AP

Subdecks (2)

Cards (34)

  • Ang citizenship (pagkamamamayan)

    Ang kalagayan o katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang pamayanan o estado
  • Ang lipunan ng kabihasnang Griyego
    • Binubuo ng mga lungsod-estado na tinatawag na polis
    • Binubuo ng mga indibidwal na may iisang pagkakakilanlan at iisang mithiin
    • Ang pagiging mamamayan ay may kaakibat na mga Karapatan at tungkulin
  • Ang citizenship sa kasalukuyan

    • Isang ligal na kalagayan ng isang indibiduwal sa isang nasyon-estado
    • Ugnayan ng isang indibiduwal at ng estado
    • Tumutukoy sa pagiging miyembro ng isang indibiduwal sa isang estado kung saan bilang isang citizen, siya ay ginawaran ng mga karapatan at tungkulin
  • Mga mamamayan ng Pilipinas
    • Yaong mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng Konstitusyong ito
    • Yaong ang mga ama o mga ina ay mamamayan ng Pilipinas
    • Yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga ina ay Pilipino, na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa karampatang gulang
    • Yaong mga naging mamamayan ayon sa batas
  • Katutubong inianak na mamamayan
    Mamamayan ng Pilipinas mula pa sa pagsilang na wala nang kinakailangang gampanang ano mang hakbangin upang matamo o malubos ang kanilang pagkamamamayang Pilipino
  • Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring mawala o muling matamo sa paraang itinatadhana ng batas
  • Dalawang Prinsipyo ang Pagkamamamayan

    • Jus sanguinis
    • Jus soli o jus loci
  • Jus sanguinis
    Ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabase sa pagkamamamayan ng isa sa kaniyang magulang
  • Maaring magkaroon ng dalawang pagkamamamayan (Dual Citizenship) ang isang indibidwal sa pamamagitan ng isang legal na proseso na tinatawag na Naturalisayon
  • Mga dahilan kung bakit maaaring mawala ang pagkamamamayan ng isang indibidwal
    • Kung siya ay sasailalim sa proseso ng naturalisasyon sa ibang bansa
    • Ang panunumpa ng katapatan sa Saligang- Batas ng ibang bansa
    • Tumakas sa hukbong sandatahan ng ating bansa kapag may digmaan
    • Nawala na ang bisa ng naturalisasyon
  • Artikulo 4
    Ang ikaapat na artikulo ng Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas na nagpapahayag tungkol sa pagkamamamayan
  • Mga mamamayan ng Pilipinas
    • Yaong mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng Konstitusyong ito
    • Yaong ang mga ama o mga ina ay mamamayan ng Pilipinas
    • Yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga ina ay Pilipino, na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa karampatang gulang
    • Yaong mga naging mamamayan ayon sa batas
  • Katutubong inianak na mamamayan

    Mamamayan ng Pilipinas mula pa sa pagsilang na wala nang kinakailangang gampanang ano mang hakbangin upang matamo o malubos ang kanilang pagkamamamayang Pilipino
  • Yaong mga nagpasiya na maging mamamayang Pilipino ayon sa Seksiyon 1, Talataan 3 nito ay dapat ituring na katutubong inianak na mamamayan
  • Pagkamamamayang Pilipino

    Maaaring mawala o muling matamo sa paraang itinatadhana ng batas
  • Mananatiling angkin ang kanilang pagkamamamayan ng mamamayan ng Pilipinas na mag-asawa ng mga dayuhan, matangi kung sa kanilang kagagawan o pagkukulang, sila ay ituturing, sa ilalim ng batas, na nagtakwil nito
  • Ang dalawahang katapatan ng mamamayan ay salungat sa kapakanang pambansa at dapat lapatan ng kaukulang batas