Filipino

Cards (36)

  • Korido - Isang popular ha pasalaysay na awit at panulaam na isang uri ng ballad. Isang uri din ito sa panitikang Pilipino na nakuha Ang impluwensiya mula sa Espanyol.
  • KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN naglalarawan sa rason o pangyayari na sinaunang naganap o kaya ay ginawa na siyang tumuloy sa kung ano o bakit ganito ang isang bagay, tao, pangyayari, at iba pa. 
  •  Awit ~Mga Pamantayan
    Batay sa Anyo
    •  Binubuo ng 12 pantig sa loob ng taludtod
    Musika
    • Mabagal Ang himig o Adante•
    Sadyang para awitin, inaawit sa tanging pagtitipon.
    Paksa •  Bayani, alamat at mandirigma at larawan ng buhay
    Katangian ng mga tauhan
    •  Walang taglay na  kapangyarihang supernatural •Makakatotohanan o hango sa tunay na buhay
    Hal. Florante at Laura 
  • Korido ~Mga Pamantayan 
    Batay sa Anyo
    • Binubuo ng walong pantig sa isang taludturan.
    Musika
    •  Mabilis ang himig o allegro •  Sadyang para basahin, hindi awitin.
    Paksa
    •  Pananampalataya, alamat at kababalaghan
    Katangian ng mga tauhan
    •  May kapangyarihang supernatural o kakayahang magsagawa ng mga kababalaghan na hindi nagagawa ng karaniwang tao. Tulad ng pagpatag ng bundok at pag-iiba-iba ng anyo. Hal. Ibong Adarna 
  • IBONG ADARNA
    Ito ay isang uri ng tulang pasalaysay tungkol sa pakikipagsapalaran at kabayanihan na karaniwang mga maharlikang tao ang nagsisiganap
  • IBONG ADARNA • Ang tagpuan ay karaniwang sa isang kaharian sa Europa. Nagsimulang lumaganap ang mga tulang romansa sa Europa noong Edad Media o Middle Ages at sinasabing nakarating ito sa Pilipinas mula sa Mehiko noong ika-17 dantaon. • Subalit noong 18 dantaon, lamang ito kinilala sa ating bansa kasabay ng pagpapakilala ng imprenta at pagkatuto ng ating mga ninuno ng alpabetong Romano. 
  • DAYUHANG PANITIKAN ~  Bagamat hindi naitala kung sino ang nagsalin nito sa Wikang Filipino ay masasalamin dito ang pagiging malikhain ng manunulat.
    ~  PATULA  ang paraan ng pagsasalaysay na dati nang ginagamit ng ating mga ninuno sa panitikang saling bibig. 
  • IBONG ADARNA ITO AY ISANG KORIDO
    bilang isang korido, ito ay nagtataglay ng sumusunod na katangian:
     A.  May walong pantig sa bawat taludtod. B. Inilalarawan ang mga tauhang may kapangyarihan o kakayahang gumawa ng mga kababalaghan.
    C. Inilalarawan ang kagila-gilalas na pakikipaglaban ng mga tauhan alang-alang sa pag-ibig.
    D. Ang mga pakikipagsapalaran malayong mangyari sa totoong buhay.   
  • IBONG ADARNA
    • binubuo ng 1,056 saknong
    • umabot ito sa 48 pahina
    Ang mga korido ay isinusulat noon bilang panalanging iniaalay sa Birheng Maria.
  • Nagsimula ang sumulat ng Ibong Adarna sa pamamagitan ng pagbati at pagpuri kay Birheng Maria. Sabi ng manunulat si Birheng Maria ay nagbubukas ng kanyag pag-iisip hindi siya magkaroon ng pagkakamali sa kanyang sinusulat dahil siya ay mortal lamang at ang katawan at isip niya ay mahina. Humingi siya ng gabay sa Inang Birheng para magkaroon ng patutunguhan ang kanyang buhay. Ninais din niya na sana ay pakinggan ng Birheng Maria ang kanyang nilikhang korido. 
  • ORIHINAL NA PAMAGAT Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang Tatlong Principeng Magcacapatid na Anac nang Haring Fernando at nang Reina Valeriana sa Cahariang Berbania. 
  • • Hindi matukoy kung sino ang tunay na nagsulat ng akdang ito na naging malaking bahagi ng panitikan ng Pilipinas. Ngunit sinasabing nagmula ang korido sa bansang Mexico • Kahit hindi isinulat ng isang Pilipino, niyakap ito ng marami dahil naangkop sa KULTURA at pagpapahalaga ng bansa ang takbo ng kuwento nito, kabilang ang pagmamahal sa pamilya, pagpapahalaga sa magandang ugnayan ng bawat miyembro, at ang pagiging mabuting anak. Kabilang din sa aral na makukuha sa korido ay ang pananampalataya. 
  • May haka-haka na ang manunulat na si Huseng Sisiw o Jose dela Cruz daw ang maaaring nagsulat o nagsalin nito ngunit walang  makapagpatunay. 
    Jose de la Cruz "HUSENG SISIW"
    Binigyan ng karangalang Hari ng mga Makata sa katagalugan. Ikinapit sa kanya ang taguring Huseng Sisiw dahil kung may nagpapagawa sa kanya ng patulang liham ng pag-ibig, ang hinihingi niyang kabayaran ay sisiw. 
  • • Dahil sa mga aral na makukuha sa korido ay ginawa itong kabahagi ng pag-aaral ng mga kabataan at isa sa mga akdang pampanitikang tinatalakay sa haiskul. • Sa kasalukuyan, ang Ibong Adarna ang isa sa mahahalagang akda na pinag-aaralan ngayon sa mataas na paaralan, alinsunod sa kurikulum na itinakda ng Kagawaran ng Edukasyon. 
  • MAHAHALAGANG TAUHAN NG IBONG ADARNA
    Naging mahusay at kapana-panabik ang akda hindi lamang sa mainam na pagkakahabi ng mga pangyayari kundi dahil na rin sa mga tauhang nagbigay-buhay sa makulay na mundo ng koridong Ibong Adarna. Bago mo pa man simulang basahin ang korido ay iyo munang kilalanin
    ang mga ito. Mababatid mo rin ang kani-kanilang ginagampanang papel at mula rito ay malalaman mo na kung ano-ano ang aasahan sa kani-kanilang pakikipagsapalarang nagbigay-rikit o kagandahan sa isang walang kamatayang korido ng bayan. 
  • Ibong Adarna  ang makapangyarihang ibong nakatira sa puno ng Piedras Platas na makikita sa Bundok Tabor. Tanging ang magandang tinig ng ibong ito ang makapagpapagaling sa mahiwagang sakit ni Haring Fernando ng Kahariang Berbanya. 
  • Haring Fernando  - ang butihing hari ng Kahariang Berbanya na nagkaroon ng malubhang karamdaman.
  • Reyna Valeriana  - ang kabiyak ni Haring Fernando at ina nina Don Juan, Don Pedro, at Don Diego
  • Don Pedro - ang panganay na anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana. Siya ang unang umalis at nakipagsapalarang hanapin ang mahiwagang ibon sa Bundok Tabor. 
  • Don Diego - ang ikalawang anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana. Nang hindi makabalik si Don Pedro ay siya naman ang sumunod na tumungo sa kabundukan upang hanapin ang ibong makapagpapagaling sa kanilang amang may malubhang karamdaman. 
  • Don Juan   - ang bunsong anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana. Makisig, matapang, at may mabuting Siya ang tanging nakahuli sa Ibong Adarna sa Bundok Tabor at nakapagligtas sa kanyang dalawang kapatid. 
  • Matandang Sugatan o Leproso - ang mahiwagang matandang leproso o ketongin na humingi ng tulong at ng huling tinapay ni Don Juan habang patungo siya sa Bundak ng Tabor. Siya ang nagsabi ng mga bagay na dapat gawin Don Juan sa pagdating niya sa Bundok Tabor. 
  • Higante. - mabagsik, malakas, at malupit na tagapagbantay ni Donya Juana. Nakatakas lamang si Donya Juana mula sa pagiging bihag niya nang matalo at mapatay siya ni Don Juan. 
  • Ermitanyo - ang mahiwagang matandang lalaking naninirahan sa Bundok Tabor. Siya ang tumulong kay Don Juan upang mahuli ang mailap na Ibong Adarna. 
  • Matandang Lalaking Uugod
    - tumulong kay Don Juan upang mapanumbalik ang dati nitong lakas matapos siyang Pagtaksilan nina Don Pedro at Don Diego. 
  • Donya Juan - ang unang babaeng nagpatibok sa paso ni Don Juan, Isang higante ang nagbabantay sa prinsesa na kinailangang talunin ni Don Juan upang makalaya ang dalaga
  • Donya Leonora
    - ang nakababatang kapatid Donya Juana na bihag naman ng isang serpiyente Nang makilala siva m Juan ay nahulog dumang loob ng binata sa kagmalahang taglay ng dalaga. 
  • Lobo - ang alaga ni Donya Leonora na gumamot kay Don Juan nang siya'y mahulog sa balon dahil sa pataksil na pagputol ni Don Pedro sa lubid na nakatali sa kanyang baywang. 
  • Serpiyente-isang malaking ahas na may pitong ulo na nagbabantay kay Donya Leonora. Nakipaglaban dito si Don Juan at nang matalo niya ang serpiyente ay nakalaya na si Donya Leonora. 
  • Donya Maria Blanca-ang prinsesa ng Reyno de los Cristales. Maraming taglay na kapangyarihan ang dalagang ito. Dahil sa laki ng pag-ibig niya kay Don Juan ay tinulungan niya ang binata upang malagpasan ang maraming pagsubok na inihain ng ama niyang si Haring Salermo. Sa huli ay sila rin ni Don Juan Ang  nagkatuluyan. 
  • Haring Salermo - ama ni Donya Maria Blanca na naghain ng napakaraming pagsubok na kinailangang malagpasan ni Don Juan upang mahingi ang kamay ng dalaga. 
  • TELESERYE TELEDRAMA Pagpapahayag ng  Damdamin
    • PHILIPPINE DRAMA O P-DRAMA ~  Ang Philippine Drama, o mas kilala bilang teleserye o teledrama, ay maaaring i-uri sa iba't ibang anyo at genre. ~ Ito ay napapanood sa telebisyon na karaniwang hindi makatotohanan o walang pawang pruweba na  masasabing ito ay totoo. ~ Nagmula ito sa dalawang salita na "tele", pinaikling salita para sa "telebisyon", at "serye", salitang Tagalog para sa "series" at "drama" para naman sa drama. 
  • PARAAN NG PAGPAPAHAYAG NG DAMDAMIN Mga Pangungusap na Padamdam Ito ay mga pangungusap na nagpapahayag ng matinding damdamin o emosyon. Ginagamitan ito ng tandang padamdam (!)
     HALIMBAWA:
    •  Nakupo, hindi ko maaatim na patayin ang inosenteng sanggol na ito!
    • Ang sakit malamang ang sariling anak ang pumaslang sa ama!
  • PARAAN NG PAGPAPAHAYAG NG DAMDAMIN
    Maiikling Sambitla
    Ito ay mga sambitlang iisahin o dadalawahing pantig na nagpapahayag ng matinding damdamin. 
    HALIMBAWA:
    •Aray! •Wow!
    •Naku!
  • PARAAN NG PAGPAPAHAYAG NG DAMDAMIN Mga Pangungusap na Nagsasaad ng Tiyak na Damdamin o Emosyon ng Isang Tao
    Ito'y mga pangungusap na pasalaysay kaya't hindi nagsasaad ng matinding damdamin, ngunit ito ay nagpapakita ng tiyak na damdamin o emosyon.
    HALIMBAWA: Kasiyahan: Napakasayang isipin na may isang bata na namang isinilang sa mundo.
    Pagkalungkot: Masakit isiping ang mag ama ay ang nagharap sa isang pagtutunggali.  
  • PARAAN NG PAGPAPAHAYAG NG DAMDAMIN
     Mga Pangungusap na Nagpapahiwatig ng Damdamin sa Hindi Tuwirang Paraan
    - Ito ay mga pangungusap na gumagamit ng matatalinghagang salita sa halip na tuwirang paraan.
    HALIMBAWA: Kumukulo ang dugo ko kapag naiisip ko ang mga magulang na pinababayaan ang mga anak.
    (Ibig sabihin ng kumukulo ang dugo ay galit na galit.