  • Lucas - Isang Indio na kapatid ng tauhang namatay sa pagbagsak ng kabriya sa ipinatatayong gusali ng paaralan ni Crisostomo Ibarra.
  • Don Saturnino Ibarra - Nuno ni Crisostomo Ibarra na kinikilalang naging dahilan ng pagkasawi ng nuno ni Elias.
  • Don Pedro Ibarra - Nuno ni Crisostomo Ibarra.
  • Kapitana Maria - Tanging babaeng maka- bayang pumapanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa alaala ng ama.
  • Maestro Nol Juan - Siya ang tagapamahala ni Crisostomo Ibarra sa pagpapagawa ng kanyang paaralan.
  • Kapitan Pablo - Siya ang puno ng mga fulisan at itinuturing na ama ni Elias.
  • Salome - Siya ay isang simpleng dalagang naninirahan sa isang kubong matatagpuan sa loob ng kagubatan. Siya ang babaeng natatangi sa puso ni Elias.