preliminaryo

Cards (16)

  • Flyleaf 1

    Ang pinakaunang pahina ng pamanahong papel. Walang nakasulat sa pahinang ito samadaling salita blangkong papel ito.
  • Pamagating Pahina

    Ito ay nagpapakilala sa pamagat ng pamanahong papel. Nakasaad din dito kung kanino iniharap o ipinasa ang papel, kung saang asignatura ito pangagailangan, kung sino ang gumawa at komplesyon. Nagmukhang inverted pyramid ang pagkakaayos nito.
  • Dahong Pagpapatibay

    Ang tawag sa pahinang kumukumpirma sa pagkakapasa ng mananaliksik at pagkakatanggap ng guro ng pamanahong-papel.
  • Pasasalamat o Pagkilala
    Tinutukoy rito ang sinumang nakatulong ng mananaliksik sa pagsasagawa ng pananaliksik gayo'y nararapat na pasalamatan.
  • Talaan ng Nilalaman

    Nakaayos ang pagbabalangkas ng mga bahagi at nilalaman ng pamanahong papel at nakatala ang kaukulang bilang ng pahina kung saan matatagpuan ang bawat isa.
  • Talaan ng Talahanayan o graf
    Nakatala ang pamagat ng bawat talahanayan at/o graf na nasa loob ng pamanahong-papel at ang bilang ng pahina kung saan matatagpuan ang bawat isa.
  • Flyleaf 2
    Isang blangkong papel o pahina bago ang katawan ng pamanahong papel.
  • MGA BAHAGI NG IMRAD NA PORMAT NG PANANALIKSIK

    • Rasyonale
    • Kaugnay na literatura
    • Kaugnay na pag-aaral
    • Konseptuwal na balangkas
    • Paglalahad ng mga suliranin
    • Haypotesis
    • Kahalagahan ng pag-aaral
    • Saklaw at delimitasyon ng pag-aaral
  • Rasyonale
    Ito ang bahagi na nagsasaad sa kasaysayan o dahilan kung bakit napiling talakayin ang isang paksa. Mababasa rito ang kahalagahan at kabuluhan ng paksa gayundin ang mga layunin ng mananaliksik sa patalatang paraan.
  • Kaugnay na literatura

    Nagsasaad ng mga batayang artikulo na may kaugnayan sa isinasagawang pananaliksik.
  • Kaugnay na pag-aaral
    Nagsasaad ng mga batayang pag-aaral, tesis, o maaaring disertasyon na may kaugnayan sa isinasagawang pananaliksik.
  • Konseptuwal na balangkas

    Ito ay mas tiyak tungkol sa ugnayan sa pagitan ng mga baryabol, at ito ay naiiba sa tradisyonal na teoretikal na balangkas. Ito ay maaaring nakatuon sa sanhi at epekto ng mga relasyon sa pagitan ng dalawa o higit pang mga baryabol. Isinasaad ang input, proseso at awtput ng pananaliksik
  • Paglalahad ng mga suliranin
    Ito ang pinakasentro ng pananaliksik, mga tanong na dapat masagot ng pag-aaral na isinasagawa.
  • Haypotesis
    Ito ay mga palagay o prediksyon na binubuo kaugnay ng kalalabasang pag-aaral.
  • Kahalagahan ng pag-aaral

    Iniisa-isa ang kahalagahan ng pag-aaral sa mga ispesipikong tao, institusyon, mamamayan o samahan.
  • Saklaw at delimitasyon ng pag-aaral

    Napadadali nito ang paghahanap ng datos matapos maitakda ang pokus, sakop at delimitasyon ng pag-aaral.