FILIPINO - EXAMINATION REVIEWER

Cards (13)

  • Ang nagbunsod kay Dr. Jose Rizal na sumulat ng isang nobelang naglalarawan ng mga kaapihan ng mga Pilipino sa mga kamay ng mga kastila ay ang pagkabasa niya ng Uncle Toms Cabin tungkol sa kawawang karanasan ng mga aliping Negro sa Amerika. Masasabing ang akdang ito ang siyang naging inspirasyon sa pagsulat ni Rizal ng Noli Me Tangere.
  • Kabilang sa mga layunin ni Rizal sa pagsulat ng nobela ay paharapin ang mga Pilipino sa salamin.
    Liwanagin ang kakanyahyan ng tunay na pananampalataya o relihiyon.
  • Siya ang nagpahiram ng pera kay Rizal upang malimbag ang nobelang Noli Me Tangere.
    Maximo Viola
  • Ang nobelang Noli Me Tangere ay isang uri ng nobelang panlipunan.
  • Sinasabing siya ang pinaghalawan ni Rizal sa katauhan ni Maria Clara sa nobela.
    Leonor Rivera
  • Noong panahong naisulat ni Rizal ang kaniyang nobela, maraming mga prayle ang nagsulat ng polyeto upang ipakalat sa mga Pilipino, Isa na rito ay ang polyeto ni Padre Rodriguez na "Caingat Cayo", tinapatan naman ito ng ating bayani na may pamagat na "Caiigat Cayo". Sino ang may akda nito?
    Marcelo H. Del Pilar
  • Ipinagpapalagay ni Donya Victorina na siya ang pinakamagandang babae sa kanyang kapanahunan. Kaya't naging mapili sa kanyang mapapangasawa nang kanyang makilala si Don Tiburcio siya ay agad na nagpakasal sa lalaki. Anong pangunahing dahilan kung bakit ninais ni Donya Victorina si Don Tiburcio?
    Kainggitan ng kanyang kababayan.
  • Anong sistema ng pamahalaan sa panahon ni Rizal ang dapat manatili sa kasalukuyan?
    Pagbibigay ng mga karapatan sa mga Pilipino ng pagganap sa bawat kapulugan.
  • Alin sa mga sumusunod na kanser ng lipunan ang HINDI ipinakita sa nobelang Noli Me Tangere?
    • (A) Pananakot ng mga prayle sa mga Pilipino ukol sa mga turo ng simbahan.
    • (B) Kawalang pansin sa kahalagahan ng edukasyon.
    • (C) Pang-aabuso sa mga kababaihan.
    • (D) Pagpapautang nang may patubo sa kapwa.
    D.
  • Sa panahon ng pagsulat ni Rizal sa nobelang Noli Me Tangere, maraming Pilipino ang hindi nakatatanggap ng maayos na pakikitungo mula sa mga kastila dahil sila ay mga Pilipino ay itinuturing na mangmang. Anong kondisyon panlipunan ang nararanasan ng mga Pilipino ayon sa nabanggit?
    Diskriminasyon
  • Isa rin sa mga naranasan ng mga Pilipino ay ang pagtawag sa kanila bilang isang indiyo na nangangahulugang mangmang dahil sa kawalan ng pagkakataon na makapag-aral. Anong kondisyong panlipunan ang nararanasan ng mga Pilipino batay sa nabanggit?
    Kawalan ng edukasyon
  • Bago maisulat ni Rizal ang nobela, ilan sa mga pinagbatayan niya sa pagsulat ay ang pagmamalabis na ginawa ng mga kastila sa karapatan ng mga Pilipino lalo na sa usapin lupa. Anong kondisyong panlipunan ang nararanasan ng mga Pilipino batay sa nabanggit?
    Korapsyon
  • Ang Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal ay hango sa salitang Latin na nangangahulugang Huwag mo akong salingin.