Mga karapatan ng mamamayan na nakalahad sa Saligang-Batas
Ang mga karapatang pantao ay nagsisilbing pundasyon ng estado sa paggawa ng mga batas at polisiya upang palakasin at mapangalagaan ang pagkamamamayan ng mga Pilipino
Tungkulin ng pamahalaan
Ipagkaloob ang paggalang sa bawat indibiduwal, proteksiyon laban sa pang-aabuso ng mga karapatang ito, at pagsagawa ng mga positibong aksiyon upang lubos na matamasa ng mamamayan ang ginhawang dulot ng mga karapatang pantaong ito
Antas ng kamalayan ng mamamayan sa pag-unawa at pagsasakatuparan ng kanilang mga karapatang pantao
Pagpapaubaya at Pagkakaila
Kawalan ng pagkilos at interes
Limitadong Pagkukusa
Militance, Pagsasarili, at Pagkukusa
Ang pagkakaroon ng kaalaman sa mga karapatang pantao ng mamamayan ay hindi dapat nagwawakas o tumitigil sa pagtukoy lamang ng mga karapatang ito
Tungkulin din ng mamamayan na isa-alang-alang at isakatuparan ang mga karapatang pantao upang maging aktibo ang mamamayan at matutong makiisa at makialam sa mga nangyayari sa kanilang lipunan
Maliban sa pagiging malaya, pinalalawak pa ng iba pang nakapaloob na karapatang pantao ang perspektiba ng tao na maging aktibong mamamayan
Hindi lamang mahalaga ang pagkakaroon ng kaalaman sa mga karapatang pantao kundi ang aktuwal na paggiit at pagsasakatuparan ng mga karapatang ito ang nararapat na mangibabaw
Ang paggiit ng mga karapatang pantao ay isang paraan ng pagtutugunan ng mga mamamayan sa mga nangyayari sa kanilang paligid para sa kapakanan ng lahat