Pakikilahok na pampolitika

Cards (46)

  • tuwirang pakikilahok
    • ang kagustuhan ng mga mamamayan ay ipinahahayag sa pamamagitan ng pagpupulong ng bayan(primary assembly).
    • ang kanilang kagustuhan ay direkta nilang naipararating sa mga kinauukulan.
  • di-tuwirang pakikilahok
    • ang kagustuhan ng mga mamamayan ay ipinararating sa kanilang piniling kinatawan.
  • (saligang batas 1987) Artikulo III, seksiyon 4- hindi dapat magpatibay ng batas na nagbabawas sa kalayaan sa pananalita, pagpapahayag, o ng pamamahayagan, o sa karapatan ng mga taumbayan na mapayapang magkatipon at magpetisyon sa pamahalaan upang ilahad ang kanilang mga karaingan.
  • United Nations Development Programme - UNDP
  • civic forum
    • pagbibigay ng tinig o pagkakataong magsalita ang lahat ng mga kasapi ng lipunan, lalo na ang mahihirap.
  • mobilizing agent
    • pagpapalakas ng pakikilahok na pansibiko o civic engagement at pangangasiwa ng mga pampublikong pakikilahok sa mga isyung may pampublikong kahalagahan.
  • watchdog
    • pagbabantay sa mga gawain ng pang-aabuso at pagpapahusay ng pananagutan at transparency sa mga pampublikong pamamahala.
  • Southeast Asian Press Alliance- SEAPA
  • Artikulo V, seksiyon 1
    • ang karapatan sa paghalal ay maaring gampanan ng lahat ng mga mamamayan ng pilipinas na hindi inalisan ng karapatan ng batas, na labingwalong taong gulang man lamang, at nakapanirahan sa pilipinas sa loob ng isang taon man lamang, at anim na buwan man lamang sa lugar na kanilang bobotohan kagya't bago maghalalan.
  • Seksiyon 2
    • dapat magtakda ang kongreso ng isang sistema para masiguro ang pagiging sekreto at sagrado ng mga balota at gayondin ng isang sistema para sa pagbotong liban ng mga kuwalipikadong pilipino na nasa ibang bansa. para sa mga taong may kapansanan at mga hindi marunong magbasa at sumulat, ang kongreso ay dapat bumalangkas ng isang pamamaraan na hindi na kakailanganin ang tulong ng mga ibang tao.
  • Seksiyon 2
    • hanggang sumapit ang panahong iyon, sila ay pahihintulutang bumoto sa ilalim ng umiiral na mga batas at ng mga tuntuning maaring ihayag ng komisyon ng halalan upang maprotektahan ang pagiging sekreto ng balota.
  • Artikulo VI, seksiyon 32
    • Dapat magtadhana ang kongreso, sa loob ng madaling panahon, ng isang sistema ng pagpapatiuna at referendum, at ng mga kataliwasan doon,
  • Artikulo VI, seksiyon 32 (sumpay)
    • upang ang mga mamamayan ay tuwirang makapagpanukala at makagawa ng mga batas o makapagtibay o makatanggi sa anomang batas o bahagi nito na pinagtibay ng kongreso o ng lokal na kalupunang pangkapulungan pagkaraang maipatala ang petisyon doon na nilagdaan ng sampung porsiyento man lamang ng kabuuang bilang ng mga rehistradong botante, na ang bawat purok pangkapulungan ay kinakailangang katawanin ng tatlong porsiyento man lamang ng mga rehistradong botante niyon.
  •  PARTIDO POLITIKAL
    • Ang partido politikal ay tumutukoy sa organisadong grupo ng mga tao na nagkakaisa ng ideolohiya, pampolitikang ideya, o mga plataporma ng pamahalaan.
  • PARTIDO POLITIKAL
    Naitalang listahan ng mga Partido political ayon sa House of Representatives:
    • Liberal Party
    • Nacionalista Party
    • Lakas-Christian Muslim Democrats
    • Laban ng Demokratikong Pilipino
    • Puwersa ng Masang Pilipino
    • National Unity Party
    • United Nationalist Alliance
    • National People’s Coalition
  • PARTIDO BILANG ORGANISASYON
    Ang ikalawang hanay ng mga tungkulin na ginagampanan ng mga partidong political ay ang papel bilang pampolitikang organisasyon:
    • Magtipon o mag-recruit ng mga lider na politico para kumandidato sa pamahalaan;
    • Magsanay ng mga politico; at
    • Magpahayag ng mga interes na pampolitika
  • PARTY LIST
    • Ang iba’t-ibang sektor sa ating lipunan ay binibigyan ng pagkakataong magkaroon ng representasyon sa Kongreso upang ang kanilang mga tinig ay marinig. Kilala rin sila bilang kinatawang party list.
  • PARTY LIST
    May 300 na bilang ang mga rehistradong party list sa ating bansa. Narito ang ilan sa mga ito.
    • Akbayan
    • Ako Bicol
    • Abono
    • Anakpawis
    • Bayan Muna
    • Kabataan
    • 1-Care
    • Cibac
    • Gabriela
    • ACT Teachers
  • NON-GOVERNMENT ORGANIZATION
    • Ang nongovernment organization (NGO) ay anumang nonprofit na grupong mga local na boluntaryong mamamayan, Pambansa, o pandaigdig.
    • Ang mga NGO ay nagbibigay ng iba’t-ibang libreng serbisyo at tulong sa mga tao upang maiparating sa pamahalaan ang kanilang mga hinaing.
  • provision 1
    • pagbabawal sa paglalagay o pagdidikit ng mga campaign poster sa mga lugar na hindi itinalaga ng COMELEC bilang mga lugar ng kampanya.
  • Provision 2
    • pagbabawal na bumoto nang higit sa isang beses.
  • Provision 3
    • pagbabawal na bumoto para sa ibang tao
  • Provision 4
    • pagbabawal na tumanggap ng kabayaran kapalit ng boto
  • Provision 5
    • pagbabawal na gumamit ng terorismo, kaharasan, at iba pang mga gawain upang makakuha ang mga boto
  • Provision 6
    • pagbabawal na magsuhol at pilitin ang opisyal ng halalan
  • Provision 7
    • pagbabawal sa mga militar at pulis na pumasok at manatili sa loob ng presinto at mga sentro ng botohan, maliban sa pagboto.
  • politikal parties and party types- conceptual approaches to the institutionalization of political parties in transitional states: the case of the philippines - Isinulat ni Kristina Weissenbach noong 2010
  • Tinalakay ni Adriano Fermin sa kanyang "prospects and scenarios for the party list system in the philippines" ang mga pansektor na mga kinatawan o party list na nilimbag naman ng Ateneo School of Government and Friedrich Ebert Stiftung (FES), philippine office noong Abril 2001.
  • Nagsimula ang party list system sa pilipinas matapos ang 1986 EDSA revolution nang isinulat ang 1987 saligang batas.
  • Omnibus Election Code, Artikulo VIII, seksiyon 60-62 - inilalarawan nito kung ano ang partido politikal.
  • upang makakuha ng juridical na pagkilala, maging karapatdapat sa accreditation, at mabigyan ng mga karapatan at pribilehiyo, ang isang partido politikal ay nararapat na nakarehistro sa Commission on Elections.
  • naitala ng House of Representatives na may dalawang daan at siyamnapu ang bilang ng mga partido politikal sa ating bansa noong taong 2013.
  • Matapos ang 8 walong taon, pinagtibay ng kongreso ang Republic Act No. 7941 noong pebrero 28, 1995 bilang pagpapagana ng batas ng party list system.
  • Seksiyon 3 - ang nasabing batas na tumutukoy sa party list system bilang "mekanismo ng proporsiyonal na representasyon".
  • twenty percent allocation
    • ang mga kinatawan ng party list ay bumubuo ng 20% ng kabuuang bilang ng mga kinatawan kasama na ang mga nasa ilalim nito.
  • two percent threshold
    • para sa isang partido o organisasyon na may karapatan sa puwesto, dapat kumuha nanag hindi bababa sa 2% ng kabuuang boto para sa sistema ng party list
  • three-seat limit
    • ang seksiyon 11 ng RA 7941 ay nagsasaad na ang isang kalipikadong partido ay may karapatan sa tatlong puwesto.
  • proportional representation
    • ang karagdagang puwesto ng partido ay kakalkulahin para sa proporsion nito sa kabuuang bilang ng mga boto.
  • Artikulo II, seksiyon 23
    • dapat pasiglahin ng estado ang mga organisasyong di-pampamahalaan at salig-pamayanan o sektoral na nagtataguyod ng kagalingan ng bansa.
  • Artikulo III, seksiyon 4
    • hindi dapat magpatibay ng batas na nagbabawas sa kalayaan sa pananalita, pagpapahayag, o pamamahayagan o sa karapatan ng mga taumbayan na mapayapang magkatipon at magpetisyon sa pamahalaan upang ilahad ang kanilang mga karaingan.