Araling Panlipunan

Cards (54)

  • Ang mga Mayan, ang isa sa mga pangkat ng tao at
    kabihasnang naimpluwensiyahan ng mga Olmec.
  • Sa rurok nito, nakapaloob sa Kabihasnang Maya ang
    humigit-kumulang 10 milyong katao na naninirahan
    sa 40 siyudad.
  • Sa agrikultura nakabatay ang buhay ng mga Mayan, Partikular na nakasalalay ang buhay ng mga Mayan sa pagtatanim ng tationg pananim na binubuo ng maize, bitsuwelas, at kalabasa
  • Naging malaking suliranin naman sa paglawak ng mga sakahan
    ang makapal na kagubatan. Upang malinis ang mga lupang
    kagubatan, ipinatupad ng mga Mayan ang sistemang kaingin o
    slash-and-burn agriculture.
  • Itinatag ng mga Mayan ang halos karamihan sa kanilang mga siyudad sa pagitan ng 250 CE at 900 CE, ang yugto sa kasaysayan ng Kabihasnang Maya na itinuring na Panahong Klasikal at Gintong Panahon.
  • Kabilang sa mga makapangyarihan at kamangha-manghang siyudad na naitatag sa panahong ito ang Tikal sa hilagang Guatemala; Copan sa kanlurang Honduras; Palenque Uxmal, Chichen Itza, Piedras Negras, at Calakmul sa Mexico.
  • Sa mga siyudad na itinatag ng mga Mayan, ang Tikal at Copan ang kinikilalang pinakamarangya sa buong Mesoamerica.
  • Stela - matatayog na monumentong bato.
  • Bagkus, ang mga naitatag ay magkakahiwalay, nagsasarili, at makapangyarihang siyudad-estado na pinamumunuan ng isang god-king.
  • Tikal at Calakmul - ang itinuturing na pinakamalawak at pinakamakapangyarihan.
  • Yax Pac ng siyudad ng Copan
  • Pakal ng siyudad ng Palenque.
  • Hari - Nasa pinakatuktok ng pag-uuring panlipunan.
  • Kinikilala ng mga Mayan ang kanilang hari bilang isang banal na nilalang (holy figure) at god-king.
  • Sa pagkamatay ng hari, naililipat ang trono sa pinakamatandang anak na lalaki.
  • Ang ibang anak na lalaki ng hari ay inaasahan namang papasok sa pagpapari.
  • Itzamna - Creator God
  • Chac - Rain God
  • K'inich Ajaw - Sun God
  • Sinasamba rin nila ang maize, digmaan, at kamatayan.
  • Ang unang kalendaryo na ginagamit sa pagsasaka (farming calendar) na alinsunod sa paggalaw ng araw (solar calendar) ay binubuo ng 365 araw na nahahati sa 18 buwan na may tig-20 araw at hiwalay na panahon na 5 araw sa katapusan ng huling buwan.
  • Ang pangalawang kalendaryo na may 260 araw, na nahahati sa 13 buwan na may tig-20 araw, ay itinuturing namang kalendaryong panrelihiyon na ginagamit sa mga ritwal at seremonya.
  • Sa kanilang matiyagang pagmamatyag sa mga bagay sa kalawakan, nagawang makalkula ng mga Mayan astronomer at mathematician ang solar year sa 365.2420 araw.
  • Ang kalkulasyong ito ay kulang lamang ng .0002 ng isang araw sa tinatanggap na katotohanan sa kasalukuyan.
  • Binubuo ang sistema ng pagsulat ng mga Mayan ng 800 hieroglyphic
    symbol, na tinatawag na glyphs.
  • Inuukit ng mga Mayan ang kanilang kasaysayan sa mga bato o di kay ay itinatala sa mga bark-paper book na tinatawag na codex.
  • Ang Popol Vuh ay ang bersiyon ng kuwento ng paglikha (story of creation) ng mga Mayan na mula sa highlands.
  • Sa ngayon, tinatayang nasa humigit-kumulang 2 milyong mamamayang Mayan ang patuloy na naninirahan sa katimugang bahagi ng Mexico at Guatemala
  • Kabilang sa mga tribong ito ang mga Mexica, kung saan hinango ang pangalang Mexico.
  • Noong 1200 CE, pinaniniwalaang narating ng mga Aztec ang Lambak ng Mexico (Valley of Mexico).
  • Matatagpuan ang Lambak ng Mexico sa high plateaus ng Central Mexico.
  • Kabilang sa mga naunang pangkat na nanirahan at nagtatag ng kanilang siyudad at kabihasnan dito ay ang mga Teotihuacan at Toltec.
  • Pinakamalaki sa mga ito ang Pyramid of the Sun, na may taas na 200 talampakan at sukat na 3,000 talampakan sa paligid ng pundasyon nito.
  • Naninirahan ang mga tao sa mga apartment-block building na nakapaligid sa central avenue.
  • Teotihuacan - "City of the Gods."\
  • Noong 1325, itinatag ng mga Aztec sa lugar na ito ang isang siyudad na tinawag nilang Tenochtitlan.
  • Noong 1428, lumagda ang mga Aztec o ang siyudad-estado ng Tenochtitlan ng kasunduan ng pakikipag-alyansa o Triple Alliance sa dalawang iba pang kalapit na siyudad-estado na Texcoco at Tlacopan.
  • Nahahati ang Imperyong Aztec sa 38 probinsiya.
  • Pinamunuan ng Imperyong Aztec ang 400 hanggang 500 siyudad-estado, at tinatayang populasyon na mula 5 milyon hanggang 15 milyong katao.
  • Chinampas - mga artipisyal na islang binubuo ng mga tambak na putik at lupa sa ibabaw ng mga banig na gawa sa reed (reed mats) na nakalutang sa tubig na parang balsa.