Hindi malilimutan ng mga mag-aaral kung ang guro'y may paborito sa klase o ang kanyang di pagkakapantay-pantay na pagtrato sa kanyang mga mag-aaral
Sa loob ng klase, dapat na siya'y walang kinikilingan at mahalagang maging pantay ang kanyang pagtingin sa lahat ng mga mag-aaral
May positibong ugali
Nasisiyahan ang mga mag-aaral kung sila'y nabibigyan ng papuri at pagkakilala o rekognisyon
Malaki ang impak nito sa kanilang tiwala sa sarili at direksyon
Naniniwala at nasisiyahan siya sa tagumpay ang kanilang mga mag-aaral
May kahandaan
Ang kahusayan (competence) at kaalaman sa saklaw ng nilalaman ng mga paksang itinuturo ay kinikilala ng mga mag-aaral
Madaling makilala ng mga mag-aaral ang gurong organisado at handa nang magturo
May haplos-personal
Pinahahalagahan ng mga mag-aaral ang gurong may ugnayan sa kanila yaong tumatawag sa kanilang pangalan, palangiti, nagtatanong tungkol sa kanilang nadarama at opinion, tinutuklas ang kanilang interes at tinatanggap ang tunay nilang pagkatao
Ang pagkukwento ng guro ng mga kwentong may kinalaman sa aralin ay higit na nagugustuhan ng mga mag-aaral
Masayahin
Naaalala ng mga mag-aaral ang gurong masayahin sa klase
Ang dagling pagbibiro at pagpapatawa sa mga sitwasyong nahihirapan at napapahiya ang mga mag-aaral ay nakababawas sa paghihirap o kahihiyang dinaranas ng mga mag-aaral
Malikhain
Nagugunita ng mga mag-aaral ang kanilang gurong malikhain sa mga gawaing pangklasrum, lalo na sa oras na ginaganyak sila para sa isasagawang aralin, pati na ang pag-aayos sa klasrum ng kanilang guro
Marunong tumanggap ng kamalian
Nababatid ng mga mag-aaral kung nagkakamali ang kanilang guro lalo't sila ang labis na naaapektuhan bunga ng pagkakamaling ito
Nagiging modelo ang isang guro kung tinatanggap niya ang kanyang pagkakamali at buong pagpapakumbabang humingi siya ng kapatawaran sa pagkakamaling kanyang nagawa
Mapagpatawad
Kinalulugdan ng mga mag-aaral ang gurong marunong magpatawad sa kasalanang kanilang nagawa, lalo't yaong nauukol sa kanilang maling gawi at ikinilos
Ang guro ang tagabuo ng anumang tunggaliang nagaganap sa klase kaya't mahalagang maiwasan din niyang magbigay ng di-magandang puno ukol ditto
May respeto
Ang kinalulugdang guro ay yaong marunong maglihim ng markang kanyang ibinigay sa kanyang mga mag-aaral o yaong kinakausap ang mag-aaral na may nagawang pagkakamali o kasalanan nang walang nakaririnig o nakakaalam, o yaong nagpapakita ng sensitibiti sa nadarama ng kanyang mga mag-aaral, nagiging marubdob ang mga mag-aaral na matupad ang kanyang mga tunguhin
May mataas na ekspektasyon
Ang di-malilimutang guro ay yaong nagpapakita ng napakataas na pamantayan lalo't hinahamon ang kanyang mga mag-aaral na gawain nang napakahusay ang kanyang ipinag-uutos
Madalas na nawawalan ng tiwala sa sarili ang mga mag-aaral
Kung maniniwala ang guro na may mga kakayahan ang kanyang mga mag-aaral, nagiging marubdob ang mga mag-aaral na matupad ang kanyang mga tunguhin
Mapagmahal
Kung aalamin ng guro kung bakit naalis sa isang laro, ang kanyang mag-aaral at kikilos siya upang makagawa ng paraan halimbawa para malutas ang suliranin nito ay naglalarawan ng pag-aalala at pagmamahal
Ipinadaramang kabilang ang bawat mag-aaral
Laging nasa isip ng mga mag-aaral na sila'y kabilang sa klase
Nadarama nilang kapamilya ang kanilang guro
Ang pagtatanong at pagpapakita ng kasiyahan sa ipinakikitang mga gawad, pampamilyang album at iba pa ng mag-aaral ay nakabubuo ng pagkakaisa at mabuting pagsasamahan
Ang mahusay at epektibong guro ay yaong nakaiisip agad ng paraan upang hindi magkaroon ng hinanakitan ang kanyang mga mag-aaral