Cristostomo Ibarra - Siya ay kababata at kasintahan ni Maria Clara.
Maria Clara - Siya ang kasintahan ni Crisostomo Ibarra na kumakatawan sa isang uri ng Pilipinang lumaki sa kumbento at nagkaroon ng edukasyong nakasalig sa doktrina at relihiyon.
Elias - Siya ay isang piloto/bangkero at magsasakang tumulong kay
Crisostomo Ibarra para makilala ang kaniyang bayan at gayundin ang mga suliranin nito.
Pilosopo Tasyo - Siya ay isang iskolar na nagsisilbing tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego.
Padre Damaso - Isang kurang Pransiskano na dating kura ng San Diego at siya ring nagpahukay at nagpalipat sa bangkay ni Don Rafael Ibarra sa libingan ng mga Intsik.
Kapitan Tiago - Isang mayamang mangangalakal na taga-Binondo na asawa ni Pia Alba at ama ni Maria Clara.
Don Rafael Ibarra - Ama ni Crisostomo Ibarra na namatay sa bilangguan.
Sisa - Ang mapagmahal na ina nina Basilio at Crispin na may asawang pabaya at malupit.
Padre Salvi - Kurang pumalit kay Padre Damaso sa San Diego.
Padre Sibyla - Isang paring Dominikano na lihim na sumusubaybay sa bawat kilos ni Crisostomo Ibarra.
Basilio - Nakatatandang anak ni Sisa na isang sakristan at tagatugtog ng kampana sa kumbento.
Crispin - Bunsong kapatid ni Basilio na isa ring sacristan at kasama ring
tumutugtog ng kamapana sa simbahan ng San Diego.
Alperes - Siya ang puno ng mga guwardiya sibil at siya ring mahigpit na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego.
Donya Consolacion - Siya ay isang dating labanderang malaswa kung magsalita na naging asawa ng alperes.
Donya Victorina - Isang babaeng punumpuno ng kolorete sa mukha dahil sa kaniyang pagpapanggap bilang isang mestisang Espanyol. Mahilig din siyang magsalita ng Kastila bagama’t ito ay laging mali.
Don Tiburcio - Siya ay pilay at bungal na Kastilang nakarating sa Filipinas dahil sa kaniyang paghahanap ng magandang kapalaran.Naging asawa siya ni Donya Victorina.
Alfonso Linares - Binatang napili ni Padre Damaso
na maging asawa ni Maria Clara. Siya ay
malayong pamangkin ni Don Tiburcio.
Tiya Isabel - Siya ang hipag ni KapitanTiago na nag-aalaga kay Maria Clara simula nang siya ay sanggol pa lamang.
Donya Pia - Siya ang ina ni Maria Clara na sa loob ng anim na taon ng pagsasama ng kaniyang kabiyak ay hindi nagkaanak. Siya ay namatay matapos maisilang si Maria Clara.
Tenyente Guevarra - Isa sa matapat na kaibigan ni Don Rafael Ibarra. Siya rin ang tenyente ng gurdia civil na nagkuwento kay Crisostomo Ibarra ng totoong sinapit ng kaniyang ama.
Kapitan Heneral - Ang pinakamakapangyarihang opisyal at kinatawan ng Hari ng Espanya sa Filipinas. Siya rin ang tumulong kay Crisostomo Ibarra para maialis siya sa pagka-ekskomulgado.
Kapitan Basilio - Isa sa mga naging kapitan ng bayan ng San Diego na naging kalaban ni Don Rafael sa isang usapin sa lupa.
Don Filipo - Siya ay isang tenyente mayor na kaibigan ni PilosopoTasyo at asawa ni Donya Teodora Vina. Siya ay mahilig magbasa ng Latin. Siya rin ang ama ni Sinang.
Lucas - Isang Indio na kapatid ng tauhang namatay sa pagbagsak ng kabriya sa ipinapatayong gusali ng paaralan ni Crisostomo Ibarra.
Don Saturnino - Nuno ni Crisostomo Ibarra na kinikilalang naging dahilan ng pagkasawi ng nuno ni Elias.
Don Pedro - Nuno ni Crisostomo Ibarra.
Kapitana Maria - Tanging babaeng makabayan na pumapanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa alaala ng ama.
Nol Juan - Siya ang tagapamahala ni Crisostomo Ibarra sa pagpapagawa ng kaniyang paaralan.
Kapitan Pablo - Siya ang puno ng mga tulisan at itinuturing na ama ni Elias.