Ang --- o pictorial essay ay isang uri ng artikulong pangedukasyon na naglalayong makapagbibigay ng babasahin at larawang magpapakita ng isang isyung maaaring mapag-usapan.
Ito ay ang mga inihahanay at sunod-sunod na larawang naglalayong magbigay ng KWENTO o hindi kaya ay magpakita ng EMOSYON. Maaaring ito ay larawan lamang, larawang mayroong kapsyon, o larawang may maikling salaysay.
Kombinasyon ito ng POTOGRAPIYA AT WIKA.
Dalawang Sangkap ng Larawang Sanaysay
1)Teksto
Madalas na may “journalistic feel”
Kailangan maikli lamang ang sanaysay para sa larawan , maaaring 1,000 hanggang 2,000 ang bumubuong salita at mayroong nilalamang mapapakinabangang mensahe mula sa larawan.
2) Larawan
Ito ay kaiba sa picture story sapagkat ito ay may iisang ideya o isyung nais matalakay
Ang mga larawan ay inaayos ayon sa pagkakasunodsunod ng mga pangyayari at ang layunin nito ay magsalaysay o magkuwento.
Elemento ng Larawang Sanaysay
Sa kuwento, dapat makapagsalaysay ang piyesa kahit walang nakasulat na artikulo. Hayaang magsalaysay o magbigay komentaryo ang mga larawan.
Ang mga uri ng larawan ay tumutukoy sa barayti ng mga larawan gaya ng WIDEANGLE, CLOSE UP at PORTRAIT na mahalagang mailahok sa isang piyesa.
Mahalagang pag-isipan ang pagkakaayos ng mga larawan upang mabisa itong makapagkuwento sa paraang kaakit-akit
(2) Elemento ng Larawang Sanaysay
Mahalagang maglahok ng mga larawang nagtataglay ng impormasyon at ng emosyon.
Ang PAGLALARAWAN o CAPTION ay mahalaga upang masigurong maiintindihan ng mambabasa ang kanilang tinutunghayan
Uri ng Larawan
Ang PANGUNAHING LARAWAN (lead photo) ay maihahalintulad sa mga unang pangungusap ng isang balita na tumatalakay sa mahalagang impormasyon na SINO, SAAN, KAILAN at BAKIT.
Ang EKSENA (scene) ang pangalawang litratong naglalarawan ng eksena ng isang larawang sanaysay.
Ang isang larawang sanaysay ay kailangang may larawan ng TAO (PORTRAIT). Ipinapakita nito ang tauhan sa kwento.
Ang mga DETALYENG LARAWAN (detail photo) ay nakatutok sa isang elemento gaya ng gusali, tahanan, mukha, o mahalagang bagay.
Uri ng Larawan
Gaya ng detalyeng larawan, pagkakataon ng LARAWANG CLOSE-UP na tumuon sa ilang bagay.
Ang SIGNATURE PHOTO ay ang larawang magbubuod sa sitwasyong masasalamin sa larawang sanaysay.
Ang PANGHULING LARAWAN (clincher photo) ay ang huling larawan sa mga serye ng mga litrato. Mahalagang piliin ang huling larawan na magbibigay sa mga mambabasa ng emosyong nais mong iparating tulad ng pakiramdam ng pagasa, inspirasyon, pagkilos o paglahok, at kaligayahan.
Mga Karaniwnag uri ng anggulo at kuha ng camera
1)Establishing Long Shot
Sa ibang termino ay tinatawag na “scene- setting”. Mula sa malayo ay kinukunan ang buong senaryo o lugar upang bigyan ng ideya ang manonood sa magiging takbo ng buong pelikula o dokumentaryo.
2) Medium Shot
Kuha ng kamera mula tuhod paitaas o mula baywang paitaas. Karaniwang ginagamit ito sa mga senaryong may DIYALOGO o sa pagitan ng dalawang taong nag-uusap.
Mga Karaniwang uri ng anggulo at kuha ng camera
3) Close-Up Shot
Ang pokus ay nasa isang partikular na bagay lamang, hindi binibigyang-diin ang nasa paligid. Halimbawa nito ay ang pagpokus sa ekspresiyon ng much at sulat-kamay sa isang papel.
4) Extreme Close-Up Shot
Ang pinakamataas na lebel ng “close-up shot”. Ang pinakapokus ay isang detalye lamang mula sa close-up. Halimbawa, ang pokus ng kamera ay nasa mata lamang sa halip na sa buong mukha.
Mga Karaniwang uri ng anggulo at kuha ng camera
5) High Angle Shot
Ang kamera ay nasa bahaging itaas, kaya ang anggulo o pokus ay nagmumula sa mataas na bahagi tungo sa ilalim
6) Low Angle Shot
Ang kamera ay nasa bahaging ibaba, kaya ang anggulo o pokus ay nagmumula sa ibabang bahagi tungo sa itaas.
7) Birds Eye-View
Maaari ring maging isang “AERIAL SHOT” na anggulo na nagmumula sa napakataas na bahagi at ang tingin ay nasa ibabang bahagi.
Mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng Larawang Sanaysay
Pumili ng paksa ayon sa iyong interes.
Magsagawa ng pananaliksik sa iyong paksang gagawin.
- Isaalang-alang ang kawilihan at uri ng iyong mambabasa.
Tandaan na ang isang istoryang nakatuon sa mga pagpapahalaga o emosyon ay madaling nakapupukaw sa damdamin ng mambabasa.
(2) Mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng Larawang Sanaysay
Kung nahihirapan ka sa pagsusunod-sunod ng pangyayari gamit ang larawan, mabuting sumulat ka muna ng kuwento at ibatay rito ang mga larawan.
Planuhing mabuti ang gagawing sanaysay gamit ang mga Iarawan. Tandaang DAPAT MANGIBABAW ANG LARAWAN KAYSA SA MGA SALITA.
(3) Mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng Larawang Sanaysay
Palaging tandaan na ang larawang-sanaysay ay nagpapahayag ng KRONOLOHIKAL NA SALAYSAY, isang ideya, at isang panig ng isyu.
Siguraduhin ang kaisahan ng mga larawan ayon sa framing, komposisyon, kulay, at pag-iilaw. Kung minsan, mas matingkad ang kulay at matindi ang contrast ng ilang larawan kumpara sa iba dahil sa pagbabago ng damdamin na isinasaad nito.