Higit na nahalaga ang katotohanan kaysa kagandahan. Sa teoryang ito, ang sinumang tao, anumang bagay at lipunan, ay dapat maging makatotohanan ang isasagawang paglalarawan o paglalahad. Nakasentro sa pananaw na ito ang uri ng paksa ng isang akda kaysa sa paraan ng paglalahad nito. Ang paksa ng akdang makatotohanan ay nakapokus sa sosyo-politikal, kalayaan at katapangan para sa mga naapi gayundin ang kahirapan, kamangmangan, karahasan, krimen, bisyo, katiwalian, kawalan ng katarungan, prostitusyon, at iba pa. Patuloy at walang hanggang pagbabago ang nais pairalin ng teoryang ito kung kayat ang katotohanan ang una at huling hantungan ninuman. Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksihan ng may-akda sa kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at pagkaepektibo ng kanyang sinulat.