Lumalawak na Pananaw ng Pagkamamamayan

Cards (8)

  • Pagkamamamayan
    Pagbubuklod sa mga tao para sa ikabubuti ng kanilang lipunan
  • Pagkamamamayan ng isang indibiduwal

    Pagtugon sa kaniyang mga tungkulin sa lipunan at paggamit ng kaniyang mga karapatan para sa kabutihang panlahat
  • Tinitingnan ng indibiduwal na siya ay bahagi ng isang lipunan kasama ang ibang tao
  • Mamamayan
    Hindi lamang magiging tagamasid sa mga pagbabagong nagaganap sa lipunan, kundi aktibong kalahok sa pagtugon sa mga isyung kinakaharap ng lipunan at sa mas malawak na layunin ng pagpapabuti sa kalagayan nito
  • Lumawak na pananaw ng pagkamamamayan
    Iginiit ng isang mamamayan ang kaniyang mga karapatan para sa ikabubuti ng bayan, at gagamitin ang pamamaraang ipinahihintulot ng batas upang iparating sa mga kinauukulan ang kaniyang mga hinaing at saloobin
  • Ang mamamayan ngayon ay hindi tagasunod lamang sa mga ipinag-uutos ng pamahalaan, at hindi niya inaasa sa pamahalaan ang kapakanan ng lipunan, kundi nakikipagdiyalogo rito upang bumuo ng isang kolektibong pananaw at tugon sa mga hamong kinakaharap ng lipunan
  • Mga katangian ng isang mabuting mamamayan

    • Makabayan
    • May pagmamahal sa kapuwa
    • May respeto sa karapatang pantao
    • May pagpupunyagi sa mga bayani
    • Gagap ang mga karapatan at tungkulin bilang mamamayan
    • May disiplina sa sarili
    • May kritikal at malikhaing pag-iisip
  • Mga simpleng hakbangin na maaaring gawin ng bawat isa

    • Sumunod sa batas-trapiko
    • Laging humingi ng opisyal na resibo sa anumang binibili
    • Huwag bumili ng mga bagay na smuggled. Bilhin ang mga lokal na produkto. Bilhin ang gawang-Pilipino
    • Positibong magpahayag ng tungkol sa atin gayundin sa sariling bansa
    • Igalang ang nagpapatupad ng batas-trapiko, pulis at iba pang lingcod bayan
    • Itapon nang wasto ang basura. Ihiwalay. Iresiklo. Pangalagaan
    • Suportahan ang inyong simbahan
    • Tapusin nang may katapatan ang tungkulin sa panahon ng eleksiyon
    • Maglingkod nang maayos sa pinapasukan
    • Magbayad ng buwis
    • Tulungan ang isang iskolar o isang batang mahirap
    • Maging mabuting magulang. Turuan ng pagmamahal sa bayan ang mga anak