fil

Cards (62)

  • Dr. Jose Rizal-ang pambansang bayani ng Pilipinas
  • Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda
    Ang buong pangalan ni Dr. Jose Rizal
  • Ipinanganak si Dr. Jose Rizal
    ika-19 ng Hunyo, 1861
  • Ang kanyang inang si Donya Teodora ang kanyang naging unang guro
  • Siyam na taong gulang si Jose nang siya ay ipinadala sa Binyang at dito'y nag-aral sa ilalim ng pamamahala ni Ginoong Justiniano Aquino Cruz
  • Siya naman ay nagsimulang pumasok sa Ateneo Municipal de Manila noong ika-20 ng Enero, 1872
  • Sa paaralang ito ay tumanggap siya ng katibayang Bachiller En Artes at pagkilalang sobresaliente (excellent), noong ika-14 ng Marso, 1877
  • Nagtungo siya sa Europa noong ika-5 ng Mayo, 1882 upang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral
  • Nang taong 1884 ay nagsimula si Rizal sa pag-aaral ng Ingles
  • Noong ika-8 ng Hulyo, 1892, ay itinatag ni Dr. Rizal sa Maynila ang Liga Filipina, isang samahang ang mithiin ay ang mabago ang naghaharing sistema ng pamahalaan sa Pilipinas sa pamamagitan ng mapayapang paraan at hindi ng paghihimagsik
  • Alinsunod sa kautusan ni Gobernador-Heneral Despujol noong ika-7 ng Hulyo, 1892, ay ipinatapon si Rizal sa Dapitan noong ika-15 ng Hulyo noong taon ding iyon dahil sa bintang na siya'y may kinalaman sa kilusang ukol sa paghihimagsik
  • Ipiniit si Dr. Rizal sa Maynila sa Real Fuerza de Santiago. Nang iharap siya sa Hukumang Militar at litisin, ay nahatulan siyang barilin sa Bagumbayan
  • Isinulat ni Dr. Rizal ang "Mi Ultimo Adios" (Huling Paalam). Ito ang huling isinulat ni Dr. Jose Rizal bago siya binaril sa Bagumbayan (Rizal Park o Luneta ngayon) noong ika-30 ng Disyembre, 1896
  • Ang ika-30 ng Disyembre ng bawat taon ay itinuturing na dakilang araw ng paggunita ng mga Pilipino sa pinakadakilang bayani ng Pilipinas, si DR. JOSE RIZAL
  • Ang Noli Me Tangere ang kauna-unahang nobelang isinulat ni Rizal
  • Noli Me Tangere
    Ang mga salitang ito ay nangangahulugang "huwag mo akong salingin"
  • Dr. Blumentritt: '"isinulat sa dugo ng puso" ang Noli Me Tangere'
  • Kaya nang mabasa niya ang aklat na The Wandering Jew (Ang Hudyong Lagalag) ay nabuo sa kanyang puso na sumulat ng isang nobelang gigising na damdamin ng mga Pilipino at magsisiwalat sa kabuktutan at pagmamalupit ng mga Espanyol
  • Mula nang simulan niyang isulat ang Noli Me Tangere ay nagsimula nang magtipid si Rizal
  • Natapos niya ang Noli Me Tangere ngunit wala siyang sapat na halaga upang maipalimbag ito
  • Mabuti na lamang at dumalaw sa kanya si Maximo Viola na nagpahiram sa kanya ng salaping naging daan upang makapagpalimbag ng 2,000 sipi nito sa Imprenta Lette sa Berlin, Germany noong Marso 29, 1887
  • Nang magbalik siya sa Pilipinas sa unang pagkakataon noong Agosto 6, 1887, si Rizal ay agad na nagtuloy sa Çalamba upang maopetin ang kanyang ina
  • Bilang hakbang sa pag-iingat, si Rizal ay pinabantayan ni Gobernador-Heneral Terrero kay Tenyente Jose Taviel de Andrade upang maligtas siya sa mga tangka ng kanyang mga kaaway
  • Don Crisostomo Magsalin Ibarra
    Binatang nag-aral sa Europa na nangarap makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng kabataan ng San Diego. Siya ay kababata at kasintahan ni Maria Clara. Siya ay sagisag ng mga Pilipinong nakapag-aral na maituturing na may maunlad at makabagong kaisipan
  • Maria Clara delos Santos
    Siya ang kasintahan ni Crisostomo Ibarra
  • Ang kanya namang Por Telefono ay laban kay Fray Salvador Font na nanguna sa lupong nagsiyasat at gumawa ng ulat upang ipagbawal na basahin ang Noli ng sinumang Pilipino
  • Maria Clara delos Santos
    Kasintahan ni Crisostomo Ibarra na kumakatawan sa isang uri ng Pilipinang lumaki sa kumberito at nagkaroon ng edukasyong nakasalig sa doktrina ng relihiyon. Siya ay maganda, relihiyosa, masunurin, matapat, mapagpakasakit ngunit may matatag na kalooban
  • Elias
    Isang piloto/bangkero at magsasakang tumulong kay Crisostomo Ibarra para makilala ang kanyang bayan at gayundin ang mga suliranin nito. Siya ay isang tunay na maginoo, hindi mapaghiganti, ang iniisip ay ang kapakanan ng nakararami, at may pambihirang tibay ng loob
  • Pilosopong Tasyo
    Isang iskolar na nagsisilbing tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego. Taglay niya ang katangian ni Rizal na mapagpuna sa mga pangyayari sa paligid. May mga kaisipan siyang una kaysa sa kanyang panahon kaya't hindi siya maunawaan ng marami
  • Padre Damaso
    Isang kurang Pransiskano na dating kura ng San Diego at siya ring nagpahukay at nagpalipat sa bangkay ni Don Rafael Ibarra sa libingan ng mga Intsik. Halimbawa siya ng isang taong madaling mauto at marupok ang kalooban sa mga papuring hindi sadyang nagmumula sa puso ng nagpaparangal
  • Don Santiago "Kapitan Tiago" delos Santos

    Isang mayamang mangangalakal na taga-Binondo na asawa ni Pia Alba at ama ni Maria Clara. Siya ay isang taong mapagpanggap at laging masunurin sa nakatataas sa kanya ngunit sakim at walang pinapanginoon kundi ang salapi
  • Don Rafael Ibarra
    Ama ni Crisostomo Ibarra na namatay sa bilangguan. Siya ay labis na kinainggitan ni Padre Damaso dahilan sa yamang kanyang tinataglay. Ito ang dahilan kung bakit siya ay pinaratangang erehe ng pamahalaan. Kinakatawan niya ang taong naghahangad ng katarungan para sa kapwa. Kahanga-hanga ang kanyang paggalang at pagtitiwala sa batas at ang pagkamuhi sa mga paglabag dito
  • Sisa
    Ang mapagmahal na ina nina Basilio at Crispin na may asawang pabaya at malupit. Isang inang walang nalalaman kundi ang umibig at umiyak na lamang. Pinopoon niya ang asawa at nagpapakasakit alang-alang sa mga minamahal na anak
  • Padre Bernardo Salvi
    Kurang pumalit kay Padre Damaso sa San Diego
  • Padre Hernando Sibyla

    Isang paring Dominikano na lihim na sumusubaybay sa bawat kilos ni Crisostomo Ibarra
  • Basilio
    Nakatatandang anak ni Sisa na isang sakristan at tagatugtog ng kampana sa kumbento. Sinasagisag niya ang mga walang malay at inosente sa lipunan
  • Crispin
    Bunsong kapatid ni Basilio na isa ring sakristan at kasama ng tumutugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego
  • Alperes
    Siya ang puno ng mga guwardiya sibil at siya ring mahigpit n kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego
  • Donya Consolacion
    Siya ay isang dating labanderang malaswa kung magsalita na naging asawa ng alperes
  • Donya Victorina de Espadaña
    Isang babaeng punong-puno ng kolorets Espanyol. Mahilig din siyang magsalita ng Kastila bagama't ito ay sa mukha dahil sa kanyang pagpapanggap bilang isang mestisang laging mali