Hindi lamang nakapokus sa proseso ng pagkuha ng kahulugan, kundi kasangkot din dito ang pagbuo ng kahulugan
Ang pagbabasa ng panitikan ay hindi nakatuon sa pag-unawa ng isang teksto
Sa pagbasa ng isang akda, lumilikha ang isang mambabasa ng isang daigdig na bunga ng dalawang imahinasyon - ang imahinasyon ng mambabasa at may akda
Anim na Pamamaraan o Prosesong Ginagamit sa Pagbasa ng Panitikan
Paglalarawan
Pagtatangi
Pag-uugnay
Interpretasyon o Pagsusuri
Paglalahat
Pagpapahalaga
Paglalarawan
Magagawa ng mag-aaral na maipahayag sa sariling pangungusap, pasalita o pasulat man ang tungkol sa kanilang pagbasa
Pagtatangi
Napag-uuri ng mag-aaral ang mga seksyong binasa, halimbawa, pagkilala ng genre, pag-alam sa may akda at pagtukoy sa kaisipan o tema ng binasang akda
Pag-uugnay
Nagagawa ng mag-aaral na maiugnay ang mga sangkap na ginamit sa isang akda
Interpretasyon o Pagsusuri
Purpusang ipinaliliwanag at pinangangatwiranan ng mga mag-aaral ang temang nais ibahagi ng may-akda sa kanyang mga mababasa
Paglalahat
Magagawang mailapat ng mag-aaral ang kanyang natutuhan buhat sa akda sa pagbabasa ng iba pang akda. Katulad rin ito ng paglalapat ng mga kasanayang natutuhan sa Panitikang Filipino sa pag-aaral ng Panitikang Ingles
Pagpapahalaga
Karaniwang ginagawa pagkatapos basahin ang isang akda, ngunit hindi tuwirang itinuturo ang pagpapahalaga, lilitaw ito sapagkat hitik na hitik sa pagpapahalaga ang panitikan